D I O N Nagising ako na may masakit sa bandang puson ko, anong nangyari? Bakit masakit ang katawan ko? Nanaiginip ba ko? Wait nasa ospital ako ngayon, anong ginagawa ko dito? Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nangyari sa restaurant at agad na tumayo. Don ko napansin ang IV na naka tusok sa akin, kaya napangiwi ako nang makaramdam ako ng kirot. Ang baby ko. Sakto na bumukas ang pinto, at pumasok si Leigh habang may kasamang doctor, at nurse, agad silang lumapit sakin, ang nurse tinignan ang dextrose ko, ang doctor naman, lumapit sakin at kinamusta kung ano ang nararamdaman ko, si Leigh hindi gaanong lumapit, dahil hinayaan nya na doctor muna ang mag check sa akin. “You almost had a miscarriage, p

