Chapter 02 Cloud Mansion

2146 Words
Lian moan pov. Napabalikwas siya sa pagkakahiga nang may kumatok sa pintuan at may tumatawag sa kanya. Nakatulog pala siya. "Miss lian?" "S-sino yan?"tanong niya at saka napatayo. "Maam ako po si breska isa po sa katulong ni sir cloud. Pinapatawag po kayo ni sir cloud para po mag dinner. Saka po nasa akin po yong damit ninyo para po makabihis na po kayo."magalang na sabi nito. Dali dali naman niyang binuksan ang pintuan. May dala nga itong damit . "S-salamat.."alanganing siyang ngumiti saka kinuha ang damit. Mga bagong damit at sigurado siyang mga mahal ang mga ito. "N-nasaan ang mga damit ko??"tanong niya dito. "Hindi pa po siguro nakukuha miss lian saka yan po ang pinabibigay ni sir cloud para isuot niyo ngayon."sabi nito saka ito ngumiti sa kanya.. "Ahhh okay.."tumatangong sabi naman niya. "May pinapasabi pa po si sir cloud. Dalian niyo po daw at ayaw niyang pinaghihintay po siya." Biglang lumaki naman ang mata niya.. "A-ah! O-oo sige! Sunod na lang ako pag nakaayos na ako." My ghad.. Sobrang bossy naman ang lalaking iyon. "Sige po miss lian."yumuko ito saka umalis. Sinara niya ulit ang pintuan saka tinignan kong saan ba ang banyo nito. Pumasok naman ako at wow.... Bahay lang namin ang banyo nito... Ang sosyal.. Kinuha niya naman ang nakasampay na tuwalya nito. Wow ang bango parang hindi pa nagagamit.. Sinimulan na niyang tanggalin ang mga make up na nakalagay sa mukha niya. Hindi talaga siya sanay na may make up sa mukha. Pagkatapos nag shower na rin siya at nagbihis.. Napatingin siya sa salamin. Wala na ang make up sa mukha niya. Sample orange dress ang binigay sa kanya na susuotin. Napatingin siya sa paa niya na naka heels na nakakamatay. Hindi ko na ata kayang suotin ulit ang heels na ito. Napatingin siya sa ilalim ng kama ni cloud at may nakita siya tsinilas na panglalaki. Pwede niya siguro hiramin iyun. Sinuot niya iyun kahit malaki sa kanya. Kaysa naman iyong heels na nakakamatay ang isuot niya baka mamatay pa siya ng maaga.. Lumabas na rin siya sa kwarto ni cloud.. Wow... Nakakalula.. Sobrang laki talaga ang mansion ni cloud. Hindi siya oa pero sobrang laki talaga. Nasa bahay ba siya ni kris aquino o mas malaki pa ang mansion ni cloud kaysa kay kris aquino. May nakita siyang hagdan na nasa dulo. Sandali saan ko ba hahanapin si cloud? Wala palang sinabi si breska kong nasaan si cloud. Ang sinabi lang nito tinatawag siya para mag dinner. Wala naman siyang makitang maid. Biglang may lumabas sa kabilang kwarto. Isang lalaki na hindi niya kilala. Lumapit naman siya dito na parang nagulat ng makita siya.. Kilala ba siya nito.. "Ah kuya.. Pwede magtanong. Alam mo ba kong nasaan si cloud?"tanong niya dito. Sa halip na sagutin siya nito. Ngumiti lamang ito sa kanya.. "Ah kuya hindi ko kailangan ang ngiti mo. Yong tinatanong ko po ang kailangan ko."sabi niya na na weweirduhan.. Bigla itong tumawa ng malakas. Naka adik ba ito.. Oh gosh baka magnanakaw.. Pero ang gwapo naman niya kong magnanakaw ito. "Sorry my bad. Hi im sky. Bunsong kapatid ni cloud. Ikaw si lian di ba?"nakangiting sabi nito. Lumaki naman ang mata niya. Ohh my god lian.. Kapatid pala ito ni cloud. Ang booba mo talaga.. "Sorry po.."sabi naman niya saka yumuko. Hindi naman niya alam na may kapatid pala si cloud.. "Its okay.. Sabi ko nga ba mas maganda ka sa personal."nakangiting sabi nito sa kanya. "Hoo??"takang tanong niya. "Ang amo rin ng mukha mo kaya pala naakit si cloud sa iyo. Wait...Hinahanap mo si cloud di ba. Tara sasamahan kita.."sabi nito at naglakad patungo sa hagdan... Sinundan naman niya ito. Namamangha naman siya sa nakikita. Wow para siyang nasa castle. "Siguradong naiinip na siya. Ang pinaka ayaw niya yung pinaghihintay siya.."sabi ni sky sa kanya.. Hindi ko naman alam kong kakausapin ba niya ito o hindi. "Okey kalang ba?"tanong nito ng sulyapan siya. Ngumiti siya ng alanganin.. "A-ah! O-oo!.''sabi niya dito. Ngumiti ito sa kanya na parang naaaliw sa kanya. "Wag kang matakot sa akin. Mabait ako hindi ako nangangagat sa taong ayaw magpakagat.."nakangiting sabi nito kaya kumunot noo siya.. Tumawa ulit ito sa kanya saka nag patuloy parin silang bumaba sa hagdan.. Pagkatapos ang pagkahaba habang hagdan lumiko naman sila. Namamangha naman siya sa mga painting na nakasabit. "Lahat yan si cloud ang gumawa yan.."narinig niyang sabi nito. Napa stop naman siya ng may makita siyang magandang babaeng naka paint na nakangiti. "Sino siya??"biglang tanong niya. Ang ganda niya kasi para itong anghel. "Siya ang mommy namin."narinig niyang sabi nito. "M-mommy ninyo?"sabi niya at tinignan ulit ang magandang babaeng naka paint. "Oo.. Ang ganda niya no."sabi nito. "Oo nga ang ganda niya. Nakuha ni cloud ang mata ng mommy niyo..."sabi niya saka tinignan ulit niya ang painting. "Yeah.. Pero ang ugali naman nakuha niya kay dad.."sabi naman ni sky saka tumawa kaya napangiti siya. "Ibang iba ka kay cloud.."biglang sabi niya kaya natigilan nito saka ngumiti sa kanya. "Hindi naman siya ganyan dati pero nagbago noong iniwan kami ni mom.."may lungkot na sabi nito. Biglang siya naman ang natigilan sa sinabi nito. "Alam niyo bang ayaw na ayaw ko ang pinaghihintay ako!!!" Nanlaki ang mata niyang napatingin kay cloud na madilim ang mukha. "Brother.."nakangiting sabi ni sky ng napatingin din ito kay cloud. Kinabahan naman siya ng tinignan siya ng seryoso ni cloud. "Ano ang ginagawa mo??"tanong nito sa kanya.. "Ahhh??"naguguluhan na tanong naman niya.. Lumakad ito at hinawakan ang braso niya saka tinignan si sky.. "Sinasabi ko sa iyo sky wag mo akong kalabanin. Ibabaon talaga kita sa lupa!!!"seryosong sabi nito sa kapatid nito na may babala ang tinig. "Wala naman akong ginagawa brother. Tinulungan ko lang siya dahil naliligaw ata siya sa mansion mo.."nakangiting sabi ni sky. Tinignan naman siya ni cloud ng seryoso.. "Ahhh oo tama siya.. H-hindi ko kasi alam kong saan kita hahanapin.." kinakabahan na sabi naman niya. Masamang tinignan siya kaya napayuko siya agad. Naku naman para siyang kakainin ng buhay.. "Relax brother..."Sabi naman ni sky.. "Tsk.."narinig niyang sabi nito at gulat na hinila siya nito paalis.. Napahinto sila ng pumasok sila sa kusina hindi pala kusina kundi dinning area.. Wow ang laki talaga at ang ganda. "You! Sit! Eat!"seryosong sabi nito saka siya binitawan.. Napatingin siya sa lamesa. Long table iyon at kakasya ng 21 na tao. Umupo si cloud sa dulo. Nakita ko naman si sky na umupo sa gilid ni cloud. Sumunod pala ito sa kanila naparang baliwala ito sa sagutaan nila cloud. "Ano tinutunganga mo dyan. Upo na.."sabi nito sa kanya ng seryosong tinignan siya. Dali dali naman siyang pumunta sa gilid ni sky para umupo. "Dito ka umupo."seryosong sabi ni cloud at tinuro ang nasa gilid nito na bakante. Alangain na ngumiti siya dito. "Ah.. dito nalang ako cloud.."sabi naman niya... Pero masamang tinignan siya nito. "Hihilain ba kita dyan o lilipat ka dito.."seryosong sabi nito na parang sasabog na ito sa galit. Kaya dali dali siyang lumipat sa tabi nito. Lumakas naman ang tawa ni sky.. "Hindi ganyan ang pagtrato sa babae brother. Kong talagang gusto mong makuha ang loob niya pakisamahan mo ng maayos.."sabi ni sky na nakangisi... "Shut up. Bakit ka ba nandito? Leave bago kita patayin..."naiinis na sabi ni cloud dito. Napalunok nalang siya dahil may tensyon na nagaganap.. Biglang pumasok si nanay maria na may dalang mga pagkain kasama nito si breaska at dalawa pang katulong.. "Wow nanay maria parang masarap ang lahat ng niluto mo."sabi ni sky na tinulungan si nanay maria. Makikita niyang close ang dalawa. "Ikaw na bata ka binobola mo nanaman ako."sabi ni nanay maria kay sky. "Hindi ahhh.. Bakit naman kita bobolahin nanay maria. Hindi ako marunong non. Saka totoo naman na masarap lahat ang luto mo at baka araw araw na ako pupunta dito dahil may masarap na pagkain at meron ding magandang dilag na nakatira ngayon dito sa mansion."nangiting sabi nito sa akin. Namumula naman siya sa sinabi nito.. Nagulat nalang sila ng may nabasag. Pero si sky parang hindi na ito nagulat sa nakikita.. "Diyos mio cloud.."sabi naman ni nanay maria. Biglang binato kasi nito ang baso sa sahig. "Ginagalit mo talaga ako no!!!."sabi ni cloud kay sky saka tumayo. Napatayo na rin siya.. "Why? Anong masama kong nagagandahan ako kay lian.."kampanting sabi ni sky na nagsandok pa ng pagkain. Biglang lumapit si cloud kay sky saka susuntukin sana nito si sky ng may pumalakpak. Napatingin naman sila sa pintuan ng dinning area. May lima na lalaki. Ito yong kasama ni cloud kanina sa auction. "Wow may action pala dito hindi niyo sinabi kumuha sana ako ng popcorn..."sabi ng may kulay reid ang buhok. "Ginagalit mo nanaman siguro si cloud,sky..."sabi naman ng isang lalaki na nakangisi. Namamangha naman siyang nakatingin sa mga ito. Sa totoo lang ng makita niya ang mga ito kanina sa auction para siyang nakakakita ng anghel na bumaba sa lupa. Ang gwagwapo kasi nila. Tama nga si mommy didit na walang mga pangit na f*****g women. "At bakit naman kayo nandito?"narinig niyang sabi ni cloud na galit na galit na.. "Bakit hindi na ba kami welcome dito kahit may babae na sa mansion mo. Hi lian. Im max ang pinaka gwapo sa amin."sabi nito at kumindat pa. "Pinaka gago. Pwede pa. Ako talaga ang gwapo. Hi im reid.."sabi ng katabi nito na may kulay red ang buhok. Wait reid ang pangalan nito at ang buhok nito red din. Favorite color ata nito ay red.. "Manahinik nga kayo mga gago talaga kayo. Ako ang gwapo. Marami na ngang nagsasabi. Hi lian im yam yam. Saka ito naman si xander na gusto rin kumuha sa iyo sa auction."nakangiting sabi ng lalaki.Napatingin naman siya kay xander na nakatingin sa kanya. Ito yong lalaking magbabayad sana ng 100 milion. "Hi.."seryosong sabi nito sa kanya. Nginitian naman niya ng alanganin ng mga ito. Kinakabahan kasi siya sa pagtitig ng mga ito sa kanya. "Leave!!!. Bago ko kayo patayin isa isa."seryosong sabi ni cloud sa mga ito. "Ano ka ba naman cloud. Gusto lang naman namin makilala si lian. Hi im henry. Nakilala mo pa ba ako. Nandoon ako sa auction kanina. Alam gusto rin kitang kunin kanina pero inunahan lang ako ni cloud."nakangiting sabi nito at lumapit sa akin saka kinuha ang kamay niya at hinalikan. Lumaki naman ang mata niya ng biglang lumipad si henry. "Oh my god.."gulat na napasigaw siya. Ganun rin si nanay maria at ang tatlo pang katulong. "Ginagalit niyo talaga ako!!!f**k you papatayin ko kayo. "galit na galit na sabi ni cloud. "f**k you cloud. s**t ang skit putang ina naman ohh..."inis na sabi ni henry na biglang tumayo.. "Im warning you henry hindi lang yan ang aabutin mong gago ka.."galit na galit na sabi nito kay henry. "Alam mo cloud para kang possessive na boyfriend ni lian pero hindi naman kayo. Fyi lang ahh baka nakakalimutan mo BINILI mo lang siya. Iba ang binili sa possisive boyfriend tandaan mo yan cloud.."may ngising sabi ni henry na pinunasan nito ang labi na may dugo. Susugod ulit sana si cloud ng bigla niya ito hawakan sa braso. Madilim na tinignan siya nito. "Please stop.."nanginginig na sabi niya dito. Natigilan naman ito at tinitigan siya sa mata. "N-nakikiusap ako t-tama na please.."kinakabahan na nginginig siya.. Natatakot talaga siya sa nangyayari. "Tama na cloud. Natatakot na ata si lian sa ginagawa mo. Mag relax ka lang kasi pinaghahalataan kang parang nagseselos. "sabi naman ni sky. "Shut up!! Umalis na kayo dito at kapag nandito pa kayo pasasabugin ko ang mga ulo niyo. Mga gago kayo!!!."seryosong sabi ni cloud saka kinuha nito ang kamay niya at hinila paalis. --------)))))) Cloud pov.. Inis na hinila niya si moan patungo sa office niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kong bakit galit na galit siya. Nang makita niya si moan at sky kanina parang gusto talaga niyang manapak. Ngayon hinalikan naman ng gagong henry na iyon ang kamay ni moan. Mapapatay niya talaga ang mga yun.. Napatingin siya kay moan na nanginginig parin sa takot.. "Sit"seryosong sabi niya kaya dali dali itong umupo sa sofa. May pinindot naman siya. "Breska dalhin mo kami ng pagkain.. Now.."sabi niya.. Napatingin siya kay moan na nakayuko na.. Nagbuntong hininga naman siya saka pinapakalma ang sarili. "Nagugutom kana ba? Mamaya nandyan na si breska."sabi niya dito. Tumingin naman ito dahan dahan sa kanya.. "Im sorry.."biglang sabi niya kaya natigilan siya at ganun rin ito.. Shit what happening to me.. "S-sorry din hindi lang kasi ako sanay na may nakikitang nag aaway.."sabi nito na mahina ang boses. Kumakalma na rin ito.. Nagbuntong hininga ulit siya at pumunta siya sa lamesa niya at may kinuha sa drawer na pinahanda niya kanina kay thunder. "Here"sabi niya at inilapag niya sa tabi nito ang envelop. "A-ano ito?"nagtatakang sabi nito. "Babalik ka ng pag aaral."sabi niya dito. Habang natutulog ito hinanda na niya ang lahat. Gulat na napatingin ito sa kanya. "Dalawang taon nalang matatapos mo na ang kurso mong teacher."seryosong sabi niya dito.. "Ah? Paano mo nalaman? Stalker ba kita?" Puno ang pagtataka nitong tanong. Napailing siya. "Research.."seryoso niyang sabi. "Ah.. bakit mo ako pinapabalik sa pag aaral. Wala akong pang aral saka mas kailangan ko ngayon ng pera."sabi nito na napatayo.. "Dont worry ako muna bahala sa pamilya mo. Binigyan ko na si didit ng pera para ibigay sa pamilya mo kaya ang gawin mo lang mag focus ka sa pag aaral mo."sabi niya dito.. "Ah ei bakit mo ako pag aaralin?"takang sabi naman nito. Iyun din ang tanong ng isip niya pero ng malaman niya ang pagkatao nito parang may nagtulak sa kanya na tulungan niya ito. "Para mabayaran ang perang pinagbili ko sa iyo at matulungan na rin kita para wag kanang babalik sa ganyang trabaho. Ngayon tandaan mo akin ka. Kaya wag na wag kang gagawa ng ikakagalit ko. Wag na wag ka rin lalapit sa mga kaklase mong lalaki o sino mang lalaki sa school niyo."seryoso niyang sabi. "Kahit bakla bawal?"tanong nito na nakatingin sa kanya.. Masamang tinignan niya ito. "Sabi ko nga bawal." "Layuan mo rin sina sky,xander at henry o sino man sa f*****g women. Maliwanag ba moan."seryoso niyang sabi. "Tinawag mo akong moan?"sabi nito na may gulat ang boses. Kumunot noo naman siya. "Ah wala kasi tumatawag sa akin sa second name ko.Saka alam mo ba ang ibig sabihin ng moan.?"tanong nito na namumula. "No." "Hindi kasi moan na buwan. Si nanay kasi embes na doble o ang moon ng pangalan ko naging a yong isa. Kaya ang spell ng pangalan ko ay M-O-A-N. Yong kapag may nang yayari yong babae at lalaki diba umuungol..." "Stop."seryoso niyang sabi. Hindi niya alam pero nang iinit siya. "May problema ba? Okay ka lang ba bakit para kang namumula."takang tanong nito. Tumalikod naman siya dito saka pilit na pinapakalma ang sarili. "Alam ko kaya wag munang sabihin. Yong sinasabi ko ang gawin mo. Oras na may kausap kang lalaki o sinuman na lalaki. I will punish you. Maliwanag."seryoso niyang sabi. "Hmm okay..pero paano kong sila ang lalapit sa akin."sabi ulit nito. "Layuan mo sila o sabihin mong pag mamay ari kita.Understand moan."seryosong sabi niya saka tinignan na niya ito. Tumango ito sa kanya.. "Good...Here. Naka enrole kana. Kaya sa lunes pwede kana pumasok. Ako ang maghahatid sa iyo o ang driver na si mang kiko. School bahay kalang. Kapag may ipagbibili ka sabihin mo kay mang kiko."seryoso niyang sabi. Kinuha naman nito ang envelop.. "Wait..Di ba lalaki si mang kiko. Edi hindi ko pwedeng lapitan."inosenteng sabi nito kaya parang nauubusan na siya ng pasyensya. "Lian moan.."seryoso kong sabi niya. Nag peace sign ito. "Joke lang heheh.."sabi nito. Nagbuntong hininga naman siya.. Biglang may kumatok. "Bukas yan."seryoso kong sabi. Bumukas naman ang pintuan at pumasok si breska na may dalang pagkain. "Now eat. May pupuntahan lang ako..."sabi niya kay moan. "Breska ikaw muna bahala sa kanya. Pagkatapos niyang kumain ihatid mo na siya sa kwarto ko."sabi niya. Tumango naman ito sa kanya kaya lumabas naman siya sa office niya. May kailangan muna siyang gawin aa mga tarantadong mga members niya. Humanda ng mga ito.. -------)))))) Lian moan pov. "Hindi ka ba kakain?"tanong niya kay breska saka siya sumubo.. Nang lumabas na si cloud kumain na siya. Iyon naman ang sinabi nito diba. Saka gutom na gutom na rin talaga siya.. Umiling ito saka yumuko. "Kong ganun tumabi kanalang sa akin."sabi niya dito.. Umiling ulit ito. Napasimangot siya. "Alam mo mapapanis ang laway mo dyan. Kaya pwede ba magsalita ka."sabi niya dito.. "Hindi pwede miss lian. Baka po magalit si sir cloud."sabi nito. Nagbuntong hininga siya. "Kong ganun pwede mo bang switch ung tv."turo ko sa tv na nasa dingding na nakasabit. Umiling ito. "Bawal rin?"sumimangot na sabi niya. "Hindi naman po kasi tv po yan. Cctv po yan miss lian."sabi nito. Lumaki ang mata niya. "Cctv?"gulat na sabi ko. Tumango ito. "Wow may cctv pala ang bahay este mansion ni cloud."namanghang sabi ko. "Opo lahat po nakikita niya."sabi naman nito. "Ilang taon kana?"tanong niya dito. Para kasing magka sing edad lang sila. "24 po miss lian." "Wow maka ages pala tayo."tuwang tuwa na sabi niya at kumakain siya ng adobo.. Wow ang sarap naman ito.. "Hindi ka ba talaga kakain. Ang sarap kaya nito.."nakangiting sabi niya dito. Umiling ulit ito sa kanya.. "Ang alam mo hindi ko ito mauubos. Ang dami kaya nito. Gusto mo ba akong patabain.."sabi niya dito saka siya tumayo at hinila ito. Gulat na gulat ito sa ginawa niya.. "Ayan kumain ka. Hindi ko mauubos itong lahat. Saka wag kang mag alala kay cloud ako na ang bahalang magpaliwanag."sabi niya at pinaupo ito. Nilagyan niya rin ang isang pinggan ng pagkain. "Miss lian.." "Kumain ka nalang. Masarap kaya ito."nakangiti niyang sabi dito. Ngumiti rin ito at kinuha ang platong binigay niya.. Masaganang kumain sila.. -----------))))) Cloud pov.. "Ohh nandyan na ang dragon."sabi ni andre. Paglabas niya ng bahay pumunta siya agad sa f*****g house. Doon ginaganap ang auction. Tama nga siya nandito ang ibang mga f*****g women. Iyon ang tawag nila sa amin. Masamang tinignan niya ang tatlo. Si sky,xander at henry. "Kayo!! Binabalaan ko kayo.. Itigil niyo na ang ginagawa niyong mga hinayupak kayo.."galit na galit na sabi niya. "Ano ba ginagawa namin??"tanong ni sky na may ngisi sa labi. "I dont know kong bakit ka nagagalit ng ganyan o baka tama si sky nagseselos ka ba??"sabi ni xander na biglang nagsalita.. Tinignan naman niya ito ng masama. "Naiinlove kana kay lian??'sabi naman ni yam yam. "Love in first sight ang tawag dyan.."sabi ni reid na nakangiti. "Shut up!!! Oras na makita ko pa kayong kausapin si moan hindi lang suntok ang aabutin niyo. Tandaan niyo yan." "Kasali ba kami?"tanong ni max sa kanya.. "Kayong lahat.. Fuc......shit."sabi niya ng may dumapo sa pisnge niya. Sinuntok pala siya ni henry. "Para patas. Masakit kaya ang suntok mo."sabi nito. Masamang tinignan niya ito na napakuyom ang kamao. "Alam mo cloud in love kana ba talaga??Well kanina mo lang naman siya nakilala di ba??"sabi ni henry na seryosong nakatingin sa kanya. "Itigil niyo na yan!!! Hindi ako inlove sa kanya... Ayaw ko lang siya maistorbo kapag mag aaral na siya. Kailangan pa niyang bayaran ang 500 milion ko."seryosong sabi niya sa mga ito.. "Whoa..really pag aaralin mo siya brother?"sabi ni sky na hindi makapaniwala.. "Yes, kailangan niyang bayaran ang pera ko. Saka tandaan niyo once ko lang sasabihin sa inyo ito wala sa isip kong mainlove kaya tigilan niyo ako. "seryosong sabi niya dito.. "Okay sabi mo ei.."sabi ni henry.... Masamang tinignan lang niya ito saka tumalikod..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD