Chapter 2 - Lagot na Sab!

1094 Words
Hindi siya nakaimik . Hindi niya alam kung tinablan ba siya sa sinabi ni Sab o sadyang napahanga lang siya sa katapangan nito. Ang lakas kasi nang dating ng dalaga. Aakalain mo ba na sa maliit at manipis niyang pangangatawan nagtatago ang isang babaeng buo ang loob. Hindi niya maiwasang mapahanga sa dalaga. Nakaalis na si Sab pero hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan niya. “Master, okay ka lang?” ani Paul na noo’y tinapik pa siya sa balikat. “Ano resbakan na ba natin?” tanong ni Jake. “Huwag na kayong makialam. Diskarte ko na ‘to.” Hindi niya alam kung paano siya dinala ng mga paa niya sa karinderya kung saan namamasukan si Sab. Nakatayo siya noon sa kabilang kalsada habang nakatanaw sa harapan ng tindahan. Nakita niyang lumabas si Sab bibit ang supot na itim. Halos ganoong oras din noon nang mapadaan siya sa lugar na ‘yon. Hindi naman pala totoo na natanggal ito sa trabaho kaya kahit papaano nakagaan ‘yon sa loob niya. Sa mga diskarte niya sa buhay, aminado naman siyang maraming sablay. Pero wala ni isa na naglakas-loob na ipamukha ‘yon sa kanya. Kaya daig niya pa’ng nasapak nang ipamukha ‘yon sa kanya ni Sab. Napangiti siya nang maalala ko kung paano namimilog at nanlalaki ang mga mata ni Sab habang gigil na gigil siya sa kanya. Papasok na siya sa school nang madaanan niya si Sab na naglalakad. Ilang kanto ang layo bago ang school. Bigla siyang napa-apak sa preno nang makita niyang nilapitan si Sab nang isang lalaki na natatandaan niyang kasama sa humabol sa kanya nang nagdaang gabi. Ilang segundo ring nag-usap ang mga ito. Pagkatapos, may inabot na puting sobre kay Sab ang lalaki atsaka umalis. Napailing na lang si Zach. Hindi niya akalain na ang mukhang inosenteng si Sab, makikipagsabwatan sa mga sangganong ‘yon. Hindi niya alam kung ano ang pina-plano ng mga ito para makaganti sa kanya kaya kailangan na niyang kumilos bago pa siya maunahan ng mga ito. “Sir Zach, may rules po ang school tungkol diyan. Hindi po natin pwedeng basta na lang tanggalin sa scholar si Miss Sab unless may nagawa siyang school violation,” sabi ng babaeng staff na nakausap niya. Sinusubukan niya noong ipatanggal ang scholarship ni Sab. Napangisi siya. Alam naman niyang imposibleng basta na lang tanggalin si Sab sa scholar , pero ang gawan ito ng violation, napakadali na ‘yon para sa kanya lalo’t sanay siya sa paggawa ng mga kalokohan sa school. “Ano po ba’ng violation ang kailangan para matanggalan siya ng scholarship, Ma’am?” kunwa’y tanong niya. Ngumiti ang babae. “Sir, Bakit ba gusto mo siyang tanggalin sa scholar?” tanong ng staff. “Hindi naman sa pinag-iinitan ko siya. Siyempre, pondo ng school ang ginagamit para sa pag-aaral niya. Ayoko naman na maabuso niya ‘yon. Bilang apo at tanging tagapagmana, gusto kong masiguro na hindi nasasayang ang pondo ng school sa pagpapaaral sa mga estudyante na hindi naman deserving.” Ngumiti ang babae. “Don’t worry, Sir. Deserving naman po si Miss Sab.” Napakunot ang ni Zach. Mukhang maganda ang record ni Sab. Mahihirapan yata siya. Pero hindi pa rin siya sumuko. “Ano po ba’ng grounds para ma-disqualify ang isang scholar?” “May maintaining average po tayong sinusunod, Sir. Once na bumaba ang average nila, automatic po silang mawawalan ng scholarship. Aside po ro’n, may mga rules din po tayo na mahigpit na ipinatutupad, gaya ng bawal silang ma-involve sa mga ‘di kanais-nais na gawain; mag-cheat sa exam, makipag-away, masangkot sa anumang gulo o usapin na makakaladkad ang pangalan ng school sa kahihiyan.” Lumuwang ang pagkakangiti niya. “Sus, ganun lang pala,” bulong niya. Napakunot ang noo ng babae. “Sir?” “Ah, wala,” nangingiting tugon niya. Kung tama ang kutob niya na nakikipagsabwatan si Sab para makaganti sa kanya, kailangan na niyang madaliin ang plano niya. Para mapaalis na niya si Sab sa school. Bago ang exam, pumunta si Sab sa faculty room para kunin ang mga test booklet kung saan sila maglalagay ng sagot sa exam. Bago pa siya makabalik , naisuksuk na ni Zach sa bag niya ang kopya ng test. Pagbalik niya sa classroom, isa-isa na niyang pinamigay ang test booklet at ipinamigay na rin ng teacher ang kopya ng exam. Naging malikot ang mga mata ni Zach habang nagsasagot. Pinapakiramdam niya kasing mabuti si Sab. Matapos ang tatlumpong minuto, tumayo na si Sab para magpasa ng test booklet. Doon na nakakuha ng tiyempo si Zach. Nang saktong hawak na ng teacher ang test paper at test booklet ni Sab nagtaas siya ng kamay atsaka niya itinuro ang naiwang test paper sa bag ni Sab. “Ma’am, naiwan po ‘yung test paper ni Sab,” kunwa’y sabi niya. Napakunot ang noo ng teacher. Tumayo ito atsaka lumapit sa upuan ni Sab. “Nasa akin na ang test paper niya, ah,” anito. Napabalik na rin sa pwesto si Sab. Agad niyang hinablot ang test paper na nakasuksok sa bag niya. Napaawang ang mga labi ng dalaga. Hindi niya alam kung paano napunta sa bag niya ang original copy ng test na may sagot na. “Ma’am, hindi po sa akin, ‘to,” agad na depensa niya. Napailing ang teacher. Agad nitong kinumpara ang sagot ni Sab sa answer key. At nang makitang walang mali si Sab. Bigla nitong pinapasa lahat ng test paper atsaka inaya si Sab sa faculty room. “Sumunod ka sa akin, Miss Perez.” Nangilid ang luha sa mga mata ni Sab pero hindi siya umiyak. Pilit niyang kinalma ang sarili. Pinagtitinginan na siya noon ng mga kaklase niya. Nagbubulungan ang iba na hindi pa man ay guilty na agad ang hatol sa kanya. “Kaya naman pala laging perfect ang exam. Magician pala si Ateng,” sabi ng isang kaklase nilang bakla. “Okay ka lang, friend?” tanong ng kaibigan niyang si Ana. Kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. “Don’t worry alam kong inosente ka,” anito nang bumitiw sa kanya. “Oo nga, Sab. Naniniwala rin ako ro’n,” sabat ni Lucas na noo’y lumapit na rin sa kanya. Ngumiti si Sab atsaka tumango. “Grabe, ang kapal ng mukha. Hindi man lang nahiya,” ani Zendy, ang isa pang bully sa klase nila. Nagpanting ang tenga niya. Tumayo siya atsaka siya lumapit kay Zendy. “Ang bilis mo namang mag-judge. Nakita mo bang ginawa ko? May proof ka ba, ha?” singhal niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD