Hindi makatulog si Zach nang gabing 'yon. Naalala niya si Sab at ang mga sinabi nitong sama ng loob sa kanya. Tumayo siya atsaka naghilamos ng mukha sa banyo. "Bakit ba apektado ako? Ano ba'ng pakialam ko sa pinagdaraanan niya." Para siyang sira na kinakausap ang sarili sa harapan ng salamin. Muli niyang pinatulo ang gripo atsaka sunod-sunod na binasa ang mukha. Pero wala pa ring nabago sa kung ano'ng laman ng isip niya. "Hay! Sab! Ano ba? Kinukulam mo ba ko?" aniya habang nakatitig sa sarili. Lumabas siya sa banyo atsaka inabot ang cell phone niya. Tatawagan niya sana si John pero bigla ring nagbago ang isip niya. Baka kasi pagtawanan lang siya nito. Napabuntonghininga siya. Hinagis niya ang cell phone niya sa kama atsaka siya pasubsob na nahiga. "Sir, Zach. May package po kayo gali

