Chapter 22- Selos pa more, Zach?

1241 Words

“Hello, mga classmate. Sino po sa inyo si Sab?” nakangiting tanong ni Ben nang bumungad sa pinto. Napangiti ang mga estudyante sa kakwelahan niya. “Aba, manliligaw ka yata, Kuya Ben,” kantiyaw ng ilang estudyante na noo’y lumapit na sa kanya. “Naku, pinabibigay lang ito ng guard. May nagpadala raw nito kay Sab. Teka sino ba si Sab?” anito sabay linga sa paligid. Tumayo si Sab atsaka lumapit sa kanya. “Kanino raw po galing, Kuya?” Hindi agad nakasagot si Ben na noo’y napatulala sa kagandahan ni Sab. “Kuya,” ani Sab sabay tapik sa kanya. “Ano nga ulit ‘yon?” “Kanino po ito galing?” ulit ni Sab. Nakatanaw lang noon kila Sab ang mga kaibigan ni Zach. At naghihintay sa isasagot ni Ben. “Kay Zach kaya galing ‘yon?” bulong ni Paul. “May card po’ng nakalagay. Pakibasa na lang,” ani Ben.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD