"Nasaan si Zendy?" agad na bungad ng guro nila. Nakarating na kasi rito ang tungkol sa ginawang kalokohan ni Zendy. Naglingunan ang mga estudyante sa gawing likuran kung saan nakaupo si Zendy. Nakayuko lang ito na tila maamong tupa. "May nagbalik sa akin ng ID niyo ni Dona. Saan niyo naiwan 'to?" tanong ng guro. Nagkatinginan sina Zach at Jake at sabay napangiti. Mukha kasing lilitisin na si Zendy. Tumayo si Zendy pero nakatungo pa rin ang ulo sa sahig. Hindi nito sinagot ang tinatanong ng guro. “Lagot ka na ngayon,” bulong ni Jake. “Miss Guevarra, tinatanong kita. Saan niyo naiwan ang ID niyong dalawa?” “Sa computer shop po, Ma’am,” halos hindi na marinig na sagot ni Zendy. “Saan?” ulit ng guro. “Sa computer shop po,” muling tugon ni Zendy. “Sa computer shop? Kung saan niyo gin

