"B-Bakit ko siya hihiwalayan? Sino ka para mag desisyon sa gusto ko" Sabi ko. Buong tapang ko siyang tinignan nang masama. Alam ko noong una palang na dadating kami sa puntong ito. Pero hindi ko akalain na agad-agad yong pag haharap namin ngayon. Walang dahilan para hiwalayan ko si Drailan dahil lamang sa utos niya. Hindi niya ako madidiktahan. "Hiwalayan mo siya! Huwag ka ng mag matigas! Sundin mo nalang!" Tumaas ang kanyang boses. Mas sumama rin ang kanyang titig sa akin. "Paano kung ayaw ko!" Napatayo ako sa kinauupuan. Galit na rin ako sa bawat pag sasalita niya ngayon. Hindi niya madidiktahan ang gusto kung mangyari. Kahit anong sasabihin niya, hindi ko hihiwalayan si Drailan. Noong una natatakot akung malaman niya ang totoong namamagitan sa amin ni Drailan pero kagabi, naisip

