Chapter 6: Drailan

3342 Words
Shin's POV "Sasakay tayo diyan!?" Di makapaniwalang tanong niya Para siyang tangang nakatitig sa Jeep na nasa harap namin. Panay ang pasok ng mga pasahero sa loob. Kaming dalawa naman nasa labas pa. Tapos na kaming sumakay ng bus at ngayon mag jejeep nanaman kami para makarating ng tuluyan sa village namin. "Oo, bilis na! Pumasok ka na dahil lalarga na ang Jeep" "Eh, Puno na" Di paring makapaniwalang banggit niya. Mukhang alien sa paningin niya ang Jeep na ipinagtataka ko. Nag mumukha talaga siyang tanga. Akala ko ba laking mahirap siya bakit parang diri-diri pa siya habang pinagmasdan ang Jeep. "Diba mahirap ka. At ang mahirap mahilig mag cumute" Pinanliitan ko siya nang mata Pfft... Gusto ko siyang pagtawanan ngayon. Aba! Parang tatakbo ang aura niya dahil sa nakikita niya ngayon. "Tss! I really hate this! Poor sucks!" Bulong niya'ng di ko narinig "Anoo!" Sigaw ko Ano bang problema niya. Tila problemado. At ano namang ikinapuputok ng lalaking' to. "Kayong dalawa sasakay ba kayo! Dalawa nalang ang kulang at lalarga na?" Sigaw ng kondoktor sa amin "Opo!" Sigaw ko at hinila na ang kasama ko papasok ng jeep. Hindi naman siya umangal at nag pa ti-anod nalang sa akin. Habang nasa jeep. Ramdam ko ang titig nang mga college student sa lalaking kasama ko. Nasa harap ko lang ang tatlong babae. Kita ko pa ang pagsisikuhan nila at kinikilig habang panay sulyap sa kasama ko. 'Hay! Hanggang dito ba naman' Sinulyapan ko ang katabi ko. Nasa labas ang mata niya. Parang na enjoy ang pag tanaw sa bawat madaanan namin. "Masarap palang sumakay ng ganito" Mahinang sabi niya "Ha" Natulala ako ng bigla kaming nag titigan dalawa. Parang may lumundag sa dibdib ko at agad akung umiwas ng tingin. 'Leche naman! Ano nga yong sinabi niya?' Argg! Nababaliw nanaman ako! "Ang gwapo ng lalaki, parang familiar sakin" "Kaya nga. Parang nakita ko na siya sa magazine" "Oo! Parang siyang model ng bench" Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag baling ng kasama ko sa tatlong babae sa harap namin. Panay ang bulong ng mga ito at panay sulyap sa kanya. "I can hear the three of you" Nanaliksik ang mata niya habang tinitigan ang tatlo sa harapan namin. Siniko ko siya. Aba! Umeenglish ang lolo niyo. At mukhang pinapahiya pa ang tatlong babae. "Sorry p----" "I'm not a f*****g model" Galit parin siya Napahilot ako sa noo ko. Pinag titinginan na kami nang mga tao. Leche! Ano bang problema niya. "Hayaan mo na nga. Nakakahiya kang tukmol ka!" Mahinang singhal ko. Aangal pa sana siya kaso sumigaw na ako nang "Dito nalang po!" Nag bayad ako atsaka siya hinila papalabas ng jeep Pasalamat nalang talaga ako at nandito na kami. May malaking gate sa harap namin. "Kainis mabisto pa ako!" Mahinang bulong ng kasama ko Nuknukon ko kaya ulo nito para malakas na ang pagsasalita niya. Kanina pa siya bulong ng bulong at di ko talaga marinig. "Ano nanamang binubulong mo diyan?" Kunot noong tanong ko Tumingin siya sa akin at nag iwas ng tingin "Wala" bugnot na sagot niya sabay tingala sa malaking gate sa harap namin "Nasaan na ang bahay niyo!?" Draizen's POV "Nasaan na ang bahay niyo?" Tanong ko Sobrang taas nang gate ang tiningala ko ngayon. Parang gate nang mga higante sa laki nito. Wala kang makita sa labas dahil hindi sa katulad nang mga palasyo na bakal ang ginamit na gate. Ito kasing gate na nasa harap ko ngayon parang kampo nang mga military. Wala ka talagang makita kung ano ang nasa loob. "Papasok pa tayo sa malaking gate na yan " aniya Tinitigan ko siya at ngumusi. Mukhang mayaman yata ang babae'ng to. May malaki pa talaga silang gate tss. Gaano kaya kalaki ang bahay nila. Mansyon kaya!? Kung mansiyon nga pwede pala aku dito muna. Mukhang di pa ako makaramdam ng sisi kung sakanila muna ako titira. Hindi ko nga alam kung bakit napapayag niya akung sumama sa kanya. Kahit kamakailan lang kami nag kakakilala. Para bang pinagkakatiwalaan ko na agad siya. Tsk. Is that possible? "Paano tayo makakapasok sa loob?. May bodyguards ba kayo!" Tanong ko "Ha!? Wala. Basta maghintay lang tayo ng ilang sandali at bubukas din ang malaking gate na'to?" Kahit naguluhan nag hintay din ako nang ilang minuto. I patiently waiting until I heard a c***k. "Ayan bubukas na siya!" Ngumiti siya sakin. I just look at her boredly. Dahan-dahang nag bukas ang malaking gate. Medyo sinilip ko pa ang loob ngunit wala akung makita. Hanggang sa bumukas na ito nang malaki. I was expecting for a big mansion and a many cars from there parking area but I was stunned after seeing the whole area. It was crowded by a people. Small houses, karinderya, at ibat'-ibang bata na nag tatakbuhan sa medyo may kalakihang kalsada. "Welcome to Guadalupenian Heights Village" Ngisi ng baliw na babae sa tabi ko "What the f**k! Akala ko may malaking mansyon na nakatayo sa likod ng malaking gate pero bakit----" Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko. I don't believe this. Hindi naman siya mukhang squarter area ang lugar dahil medyo malayo-layo ang agwat ng bahay at medyo may kalakihan rin. At may mga kulay na nag sisilbing pamapaganda ng lugar. Village nga pero maraming tao. May nag titinda nang mga barbeque sa gilid at kung ano-ano pang paninda sa gilid ng kalsada. Maraming batang nag tatakbuhan at mga ina na nag tatawanan sa gilid ng maliit na sari-sari store. "Namangha ka ba? Ito ang Villa namin. Mababait ang mga tao dito" Ngumiti siya ng malaki sakin I turn my gaze to her and give my death glare. I don't like a crowded place. And I really hate living like this. It's poor. "Uuwi na ako" Akmang tatalikod na ako ng marinig ko ang tawa niya "Wala ka namang perang pamasahe. Wala karing bahay kaya paano ka uuwi? Kaya dito ka muna pansamatala" Oh damn! Oo nga pala! Wala akung pera at malayo na ito sa syudad kung saan ako nakatira. At mukhang malayong matonton ito nang mga tauhan ni daddy. Mukhang nasa bundok na ang lugar na ito. "Fine... Saan ba ang bahay niyo" Tumawa siya nang matagumpay " Tara, Sumunod ka sa akin" Napahilot nalang ako sa noo ko. I still don't have an idea why I'm here. Pwede naman akung pumunta sa bahay bakasyonan namin o di kaya puntahan ang mga kaibigan ko at doon muna sakanila. But we'll, this is exciting. Para maiba naman ang paglalayas ko. Nakakasawa narin kasi ang paulit-ulit na cycle ng buhay ko. Lalayas pero sa huli sa amin parin ang bagsak ko. Dahil agad akung matonton ni daddy. At mukhang sa pagkakataong ito. Parang malayong mapuntahan ako ng ama ko dito. It's very f*****g far than I expected. Shin's POV Parang nabagsakan ng langit ang kasama ko nang makita niya ang loob nang malaking gate. Expect siguro nito na may malaking bahay na nakatayo. Pfft. Napaka pieceful kaya nang lugar namin. At mababait ang mga tao dito. Hinila ko ang braso niya at nag lakad na kami sa mahabang kalsada. May madadaanan kaming mga concrete na bahay at mga tao na kakilala ko rin. "Hala si Shin ba yan?Bat may kasama siyang lalaki" "Naku boypren niya siguro yan. Napaka gwapo naman. Ang puti-puti pa. Parang mayaman" "Aba naka dawit nang mayaman si Shin!" Hindi na siguro maiwasang may maraming chismosa sa paligid. Bulong dito bulong doon. Pangiti-ngiti lang ako habang dumadaan kami sa nag chichismiss na mga ina. Feeling proud dahil may kasama akung malaki ang charisma. Iba talaga pag gwapo eh, noh! Pinagkaguluhan. "Shin, sino yang kasama mo? Mukhang mayaman ah! " Hindi na talaga napigilan ni Aling Gloria ang lumapit at mag tanong Sa Villa na ito siya yong pinaka chismosa at kinaiinisan kung ginang. Ang hilig mag kalat ng balita eh. Hindi na kailangan ng dyaryo at radyo dahil may taga balita na sa aming baryo. Tinignan ko ng naka ngiti ang lalaking hawak ko ngayon sa braso. Naka tingin lamang siya kay Aling Gloria nang naka kunot ang noo. "Kaibigan ko" Matipid na sagot ko at nilagpasan siya "Tss" Tanging sabi ng kasama ko at nag poker face Cool na cool lang siyang nag lalakad. Walang pake sa mga taong nakatingin sa kanya. "Teka lang! Kaibigan mo lang pala yan. Pakilala mo naman sa akin ng maireto ko sa anak ko. Aba! Mukhang mayaman ah" Tuwang-tuwang sabi ni Aling Gloria. Napa ikot ang mata ko. Kung bigwasin ko kaya siya. Pasalamat siya at may respeto pa ako.Pareho talaga siya nang anak niya'ng si... "Kyaaaa!! Ayy gwapoo!! Hi Pogi ako nga pala si Mia" Sabi nang anak ni Gloria na kadarating lang at lumingkis agad sa kabilang braso nang kasama ko. Napapikit nalang ako sa inis. Deputa! Kung tadyakan ko kaya sila isa-isa. Napaka exaggerated masyado ng mag ina. Like mother like daughter talaga. "Anak bagay kayo sa lalak----" "Bitaw!" Maowtoridad na saad ng kasama ko kay Mia. Mukhang makapal naman ang mukha ni Mia at mas lalo pang lumingkis. Aba! Feeling close agad teh!! "Ehhh! Anong pangalan mo pogi? Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka poging nilalang" Kinikilig na sabi ni Mia "Aba'y iyan ang anak ko. Bagay kayo hihihihi" pag cheer ni Aling Gloria sa anak "Bibitaw ka ba, Miss. Masyado kang presko. May girlfriend na ako at mas maganda sayo. Kaya bitaw. Nag mumukha kang ahas sa paningin ko. Lingkis ng lingkis" Muntik na akong humalakhak sa tawa nang sinabi niya yon kay Mia. Samantala ang mag ina naman hindi na maechura ang mukha. Pulang-pula na rin. "Anong sabi-----" Hinila ko na ang lalaking kasama ko bago pa mag wala ang mag ina. Kilala ko na ang dalawang yan. Kung may gusto silang gawin ay dapat masunod. Sa totoo lang maganda naman si Mia masyado nga lang kung umarte. Marami ngang nagka gusto niyan dito sa lugar namin. "Kapit bahay lang namin yon. Ganon talaga ang mag ina" Sabi ko nalang ng makita kung nababadtrip na siya Hindi siya nag salita. Ilang lakad pa ang ginawa namin at ilang kababaihan narin ang nahumaling sa kasama ko. Hindi na nga nila magawang bumati sa akin at makipag usap dahil natulala na. At nag taka kung sino ang kasama ko. Hindi pa nila ako nakikitang may kasamang lalaki bukod kay.... "Shion Zeek Macapagal. Sino yang kasama mo? Ipinagpalit mo na ba ako sa lalaking yan? Eh, mas hamak na gwapo ako diyan. Ang sakit ng ginawa mo Mylabs" Madramang saad ni Adrian Gonzaga. Humaharang siya sa daan namin. Malungkot ang kanyang mukha. Tila sawing-sawi sa nakita. Matalim rin ang titig niya sa lalaking nasa tabi ko. "Your boyfriend?" Bulong ng kasama ko at tumaas ang kilay na nakatitig kay Adrian Mabilis akung umiling. Kinutongan ko si Adrian nang malakas. Gago talaga'to. Hindi parin nag babago ang kabaliwan. "Sira ulo! Tumigil ka nga. kaibigan ko lang ' tong kasama ko" "Kung kaibigan mo yan Mylabs bakit mayroon ka pang kapit-kapit ng braso. Eh boyfriend mo'ko tapos ako hindi mo pa nahawakan maski daliri ko" Binitawan ko ang lalaking kanina pa inis na inis. At sinapak si Adrian. Napaka O.A talaga ng lalaking'to. "Hoy! Sinong may sabing boyfriend kita. Siraulo ka talaga" "Eh! Nanligaw ako sayo diba, sagutin mo na ako. Hindi mo pa nga ako sinagot may reserba kana agad" Napa iling nalang ako. Oo nanligaw si Adrian sa akin matagal na. Pero hindi ko pinayagan na ipagpatuloy niya pa ang ginagawa niya dahil tanging kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Pero makulit talaga eh. Ayaw akung tigilan. Hindi ko naman siya tinataboy, minsan nakakainis lang talaga ang pagiging O.A niya. "Kaibigan ko lang'to kaya wag kang O.A diyan. At matagal na kitang sinabihan na tumigil kana sa pang liligaw sa akin" Ngumuso siya na ikangiwi ko "Mylabs naman eh. Mahal kit-----" "Diyan kana! Huwag kang sumunod kung ayaw mong masapak nanaman" Putol ko sa kanya Tumaas talaga ang lahat ng balahibo ko kapag narinig ko sa kanya ang huling binanggit niya. Kinikilabutan ako grr. "Di ko akalain na sa mukha mong yan may manliligaw ka" Tumawa nang nakakaloko ang kasama ko Sinamaan ko siya nang tingin. Aba! Maganda naman ako ah. Sarap niya namang tirisin. Lakas kung maka insulto. Nahiya naman ako sa kagwapohan niya. "Maganda ako at masarap" Sabi ko nalang "Hmmm... Masarap ba kamo babae. Anong klaseng sarap ba" Nag smirk siya. Namula naman ako nang mapagtanto ko ang nasabi ko. "Sapak gusto mo" Galit na sabi ko sabay taas nang kamao sa mukha niya Aba! May dugo yata kami ng boxingero. Anong akala niya sakin mahina. Tss bigwasin ko pag mumukha niya eh. "Pfft... Saan na ba ang bahay niyo kanina pa tayo nag lalakad sa kalsada" Sinamaan ko muna siya nang tingin bago ko tinuro ang bahay namin sa may di kalayuan. "Yang kulay blue" "Di na masama" Sabi niya sabay tingala sa bahay namin Hindi naman maliit ang bahay namin. May dalawa itong palapag at concrete Ito. Medyo maayos naman ang pamumuhay namin noon kaya nakapag patayo kami nang medyo may kalakihang bahay. Mahilig ang ina at ama ko sa negosyo. Marami kaming paninda nuon. May bakery kami at car wash saka may pwesto din kami sa merkado na pinagtitindahan nang ina ko. Meron din kaming tatlong jeep na pinarentahan namin kaso nawala na parang bula ang lahat ng iyon nang matutong sumugal ang ama ko sa casino. Kaya lahat ng negosyo nawala at bahay nalang ang natira. Pasalamat nalang ako dahil may bahay pa kaming natirhan... "Sino yang tatlong lalaki sa labas ng bahay niyo?" Tanong niya Nabaling ang tingin ko sa main door namin. May tatlong lalaki nga. "Hindi ko alam. Tara lapitan natin" Hinila ko siya papalapit sa main door namin. Naaninag ko agad si papa na kausap ang tatlong lalaki. "Pa!" Tawag ko Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako. Kita ko ang taranta sa mata niya ng makita niya akong naka kunot noo. Alam na siguro niya ang tumatakbo sa isip. "Umalis na kayo ibibigay ko ang pera kapag meron na akung maibigay sa inyo" Sabi ni papa sa tatlong lalaki "Dalawang linggo lang ang palugit namin sayo. Kapag hindi ka pa nakapag bayad kukunin namin ang bahay niyo" Anang nong Isa "Oo na. Alis na kayo" Umalis na nga ang tatlong lalaki. Sinundan ko Ito nang tingin nang makalayo-layo na ito. Nilapitan ko agad si papa na may galit sa mata. "O, anak akala ko ba mag tatrabaho ka sa syudad? Bakit nandi----" "Ano nanaman ang ginawa mo,Pa!" Sigaw ko Halo-halo ang naramdaman ko ngayon. Marami na nga akung problema dinagdagan nanaman niya. "Anak magpapaliwanag ako" Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha at pagod na huminga ng malalim. Ano pa bang bago! Sigurado ako na iyong pinag susugalan nanaman niya ang naningil dito. At worse bahay pa ang kapalit kapag di nakapag bayad. Lechugas namang buhay' oh! "Pati ba naman bahay natin papa madadamay dahil sa bisyo mong pag susugal" Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naiisip kung mas lalong humirap ang buhay namin dahil pinalala pa niya ang kahirapan namin. "Anak kahit anong gawi----Teka boyfriend mo ba yang kasama mo?" Tanong ni papa sabay sulyap sa kasama ko Doon tuloy ako natauhan. May kasama pala ako at sinesermonan ko pa ang ama ko sa harapan niya. "Hindi ko siya boyfr-------" "Sir kaibigan ako ng anak mo. I'm Draize-------I mean I am Dra-Drailan" singit nang kasama ko. Naka ngiti pa siya. Plastic ba yan tol? O totohanan? Tss At Drailan pala pangalan niya. Ngayong ko lang nalaman sa haba ng oras na kasama ko siya. "Saan mo naman nakilala ang lalaking'to anak?" Nag buntong hininga nalamang ako. Mukhang ipag paliban ko nalang muna ang pag sermon sa kanya dahil mukhang mahabang paliwanag pa ang gagawin ko tungkol sa kasama ko. Ngayong lang kasi ako nag dala ng lalaki sa bahay namin. "Pasok muna tayo sa bahay pa" Sabi ko at hinila ang lalaking kanina ko pa kasama Umupo yong Drailan sa mahabang sofa sa sala at kaharap niya si papa. Hindi ko nakitaan ng pagkatakot ang lalaking kaharap ni papa ngayon. Bagkos seryoso lamang siyang naka tingin sa buong paligid. " Paano mo nakilala ang anak ko? May gusto ka ba sa anak ko, iho? Anong balak mo kapag ligawan mo siya? May kaya ka ba sa buh------" "Papa naman tumigil ka nga. Mahirap lang ang lalaking'to at nangangailan siya ng matitirhan at trabaho"Putol ko kay papa Kahit adik sa sugal ang ama ko at sakit siya sa ulo malaki parin ang respeto ko sa kanya. "Kung ganon edi mag hanap siya ng matitirhan at may marami namang hiring na trabaho bakit dito siya sa atin napadpad" "Dinala ko siya dito dahil naawa ako. At tinulungan niya akong habulin ang nang snatch ng mga gamit ko kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya" pag sisinungaling ko Hay! Ayaw ko ng maraming tanong si papa sa akin. At kakailanganin ko talaga ang lalaking'to dahil gusto ko maibalik ang na udlot na negosyo namin noon. At mag sisimula ako sa pag bubukas ng Car wash. "Ano! Nadekwatan ka ng gamit? Nahabol mo pa ba? Atsaka pansin ko wala kang gamit na dala anak" Nag alalang saad ni papa "Hindi nga namin nahabol eh. Diba Drai?" Baling ko sa lalaking kanina pa naka titig sa akin Siguro iniisip nito bakit ako nag sinungaling. Eh! Hindi naman iyon ang pagkikita namin. Doon naman sa mall nang comfort room. Tss! at naalala ko nanaman ang katarantaduhan niya non. Ang pag halik niy sa akin sa isang cubicle. "Diba tinulungan mo ako doon sa nag snatch ng mga gamit ko pero di natin nahabol" "What!" Pinandilatan ko siya ng mata at sinabi ang 'Makisabay-ka-nalang'- look. "Yeah. I help her" labas sa ilong na sagot niya at nag iwas ng tingin Tsk! Pasalamat nga siya diyan dahil tinulungan ko siya para matanggap siya ni papa. Alam ko na ang ugali ng ama ko. Masyadong mausisa sa mga bagay-bagay. "Mabuti naman kung ganon. Dapat pala akung mag pasalamat sayo iho. Kahit na hindi niyo nakuha pabalik ang mga gamit ng anak ko" si papa at nilapitan yong Drailan tsaka inakbayan 'Aba feeling close agad sa kanya si papa. Himala yata' Kasi sa pagkaka alam ko masyadong mailap si papa sa mga taong hindi niya pa nakilala. "Maliit na bagay sir" mayabang na sabi ni Drailan Tumaas ang kilay ko 'tuhugin ko pagmumukha mo eh. Ang angas ah! ' Maliit na bagay daw. Kala mo naman totoo yon. At pinanindigan naman ng mukong. "Dito siya titira sa atin at pag tatrabahuin ko siya bilang taga linis ng sasakyan" Singit ko ng makuha na ang loob ni papa kay Drai. "Eh sarado na yong car wash anak. Balak mo bang buksan ulit iyon?" Tanong ni papa. Mukhang tuwang-tuwa talaga siya sa kasama ko "Oo pa. At siya ang pag tatrabahuin ko doon. May karanasan naman siya dahil trabaho niya iyon doon sa syudad" Baling ko kay Drai na tahimik parin at mukhang malalim ang iniisip "Sa mukhang iyan anak taga hugas lang yan ng sasakyan" Hindi makapaniwalang sabi ni papa Kahit nga ako di makapaniwala eh. Tss "Bakit sir may problema ka ba sa ganoong trabaho" Seryosong sabi ni Drailan Mabilis na umiling si papa. Tila Tuwang-tuwang "Hindi naman. Sa tikas at tindig kasi nang pangangatawan mo nag mumukha kang Modelo" Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Drailan at nag iwas ng tingin "O siya payag na akung dumito ka tumira. Total magaan na agad ang loob ko sayo iho. Sege Shin anak ihatid mo siya sa rooftop doon ang tutulugan niya" Sabi ni papa tsaka tumayo Aba! Ayos talaga ang karisma ng mokong napapayag agad si papa. "At pagkatapos mo siyang ihatid pumunta ka sa may likod bahay nang mapag usapan natin kung bakit ka bumalik dito sa lugar natin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD