Namalayan ko nalang ang sarili na lumabas doon sa Conference room na patuloy na umiiyak. Hindi ko na kayang tapusin pa yong interview nila dahil mas lalo akung nasaktan. Sobrang hirap mag pigil ng luha sa mata tapos sa huli hindi mo pala kakayanin, tutulo talaga dahil masyadong masakit yong mga lumalabas sa bibig ni Draizen. Para akung pinarusahan ng apoy sa dibdib. Ang hirap huminga habang naririnig ang mga balang salita na tumatagos sa puso ko. Hindi ko kayang may panggap na okay lang ang lahat, when in fact. Para na akung nag dedeliryo sa sobrang sakit. Sa tuwing bumabalik sa isip ko yong sinabi niya na hindi niya seneseryoso yong mga past girlfriend niya at pinag lalaruan niya lang ito. Gusto kung matawa sa sobrang pagka baliw sa kanya. Oo, sinabihan ko siya nang mga sasakit na s

