Chapter 28 Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa hospital. Halos puti lahat ng nakikita ko, halos nag-hahabol ako ng aking hininga. Napatingin naman ako sa pintuan. Bumukas ito at pumasok si Joy. Agad naman itong lumapit sa akin at niyakap ako. "Okay ka lang ba? Hindi ko alam na gagawin sa iyo ni Feptzam ang bagay na yun." Sabi niya at umalis sa pagkakayakap. Tinignan ko naman siya. "Paano ako nakarating dito?" Tanong ko. "Hindi mo alam kung sino nag-ligtas sa'yo? Hindi mo nakita?" Tanong niya. Hindi ko nga alam na maiiligtas at madadala pa ako sa hospital e. Nung oras na 'yun hindi na ako umaasa. Wala ako'ng inaasahan na mag-ligtas sa akin. Umiling naman ako. "Hindi ko kilala." Sabi ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin at hinawakan ang baba ko. "As in?" Tanong niya.

