Chapter 23 "Amieellleeee!!! Anong balita?" "Aga-aga Joy ahh." Sabi ko at inilagay ang bag sa upuan ko. Napatingin naman ako sa katabi kong upuan. "Ano ka ba, wala pa." Sabi ni Joy at umupo muna doon sa upuan ni Zake. Napabuntong hininga naman ako at tumingin kay Joy. "Ano bang ikina-hahyper mo diyan?" "Eh, kasi naman. Nung nag-text ka saken na parang nag-date---" Agad ko namang tinakpan ang bunganga ni Joy. Baka mamaya marinig nanaman ni Feptzam ayawin nanaman ako. "Shhh." "Ay, oo nga pala. Kwento na kasi dali, binibitin mo ako." "Mamaya pag-uwian." Sabi ko. "Sus. Ganyan ka naman e, tapos pagdating ng uwian wala na." "Baliw. Kwekwento ko nga mamaya promise!" Sabi ko. "Promise yan ha?" Sabi niya. "Oo nga." Sabi ko naman. Pag-kalipat ni Joy sa upuan niya ay saktong dating ni Z

