Chapter 34 Matapos ang dalawang linggo naming pag-dadate ni Zake ay masasabi kong masaya ako. He never failed to make me happy all day, mapa-text o personal, hindi ko nga alam na may ganoong side pala si Lupert. Ang buong akala ko ay pagsusungit lang ang buong alam noon. Pero hanggang ngayon ay nandoon pa din ang kaniyang pagsusungit. Hay nako! "Oh, saan ka nanaman?" Tanong ni Kuya Vince nang makita akong pababa ng hagdanan. "Kila Zake lang Kuya, pinapapunta kasi ako nung Ate niya." Sabi ko. Lumabas naman si Kuya Victor sa kusina at may dala-dalang popcorn. "Zake nanaman? Amielle, baka naman nakakalimutan mo pag-aaral mo." Sabi ni Kuya. Umiling naman ako. Hindi ko naman kinakalimutan yun, sobrang saya ko lang talaga dahil kami na ni Zake, ewan basta ang alam ko, masaya ako dahil nandi

