jdbehebehe

541 Words
Nagising si Anna at si Drei sa isang silid. nakahiga sila kasama si Zinjin, Ella, Daniel at si Ralf sa malamig na sahig. "Where are we??" kaagad na napabangon si Ralf na inilinga ang paningin sa paligid ng silid. makikita ang puting pintura ng pader ng silid at mga sirang upuan na nakakalat. sa unahan ay makikita ang nakatayong maganda at matangkad na guro na nakilala ni Anna at ni Drei na si madam Estella Andalio. "Good morning dears" may nakakatakot na ngiti ang guro na mukhang may hindi magandang plano hindi nakapagsalita ang anim na istudyante kaya naman nagpatuloy ang guro "Siguro naman may ideya kayo kung bakit naririto kayo ngayon sa silid na ito" nakataas ang kilay ng guro na tiningnan pa sila isa-isa. "Hindi po namin alam madam. ipapaayos mo po ba sa amin yang mga sirang upuan?" tanong ni Ella na nagsimulang hanapin ang martilyo at mga pako na gagamitin "Boba! akala nyo ba makakaligtas kayo sa kaparusahan? akala nyo ba hindi namin malalaman na lumabag kayo sa patakaran? Hindi lang isa, kundi makalawang beses!" nakakatakot na sigaw ng guro na nawala ang kagandahan sa mukha. Napalunok ng laway ang anim na istudyante. "Hmm... mukhang mag e-enjoy akong bigyan kayo ng parusa... ano kaya..." palakad-lakad ang guro sa harapan nila. Wala namang nagtatangkang magsalita dahil kinakabahan sila. tanging tunog lamang ng suot na sapatos ng guro ang maririnig. Nasa isipan naman ni Anna ang morgue sa paaralang ito. baka ipalinis sa kanila ang silid na iyon... mas gugustuhin pa ni Anna na umalis na lamang sa paaralang ito. Maya maya ay huminto ang guro "Hm... Alam ko na!" may malaking ngiti sa mukha nya na hindi naman nagugustuhan ni Anna at ng mga kasama nya. "Maglinis ng buong paaralan kasama ang mga janitress at janitor?? nakakapagod kaya yun!" sabi ni Zinjin na ngayon palang ay mukhang hihimatayin na. hinari silang anim sa tatlong kaparusahan. kasama ni Zinjin sa kaparusahang ito si Ralf. "At least kakain kayo. Eh kami ni Ella? hindi na pwedeng kumain, hindi pa pwedeng uminom!" reklamo naman ni Daniel "Magagawan naman namin yan ng paraan. kapag kumain kami sa canteen, dadalhan namin kayo. Kaya lang, ang makasama matulog sa loob ng isang linggo kasama ang maarteng may ulcer 'to sa haunted room, mas mahirap!" sabi ni Anna na para bang ito ang pinaka malupit na kaparusahan "Sus. ikaw pa nagreklamo ha? sa mukha mo pa nga lang natatakot na ako. matulog pa kaya tuwing gabi sa haunted room?" papunta sila ngayon sa kani-kanilang klase habang pinag-uusapan ang kani-kanilang mga kaparusahan. "Zinjin! my baby!" "Naku po" inakbayan sya ni Andrew saka hinatak papasok sa isang silid "Sino yun? bf nya?" natatawang tanong ni Drei kay Anna na hindi naman pinansin ni Anna. "Dito na'ko guys. bye" paalam naman ni Ella na pumasok naman sa isang silid na hindi naman kalayuan sa silid na pinasukan ni Zinjin at ni Andrew. "Clean the whole school with that skinny guy? I'm sure he won't last— Oh— we'll go this way. Hey dude! take care of our girl! c'mmon Daniel" "Anyare naman sa isang yun? nakalunok ng dictionary?" natatawang panlalait ni Drei "Tumahimik ka nga" naiiritang sabi ni Anna. sabay silang pumasok sa silid ni sir He
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD