Knowing TJ, sabi na’t nagpa-reserve na naman siya sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko tuloy napigilan ang pagbulong sa kanya pagdating namin dito. “Hindi naman natin kailangan kumain ng mahal para mag-usap tungkol sa trabaho… Sir.” At akala ko’y hindi niya ako papansinin nang ilapit din niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong. “Then we’ll eat and run,” May panunuksong sagot niya. Tuloy ay siniko ko siya sa tagiliran bago tumawa. Paano’y hindi bagay sa kanya ang magsalita ng ganito. Parang nahahawa na siya sa akin. “Mr. Valderrama, this way please,” sabi ng waiter na lumapit sa amin. Sumunod naman kami sa kanya pero hindi ko napigilan ang pagkamangha at paglibot ng mga mata ko sa paligid. I’m not sure if it’s just the paint or this place is really covered with gold. I won

