Sa byahe, tahimik lang kami ni Sir August noong una. Kaya naman nagpaalam ako sa kanya na magpapatugtog ng playlist ko sa phone para mapunan ang katahimikang ito. “You still love band songs?” manghang tanong niya sa akin nang magsimula ang unang tugtog. “I remember how much you love school concerts before.” “Yes po. Hindi naman ‘yon nagbago,” sabi ko sa kanya at nakita ko ang pag-angat ng isang dulo ng kanyang labi. Nawalan na kami bigla ng paguusapan. Ang bilis naputol dahil din sa akin. It was after a few minutes when I saw him yawning and drumming fingers on the steering wheel. “Puyat ka, Sir?” Hindi ko napigilang magtanong. Nangiti naman siya. “Sakto lang.” ‘Yong antok niya parang sobrang aga niyang gumising para sunduin ako. “Pasensya ka na po kay Sunny ah…naabala ka pa po niy

