Nakatitig lang ako sa phone ko. Naghihintay ako ng reply ni TJ sa text message ko. “I remember that you used to love going to coffee shops for inspiration when you’re writing,” sabi ni Sir August kaya napatingin ako sa kanya. Paano’y hindi ko inasahang natatandaan pa pala niya ito after all these years. “Yes. Na-miss ko tuloy bigla ang Cup of Twist,” sabi ko na nagpangiti sa kanya. “Bukas pa rin sila hanggang ngayon?” manghang tanong nito at tumango naman ako. “Parang walang nagbago over the years.” Kaya nga naiisip ko pa rin talaga rito ‘yong mga panahong nakakasama ko pa si Papa. “Wait, are you still waiting for that perfect scenario?” Hindi ko inasahan ang tanong ni Sir August. Inisip ko kasi kung anong ibig sabihin ng kanyang tanong. Inalog naman ako ni Sunny para makaalala.

