Kabanata 1

2397 Words
Tumingala ako para makita ng mabuti ang makinang na bituin sa tuktok ng Christmas tree. Habang pinagmamasdan ko ito, hindi ko mapigilang isipin ang mahigit limang taong pagtulong ko sa pagdisenyo nito. Katumbas nito ang taong inilagi ko sa HR department ng Summit Appliance Philippines. Natawa na lang ako sa sarili ko dahil ang tagal ko na pala talaga rito. Nang magpalakpakan ang mga kasama ko’y dito lang ako bumalik sa kasalukuyan. Mukhang tuwang-tuwa ang lahat dahil sa wakas ay natapos na rin kami sa pagaayos ng setup para sa Christmas party namin bukas. “Congrats everyone!” sabi ni Ma’am Wanda, HR Director namin na mahigit dalawampung taon na sa kumpanya. Kakatapos lang namin ipagdiwang ang kanyang 60th birthday noong nakaraang buwan. Dumaan lang siya rito para makita kung nakahanda na ang venue para bukas. “Are you all excited for tomorrow?” “Of course, Ma’am! Ang ganda ng venue natin e!” sabi ng isang intern namin kaya napangiti ako. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid at tumango-tango. Proud and satisfied, I started walking around the room to get a better view of our venue. Fortunately, I was able to book the biggest function room in one of the most prestigious hotels in our country ahead of time. Ayaw pa sana nilang mag-book noon dahil masyado pa raw maaga para sa pasko. Pero ako na ang nagkusa dahil alam kong magkakaubusan ng reservation kapag peak season. “Mabuti na lang talaga na-suggest mo ang hotel na ‘to, Cece!” Napatid ako sa extension cord sa sahig at napahawak sa laylayan ng kulay gold na table cloth. Nahila ko ito kaya bumagsak sa sahig ang flower vase na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nadamay pati ‘yong mga utensils at babasaging platong nakapalibot dito.  Narinig ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga gamit. Mabuti na lang at nalaglag ang halos karamihan sa katawan ko at may carpet din kaya walang nabasag. Napapikit nga lang ako sa sakit dahil hindi biro ang mabagsakan ng mga ito. Napansin kong tumahimik sa paligid, at pagbukas ko ng mga mata ko, nakita ko ang mainit na tingin ng lahat sa akin. Ngumisi naman ako bago nagsalita. “Catch!” biro ko bago tumawa pero nakita ko ang dismayadong mukha ni Ma’am Wanda. It felt like her eyes were shooting daggers at me. Kaya naman tumayo na ako at mabilis na nagligpit bago pa masigawan. Nilapitan ako ng intern namin at tinulungan kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. “Wrap up. I’ll see you all tomorrow,” sabi ni Ma’am Wanda bago lumabas ng function room. Nilapitan agad ako ng mga katrabaho ko para tulungan. Naramdaman ko naman ang pagtapik ng isa sa braso ko. At dahil may ideya na ako kung sino ito, huminga ako ng malalim para ihanda ang sarili ko. “Ano ka ba naman June! Napaka-clumsy mo kahit kailan. ‘Di mo gayahin si Cece.” Kinagat ko ang labi ko at nahinto sandali dahil sa sinabi ni Olivia. Pare-pareho lang naman kaming assistant pero kung makaasta siya ay parang boss ko siya. Madaling nakita ng intern namin ang pagkamuhi ko. Kaya pilit akong ngumiti sa kanya bago mabilis na bumalik sa ginagawa. Ayoko namang manahin niya ang sungay ko. “Itong si Cece, napaka-prim and proper. Halatang may class. Bago pa lang pero alam mong may patutunguhan ang career. For sure, she’ll get the promotion tomorrow.” Tumango-tango lang ako, pasok sa kanan at labas sa kaliwang tainga lahat ng sinasabi nila. “Inugat ka na rito sa kumpanya pero hindi ka man lang nakaranas ng promotion,” dagdag pa ni Olivia kahit pinipigilan na siya ni Cece. “Stop it, Olivia. You’re just wasting your energy,” sabi ni Cece. Mabuti pa siya ay marunong makaramdam. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang gustong mangyari ni Olivia. She keeps on getting on my nerves. Gusto ba niyang mawalan ako ng pasensya at magsabunutan kami sa harap ng lahat? Nang matapos kami sa pagaayos ng lamesa, kinuha ko na ang bag ko para umuwi. Ayoko nang magsayang pa ng oras kasama sila. Tapos naman na ang ipinunta ko rito, kaya hindi ko na kailangan pang makinig sa kanila. “Bye, everyone! Bukas na lang!” masaya akong nagpaalam. Kaya lang itong si Olivia ay hinawakan pa ako sa braso para pigilan. “Bakit ba ang yabang mo?” Nag-echo ang kanyang tanong, at biglang nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa paligid. I clenched my jaw. Kayabangan agad ang hindi pagpatol sa pambu-bully niya? My God, we’re too old for this. Kung nakakahiya ako dahil sa nangyari ngayong gabi, mas nakakahiya siya dahil para lang siyang nakikipagusap sa pader. Alam ko namang ako ang talo kapag pinatulan ko siya. Siguradong hindi rin nniya ako maiintindihan kahit anong sabihin ko dahil sarado ang isip niya. Kaya naman dahil walang kwenta lahat ng sinasabi niya, walang kwenta rin ang sagot na ibibigay ko sa kanya. Pinisil ko ang ilong ko at bahagyang inilapit ang mukha ko sa harapan niya. “Bakit ba ang baho ng hininga mo?” Ginaya ko ang tono niya bago bumelat. "Ha? Bakit ba ang baho ng hininga mo?" Nanlaki ang mga mata ni Olivia, halatang gigil na gigil. Nagtawanan naman ang iba naming mga kasama. Imbes na manatili pa sa loob ng function room kasama sila, taas-noo akong lumabas mula rito. Narinig ko pa ang sunod-sunod na pagtawag ni Olivia sa pangalan ko pero kumaway lang ako bilang hudyat ng pag-exit ko sa eksena. Dumiretso ako sa comfort room at dito’y agad na naghilamos para mahimasmasan. Hindi ko alam kung bakit pero ang init ng pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. Alam ko namanv hindi ako gusto ni Ma’am Wanda pero iba pa rin pala sa pakiramdam kapag harap-harapan itong ipapakita sa ‘yo. Sa lahat ng mga narinig ko kanina, tumatak sa akin ang tungkol sa promotion. It was not announced to us by our HR Manager pero sa pagkakatanda ko nga aymay isang manager na hindi ko na nakikita sa department namin nitong mga nakakaraan. Wala pang tatlong taon sa kumpanya si Cece. Imposible namang siya ang i-promote nila. Si Olivia naman ay palaging absent at late kaya dito pa lang ay hindi na siya qualified. Kung titingnan ay ako talaga ang best choice dahil ako na ang pinakamatagal sa department namin na maayos ang performance. Nabuhayan ako ng loob dahil baka naman ako na ang makakakuha ng promotion ngayong end-year party namin! I did well this year. Binigay ko lahat dahil sa kagustuhan nila Mama at Ate Lea. Siguro naman kapag na-promote ako bago matapos ang taong ito, matutuwa na sila sa akin kahit isang beses. I don’t have to go home and see their disappointment all the time.   Tumunog ang ringtone ng phone ko, at nang makita ko kung sino ang tumatawag, umangat ang magkabilang dulo ng labi ko. Agad ko naman itong sinagot. “Bestie! Have you sent your application? Today’s the last day of submission!” bungad ni Sunny na halos bumasag sa eardrums ko dahil ang tinis ng boses niya. “Ang tagal nating inintay magbukas ulit ang scholarship na ‘yan, don’t tell me papalampasin mo na naman ito?” Magsasalita na sana ako kaya lang natawa ako dahil nagtuloy-tuloy pa siya. “It’s Europe! Bestie, it’s not just any other place! It’s our dream!” Nanaba ang puso ko sa huli niyang sinabi. She said it’s our dream… “Yes, bestie. I know! Pero wala talagang pag-kumusta?” humalakhak ako. “Sorry na bestie, excited lang ako. Okay ka lang ba sa work?” “Nah.” Tinawanan ko lang siya pero pinagalitan na naman niya ako dahil pinapagod ko na naman daw ng sobra ang sarili ko sa trabaho. “Magse-send na agad ako paguwi ko. Kakatapos ko lang kasi sa trabaho-” “Overtime na naman? Bayad ba ‘yan?" “Sunny-” “’Di mo na kailangang sumagot. Papatayuan na lang kita ng rebulto! Oh Saint June, please pray for us!" "Gaga ka!" "Oh Saint June, please forgive her for she doesn't know what she's saying!" Ang lakas ng tawanan namin. Pinasakit na naman ng best friend ko ang tyan ko. Ang kulit-kulit talaga niya pero ito rin ang dahilan kung bakit gumagaan ang bawat araw ko. "Just get home safe okay? Let me know kapag may problem sa laptop mo. Ipapadala ko agad ang akin para magamit mo. Update mo ako kapag nakapag-send ka na okay? Send me a screenshot as proof.” “Yes po, nay,” biro ko na nagpahagikgik sa aming dalawa. Kahit wala akong boyfriend parang kuntento na ako dahil nandyan si Sunny. Literal na siya ang nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo. “Good. Now, go home. Hindi ka naman nila babayaran kapag lumuwa ang mga mata mo sa pagod. I really can’t understant why you’re trying so hard when you’re not even happy with your work there.” Tinamaan ako sa huling sinabi ni Sunny bago namin binaba ang tawag. Kahit kailan ay palaging tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi ni Sunny sa akin. Hindi na ito nakapagtataka because she’s the kind of best friend who doesn’t just give moral support. Tama naman si Sunny. Sa tagal ko sa Summit ay hindi ako kailanman naging totoong masaya sa trabaho ko. It’s like every day is the same for me. It’s as if my life’s on repeat. Walang bago, walang twist. Kung isa ito sa mga librong binabasa ko ay matagal ko na itong isinarado at ipinamigay. Tiningnan ko ang reflection ko sa harap ng salamin at huminga nang malalim nang makita ang sarili. Ibang-iba ang itsura ko five years ago. I have dark circles under my eyes and few pimple marks on my forehead now. Anong nangyari at ganito na lang kapagod ang itsura ko? Parang ang laki ng itinanda ko kahit nasa kalendaryo pa naman ang edad ko. Tiningnan ko ang email app ko sa phone at nakita ang naka-draft na application ko. I’ll just have to click the send button but I’m scared. Si Sunny lang naman ang nageenganyo sa akin na ituloy ko ang pangarap kong maging isang novelist. It’s the reason why she wants me to apply for a creative writing scholarship in Europe. Habang ang pamilya ko ay pilit akong pinipigilan sa pagtupad ko sa pangarap ko, siya itong pilit na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Minsan talaga, sa ibang tao mo pa mahahanap ang suportang kailangan mo. Pero paano kung hindi ko makuha ang scholarship na ‘to? Sign na ba ito para kalimutan ko ang pangarap ko? Should I just give up once and for all? I couldn’t help but text Sunny to ask for her opinion. I asked her whether I should submit my application or not. SUNNY: Don’t you want to fulfill your promise to your father? What she said was enough to convince me. Muntikan ko nang makalimutan kung bakit ko nga ba pinangarap maging isang novelist simula pa noong bata ako. Habang ang ibang mga kaklase ko pare-parehong pinangarap maging doktor at abogado, I chose a different path. I want to be a writer like my father! Kaya naman huminga ako nang malalim bago pinindot ang send button sa email app. Para akong nabunutan ng tinik nang makita kong pumasok ang email ko. Ilang araw ko na rin kasing dala-dala ito. Puro ako pagdududa sa sarili ko. Kahit parang suntok sa buwan ang scholarship na ito, mas maganda nang sinubukan ko. Sa tingin ko ay iyon naman ang mahalaga para wala akong pagsisihan sa dulo. I smiled at my reflection. Bahagya kong inayos ang bangs ko na nabasa pala ng tubig nang maghilamos ako. Taking a deep breath, I shouted my everyday mantra. “June! Laban lang, walang susuko!” ‘Di ko napansing may tao na pala sa tabi ko at dahil sa pagkabigla ay lumagpas ang lagay nito ng lipstick. Muntik na akong matawa dahil dito pero pinigilan ko dahil sa matalim nitong tingin sa akin. “B-Bagay naman po, pantayin mo na lang ate." Ngumisi ako at humingi ng tawad bago nagmamadaling lumabas ng comfort room. Nakahinga ako nang maluwag pagkalabas ko. Naabutan kong nagsisilabasan na ng function room ang mga kasama ko. Dito ko naalala ‘yong sinabi ni Olivia. Si Cece pa talaga ang pinuri niya para sa function room e ako naman ang naghirap para makapagpa-book dito.   Nagkibit-balikat na lang ako. Para naman kasing may bago sa nangyari. Credit-grabbing is typical in any company. Mukhang hindi lang naman ito sa trabaho nangyayari. Bago umuwi, ipinuyod ko ng isa ang mahabang buhok ko at dito lang napansin na hindi ko pala suot ang I.D ko. Bumalik ako sa CR pero hindi ko ito nakita rito. Kaya mukhang sa function room ko ito naiwan habang nagaayos kanina. Napailing na lang ako. Tuloy ay kinailangan kong bumalik sa loob ng function room para kuhanin ang I.D ko. Madilim na rito dahil isa na lang ang ilaw na nakabukas at wala ng tao. Mabuti at madali ko itong nakita dahil naiwan ko lang ito sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ang I.D ko at aalis na sana nang mapatingin ulit ako sa bituin ng Christmas tree. Para bang nakita ko itong kuminang kaya namangha ako. Dahil wala namang ibang tao, pumikit ako at humiling. “Sana bago naman matapos ang taong ‘to, may magandang twist na mangyari sa buhay ko.” Saktong nag-vibrate ang phone ko kaya natigilan ako. Tiningnan ko kung bakit at nakita ang liwanag ng screen ng phone ko. Noong una’y nasilaw pa ako kaya naningkit ang mga mata ko. Kaya lang nang makita ko ang subject sa email notification ko, napadilat akong parang kwago. It’s not an email about the promotion nor a reply to my scholarship application. Ghostwriter for hire?! Bumalik ang tingin ko sa bituin ng Christmas tree at napaisip kung ito na ba ‘yong twist na hiniling ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD