ILANG araw na rin ang nakalilipas, pagkatapos ng pag-uusap namin noon ni Spon sa plaza. Papunta na ako sa kanyang boarding house, napg-usapan namin kanina sa chat na sabay na kaming pupunta sa drill. Nagpaalam na ako sa tatlo kong kaibigan, at hindi na naman maiwasaaan ang pagtukso nila sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang kiligin at mapangiti. Iniisip ko pa lang na kami na ni Spon, parang hindi lang ako sa langit nakalutang, kundi sa kalawakan. Inayos ko ang aking mga gamit sa bag, habang nasa loob ng rest room. Sinadya ko talaagang dumaan muna rito para maag-ayos at magpabango. Nakakahiya namang mukha akong dugyot mamaya sa harapan ni Spon. Habang sinasara ang zipper ng aking bag, hindi ko maiwasan ang mapa-isip kung bakit ako pa ang pupunta sa boarding house niya? Dapat ako ang pin

