Chapter 5

1021 Words
Chapter 5   Nakatingin lamang sa pinto si Khia kung saan lumabas ang kaniyang pinsan na si Alex. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon sa mga nangyayari. Isang lalakeng nagngangalang Maxis ang nagsabi na wala  na si Robin, na patay na ito. Kahit siya ay hindi naniniwala, napagawi ang kaniyang mg mata sa nakahiga na si Robin, hinding-hindi niya paniniwalaan na wala na ito. Alam niyang ganoon rin si Alex at ang ibang mga pinsan niya. Lalo na si Alejandro at Xandro. “Naiintidihan ko kung bakit ganoon ang naging akto ni Alex, kahit ako kung sasabihin sa akin na wala na ang babaeng pinakamamahal ko ay hindi kaagad ako maniniwala. Nakita niyo ba kung paano siya lumuha sa harapan natin? Hindi ganoon ang Alexander Mitchell na nakilala ko,” “Ilang daang taon na tayong naninirahan dito sa lost world, at kahit kailan hindi ko pa nakita o narinig si Alex na umiyak. Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito kahina. At sa pagkakataong ito kailangan nating iparamdam sa kaniya ang suporta na kinakailangan niya. Ngayon niya mas higit na kailangan ang ating suporta.” Sabi ni Johnny. Napatingin siya sa kaniyang pinsan, alam niyang puro kalokohan ito minsan ngunit kapag seryosong usapan na ay nagsasalita na ito. Lahat sila ay nasasaktan dahil sa nangyari, lalo na siya dahil nakabuo na sila ni Robin ng matatag na pagkakaibigan. Unang nawala si Conny, hindi niya hahayaan na pati si Robin ay mawala rin. “Sundan ninyo si Alex, Alejandro at Xandro. Baka kung saan magpunta ang isang iyon. Alam ninyo naman kung paano mag-isip si Alex, minsan sa sobrang emosyon ay nakakagawa siya ng mga hindi mabubuting bagay.” Sabi ni Aleister. Napabuntong hininga si Khia at napatingin sa prinsipe ng tharbun. Hindi niya maiwasang hindi mainis sa lalake, kung hindi sana nito kinuha si Robin nang araw na iyon sa mundo ng mga tao ay hindi ito mangyayari, hindi sana malalayo sa kanila si Robin at hindi sana ito makikita ng Black witch na si Khalisa. Ang lahat ay hindi inaasahan at nakakalungkot dahil isang napakahalagang tao ang maaaring mawala sa kanila nayon. Hindi madali ang kanilang pinagdadaanan lalao na si Alex ngunit ang kailangan nila ngayon ay maging matatag. “Paano mo nasabi na wala na si Robin sa katawan nito?” tanong ni Meredith kay Maxis. Nakita ni Khia kung paano sumuka ng dugo ang bampirang wizard na ito sa kanilang harapan. Ang bampirang wizard ay may kakaibang kapangyarihan at napakalakas non. Nararamdaman niya ang itim na awra nito na bumabalot sa loob ng silid kung nasaan si Robin. Kanina ay maski siya ay nagulat nang bigla itong sumuka ng dugo. “Hindi ko na maramdaman ang kaniyang kaluluwa, hindi ko gusto ang aking sinabi at hindi ko nais na magbigay ng sakit sa inyo ngunit sinabi ko lamang ang akin naramdaman. Wala na sa katawang ito ang mahal na prinsesa, wala na siya.” Sabi ni Maxis. Humakbang si Khia palapit kay Robin at hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. Mainit pa iyon, nang tinginan naman niya ang mukha ni Robin ay para lamang itong natutulog. Napakasakit tanggapin para sa kanila ang sinasabi ni Maxis. “Baka may iba pang paraan? Baka nagkakamali ka lang?” tanong niya at tumingin siya kay Maxis. Umiling naman si Maxis sa kaniyang sinabi, “wala na akong ibang makitang paraan, sinabi ko lang ang aking napakiramdaman at  wala na akong maramdaman sa katawan ng mahal na prinsesa ngayon. Masakit din para sa akin ito na tanggapin dahil minsan ko nang binantayan ang mahal na prinsesa sa mundo ng mga tao,” “Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari, nais kong tulungan kayo at ang mahal na prinsesa nngunit sa sobrang lakas ng mahika ng black witch ay naisuka ko ang lason at hindi kaagad ito natanggal sa katawan ng mahal na prinsesa.” Namuo ang mga luha sa mga mata ni Khia at nang malaglag ang mga luhang iyon ay kaagad niyang pinunasan. Hindi maaari, tiyak may iba ang paraan. Sigurado siya na buhay pa si Robin at hindi pa ito patay. “Baka may makakatulong pa sa atin? Baka may makakapagbalik pa kay Robin? Nabasa ko sa isang libro na maaaring naglakbay lamang ang kaluluwa ng isang nilalang, maaari pa itong makabalik kung hihingi ng tulong sa— “Sa hari ng mga demonyo.” Pagpapatuloy ni Maxis. Nakagat ni Khia ang pang ibabang labi. Totoo ang sinabi ni Maxis. “Maaaring naglalakbay lang ang kaluluwa ng mahal na prinsesa a tama ka, maaaring makatulong ang hari ng mga demonyo sa kaniya ngunit para mo na ring ibinenta ang kaluluwa mo kapag kinausap mo ang hari ng mga demonyo para humingi ng tulong,” “Tuso ito, at hindi ito basta-basta kumukuha ng kapalit.” Sabi ni Maxis. Pero paano? Paano nga kung naglalakbay lamang ang kaluluwa ni Robin kaya’t nasabi ni Maxis na wala na ang kaluluwa nito sa katawan nito? “Wala bang ibang maaaring hingian ng tulong?” tanong ni Liva ang isa sa mga diwata. “Nakakalungkot, nakakaiyak at nakakaawa ang susnod na hari ng mga bampira. Nakita ko ang sobrang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Nangungulila siya sa mahal na prinsesa dahil sa ilang buwan nilang hindi pagkikita at nang magkita na sila ay sa ganitong sitwasyon pa. Ako ay naaaawa, hindi... hindi ko mapigilang hindi mapaluha.” Sabi ni Lica. Napatingin si Khia sa mga diwata, ito ang mga nakasama ni Robin noong napunta ito sa lost world. Ito rin ang mga diwata na nagprotekta kay Robin nang tumakas ito sa kastilyo ng tharbun. Hindi ko inaasahan na sa isa sa mga kastilyong aming pupuntahan ay naroon ka pala Robin. Sana ay hinintay mo na lang kami, sana ay hindi ka na tumakas. Sabi niya sa sarili at muling pinunasan ang luhang kumawala sa kaniyang mga mata. “Khia.” Napalingon si Khia sa tumawag sa kaniya at nakita niya  sa tapat ng pinto si Daemon. Tinawag lamang siya nito gamit ang isipan. Nang makita niya ang lalake ay nababasa niya ang pag-aalala sa mukha nito. Are you alright?                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD