Chapter 61 Lumipat si Robin ng puwesto at doon siya naupo sa table habang si Khia naman ay naroon sa sofa sa kaniyang gilid. Nang magsimula siyang kumain ay napahinto siya nang hindi manlang niya malasahan ang pagkain na kaniyang kinakain. “Ano ang problema?” tanong ni Khia sa kaniya. Umiling lamang si Robin sa kaibigan at ngumiti. Alam niyang mag-aalala si Khia kapag sinabi niya rito na wala siyang panlasa. Maaaring dahil iyon sa paiba-iba ng kaniyang nararamdaman dahil sa mga nangyayari. At ngayon din ay wala siya sa kaniyang mood dahil sa tagpo nila kanina ni Hermiliah. “Ako ang nagluto niyan, hindi ba masarap? Magpadeliver na lang kaya ako? O utusan ko si Daemon bumili sa bayan?” tanong ni Khia. Nang mapatingin muli si Robin sa kaibigan ay nakita niya ang pag-aalala ngayon sa

