Chapter 11 “No! Robin!” Napakasakit maalala, ngunit para kay Khia isa iyong aral para sa kanila. “Malapit nang matapos ang taon na ito, hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Alex. Nangangamba ako dahil maramin mga kalaban ang nakaabang na magkamali siya at gamitin iyon upang maagaw ang titulo bilang hari ng mga bampira.” Sabi ni Xandro. Nang walang magsalita kahit isa sa kanila ay biglang dumating si Alejandro. Katulad kanina ni Xandro ay bigla itong sumulpot. “Wala, mahirap siyang kumbinsihin ngayon. Emosyonal siya dahil sa nangyari. Pero sa tingin ko ay natauhan siya sa mga sinabi mo Xandro.” Sabi ni Alejandro at kinuha nito ang kopita na nasa ibabaw ng lamesa sa harapan nila. Nagsalin si Alejandro ng alak sa kopita at inisang lagok nito iyon. “Nasaan si mom and dad?” tanong

