“Sir Lance..we’re here”. Sabi ng bodyguard ko habang ginigising ako sa pagkatulog. Ilang oras din bago nakarating sa Pilipinas ang Private plane ng daddy ko. Agad akong nagmulat ng mata at umupo ng tuwid at sumandal sa upuan. Napabuntong-hininga ako nang maisip ko ang daddy ko. My Father Romano Corpuz, a manipulative father. Pinauwi niya ako ng pilipinas para i-manage ang ilang business namin dito sa bansa, especially the RC CORP. I landed first in Cebu City. Dito ako unang pumupunta kapag umuuwi ako ng pilipinas. I just felt at home in this place. I stayed in Europe for 4 years after I Graduated in High School. I took Bachelor of Science in business administration Major in Business Economics at University of Birmingham in UK. This is my Second time na umuwi ako ng Pilipinas. First is when i graduated from my college degree. Then after 5 months I decided to go Back to England to take my Masters Degree. Buong buhay ko sinusunod ko lang ang gusto ni daddy, kung ano ang mga gusto niya para sa akin. I want to be a perfect son for him kahit minsan ay labag na sa kalooban ko ang mga gusto niya. One thing na namana ko sa daddy ko ay pagiging strict.. Yes, I’m Strict pagdating sa trabaho. Pagkababa ko nang plane ay sinalubong ako ng pinsan kong si Owen. Anak siya ni tito Fred at dito sila nakatira sa Cebu dahil sila na ang nagpatakbo ng mga negosyong naiwan ni Lolo Alfredo. “Welcome home pinsan” sabay akbay sa akin. Niyakap ko naman ito bilang ganti ko sa pinsan ko. “Mas lalo kang gumwapo ngayon ah, marami bang naghahabol na chiks dun sa England kaya bigla kang napauwi dito?” pang-aasar niya sa akin pero ang totoo alam niya kung bakit ako andito sa pilipinas. “Tigilan mo nga ako..alam mo naman kung bakit ako umuwi ng pilipinas..” sagot ko habang naglalakad kami patungo sa sasakyan. “Yeah, yeah! I know right!.”sabay na rin kami pumasok sa sasakyan. Siya na ang nag drive kasunod lang namin ang mga kasama kong bodyguards. “So you’re staying here for a week?” liningon niya ako bago pinaandar ang sasakyan. “Yeah! I just want to rest first” sagot ko habang nakatingin sa bintana. Ilang minuto rin ang binyahe namin at nakarating na din kami sa bahay nang namayapa naming Lolo. Bumaba na rin kami ng sasakyan at pumasok sa loob. “Good evening po Sir Lance, Sir Owen” bati ng kasambahay namin na si manang lolita. She’s like a family to us, She’s been working in this family for over 25 yrs. “Kamusta manang? na-miss ko po kayo” sabay yakap ko sa kanya. “Naku! Mas lalo kang gumwapo hijo, ang tagal mo ding hindi na nakauwi dito” habang kinulong niya nang dalawang kamay niya ang pisngi ko. I smiled at her.. “Manang naman.. parang nakakatampo naman kayo, si Lance lang lagi ang guapo sa paningin mo..” tampong sabi ni owen. Lumapit si Manang Lolita sa kanya at pinisil ang ilong ni Owen. “Itong batang ito kahit kailan ay seloso..syempre pareho kayong guapo ni sir Lance..” Gigil na sabi ni manang.. ”O sige pumasok na kayo at ipaghahanda ko kayo nang makakain..” yaya ni manang at pumasok na rin kami. Sa sala na muna kami Umupo ni Owen at Nagkwentuhan ng mga pangyayari sa Buhay.. ilang minuto lang ang ay tinawag na kami ni Manang para Kumain. “hmmm.. ang bango naman manang, na-miss ko ang luto mong menudo”. Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa ulam. “Kumain ka ng marami Hijo, alam kong hindi ka nakakakain niyan sa ibang bansa”. Nakangiting nakatingin naman si manang sa akin. At nagsimula na rin kaming kumain ni Owen. “Manang..wala po ba kayong balita tungkol sa kay Aling Elsie?..” napatingin naman si owen sa akin sa pagtatanong ko kay manang. “Ang balita ko hijo ay lumipat na siya sa maynila 5 taon na ang nakalipas dahil wala na daw kasama ang mga apo niya doon..” Maikling paliwanag ni manang. “Wala po ba siyang iniwang address sa mga kapitbahay niya kung saan sa maynila?..” Nag-isip naman si manang saglit. “Ang alam ko ay si Ellen lang ang nakakaalam sa address ng nilipatan ni aling elsie kaya lang ay matagal nang umalis sila Ellen dito. Lumipat na rin sila sa Davao..” nalungkot ako sa narinig ko pero kahit papano ay nabuhayan ako ng pag-asa dahil nasa maynila lang ang hinahanap ko. “Sige manang..salamat..” at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Napansin kong nakatitig si owen sa akin. “Bakit ganyan ka makatingin?..” tanong ko dito pero hindi ito sumagot at umiling-iling lang at pinagpatuloy na rin ang kanyang pagkain. Pagkatapos naming Kumain ay tumambay muna kami ni Owen sa Balkonahe sa 2nd Floor at Uminom ng Wine. “Why are you still looking for her?..” tanong sa akin ni owen na nakatingin sa malayo. uminom muna ako ng wine bago ko siya nilingon pero di ako sumagot. Nilingon niya ako at ngumiti ng pilyo “It’s been 10 long years and you’re still hoping.. lakas ng tama mo.” Nilingon ko siya ng nakataas ang isang kilay ko. “I don’t know..pero hindi siya mawala sa isip ko. I want to see her again..” napatingin naman sa akin si owen. “So..anong plano mo? Ipapahanap mo siya? How? You don’t even know her name..” natahimik ako sa sinabi ng pinsan ko. Inubos na rin nito ang laman ng kanyang baso.“I’ll go ahead, it’s getting Late. baka hinahanap na ako ng asawa ko..” Sabay tapik niya sa balikat ko. Tumango lang ako saka siya umalis. Nakatingin lang ako sa malayo habang iniinom ang wine. I know someday! at inubos ko na rin agad ang wine ko at pumasok na sa kwarto ko para makapagpahinga. Kinabukasan ay naglibot ako sa Hacienda kasama si Mang kaloy, siya ang namamahala sa Hacienda.. napadaan kami sa Ilog malapit sa manggahan. Huminto ako saglit at Nilingon yon. “Sir may problema po ba?” takang tanong ni mang kaloy habang sinisilip ang mukha ko. “Nothing! Let’s go..” agad na rin kaming umalis.. Isang linggo rin ang inilagi ko sa Hacienda ng Lolo ko. Pagkalabas ko sa banyo ay narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kriiing..kriiiing.. Mom Calling.. agad ko itong sinagot.. “ Hello Mom..” habang nagpupunas ako ng buhok. “Anak, Kailan ka ba uuwi dito sa manila? Hinahanap ka na ng daddy mo, lagi ka na lang dumidiretso sa bahay ng lolo mo pag umuuwi ka ng pilipinas, nagseselos na tuloy ako kay Papa, sumalangit nawa ang kanyang Kaluluwa” tampong sabi ni mommy. “ Sorry mom, I’m going home tomorrow..” ni-loudspeaker ko ang cellphone habang nghahanap ako ng damit. “ You sure? Hihintayin kita bukas anak..” paniniguro ni mommy. “Yes mom.” Tipid kong sagot. “ Ok, I’ll see you tomorrow then, I love you anak..” napangiti naman ako. “ I love you too Mom “ agad din naputol ang linya. Kinabukasan ay nagpaalam na ako kay Manang Lolita na Uuwi na ako ng Manila. “Mag-iingat ka sa biyahe Hijo” nakangiting sabi ni manang. “ I will..” ginantihan ko naman siya ng ngiti. Lumipad na rin kami papuntang Manila sakay pa rin ang private plane. Di rin nagtagal ay nakarating na kami ng manila.. pagkapasok ng sasakyan sa gate ay natanaw ko si mommy sa labas na nakangiti. “Anak, i miss you so much..” Sabay yakap sa akin .”I miss you too mom, where’s dad?..” tanong ko habang nakayakap pa rin kay mommy. “He’s on his study room anak” nakangiting sabi ni mommy. “Let’s go inside anak..Are you hungry?” tanong niya habang nakayakap sa isang braso ko. I looked at her “Yes mom” naglalambing kong sagot. “O sige puntahan mo muna ang daddy mo sa Study room at maghahanda muna ako ng lunch natin. I’m sure matutuwa ang daddy mo dahil dumating ka na”. Sabay kurot niya sa pisngi ko. I kissed her on her cheek bago ako umakyat sa taas. Kumatok muna ako bago pumasok sa study room ni daddy kalapit lang yon ng kwarto nila. Toktoktok “Come in!” tugon niya. dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at pumasok. “ Hi dad! ” may kausap siya sa phone at nilingon niya ako. “ I’ll call you later “ sambit niya sa kausap sa phone at pinutol agad ang usapan. “Hey son! Finally you’re here.” Sabay yakap niya sa akin. “Mabuti naman at andito ka na ulit. How’s life in England?” habang akay niya ako papunta sa couch sa loob ng kwarto. “Ok lang dad. Na-miss ko lang kayo ni mommy” I studied in england for four years with my Bestfriend Isabelle Ocampo and Michelle Kho. Anak ng Kumpare ni Daddy at Business Partner. “ By the way Hijo, how was Belle? Matagal na rin siyang hindi umuuwi dito sa pilipinas. I wonder kung paano natitiis ng parents niyang hindi siya makita” tanong ni daddy habang nakaupo sa harapan ko. “She’s fine dad, mukhang meron atang ayaw makita si belle dito. besides lagi naman tumatawag si Belle sa parents niya. minsan nga ay nagtatampo na rin sina tito David.” Nakangiting sabi ko. “But i heard tito david and tita Patty is going to England next month to visit belle.” Dugtong ko. “What about Michelle? Are you two in a relationship now?” dad asked while smiling. Dad wants michelle for me but i don’t want her. “ No dad. We’re just friends” tipid kong sagot. “By the way dad. Is Alex still managing the Queens Real State?” pag-iiba ko. “Yes. Bakit mo natanong?” curious na nakataingin si daddy sa akin. “I want to buy a land dad through Queens” Bago pa man makapagsalita si daddy ulit at biglang kumatok naman si mommy. “Lunch is ready” nakangiting bungad ni mommy. Tumayo naman kami agad ni daddy at sabay-sabay na kaming bumaba at tumungo sa Dining area. Tahimik lang kaming kumain. While serving the desserts bigla naman nagsalita si daddy. “Anak, since andito ka na. I want you to run the RC Corp. masyado na akong matanda para patakbuhin pa iyon. Isa pa the company needs a new generation. Marami na rin mga anumalyang nangyayari sa company.” Napatingin naman ako kay daddy at tumango. “Yes dad! ” huminto naman si daddy sa pagkain at ipinatong ang dalawang siko sa lamesa at nilagay sa baba. “ We will have an shareholders meeting nextweek. there, I will be announcing you as the new President”. Tumingin lang ako kay daddy at tipid na ngiti. Well, do i have a choice? Saka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko. Kinabukasan habang nag-aalmusal kasama sina mom and dad ay dumating naman si Tito Diego at ang Pinsan kong si Alex. “Good morning everyone” bungad ni Alex na agad humalik kay mommy. “Hey cousin, how was england?” sabay akbay sa balikat ko at bumulong..”How’s Mich?” tiningnan ko lang siya at umiling. Well, Alex knows since we were kids that Michelle likes me. “kamusta kuya?” bati ni tito Diego kay dad habang nagbeso naman ito kay mommy. Iniwan din namin sila daddy at tito diego para makapag-usap. Si mommy naman ay nagpunta sa Garden niya. diniligan ang mga alaga n’yang orchids. Habang kami naman ni Alex ay pumunta sa Balkonahe. “Kamusta ang buhay sa england?” panimulang tanong ni alex. “It’s fine” tipid kong sagot. Pagak naman itong tumawa. “hindi ka pa rin nagbabago, hanggang ngayon isang tanong, isang sagot ka pa rin” pailing-iling niyang sabi. “ I heard sa hacienda ka sa cebu dumiretso bago umuwi dito. Any Progress?..” nilingon ko naman siya. “Wala pa rin..” sagot ko habang nakatingin ako sa malayo. “It’s been so many years, why don’t you just forget it”. Naniningkit na mata niyang sabi. Nilingon ko lang siya saglit at hindi na ako nagsalita. “Lance.. don’t waste your time waiting for nothing. I mean paano kung ang hinihintay mo pala ay may sarili nang pamilya. O kung buhay pa ba o patay na siya. 10 yrs.na simula nung una at huli mo siyang nakita..” tumahimik lang ako but Alex is right. Paano nga kung tama nga si alex. Wala na rin akong balita sa kanya. Hindi ko na rin siya ulit nakita simula no’n. ”Why don’t you find someone? Ibaling mo sa iba ang atensyon mo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sawalang kasiguraduhan Lance” tinapik naman ni alex ang shoulder ko habang nakangiti at iniwan ako sa balkonahe. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin sila tito Diego and Alex. Makalipas ang isang linggo ay maaga kaming naghanda ni dad para sa shareholders meeting.