Pagkatapos ayusin ni Janine ang kanyang gamit at ang kanyang sarili ay Lumabas na siya agad sa bahay dala ang kanyang maliit na travelling bag. Isang linggo lang naman ang leave niya kaya kaunti lang din ang dinala niya. Isa pa may mga damit pa naman siya sa kanilang bahay. Pagkalabas niya sa building ay sinalubong agad siya ng isang matandang lalake na nakangiti. “Kayo po ba si Mam Janine?” tanong nito at ngumiti naman siya. “Opo, ako nga po.” Sagot niya. “Naku, ang ganda niyo naman po pala mam. Ako nga po pala si Bert, driver ako ni Sir Lance.” Tugon naman ng matanda at tinanguhan naman siya ni Janine. “Magandang Araw po Mang Bert. Pasensya na po kayo sa abala.” “Naku, hindi naman po kayo nakakaabala at utos po sa akin ni Sir lance na hinatid kayo ng ligtas sa bahay niyo. Akin na po ang

