Tinitigan naman ni Bastian ang dalaga. Halata namang malaki ang gusto nito sa kanya ngunit nagpapakipot pa ito. "Pag-isipan mo na ng mabuti, Shane. Kapag may gusto ka naman lang sa akin ay bakit hindi mo pa ako sasagutin? matagal nang wala si Faye sa buhay ko. At dalawang taon na siyang kasal sa anak ng mga Ellison. So, ano pang tinatagal mo?" tanong naman ni Bastian rito. "Hindi ka ba talaga makapaghintay, Mr. Delgado?" nakangiti nang wika ni Shane rito. "Baka kasi ay maiinip ako, kaya kung gusto mo man lang ako ay sagutin mo nalang ako." seryoso namang wika ni Bastian rito. "Tanungin mo na kita, bakit mo ako nagustohan, Mr. Delgado? alam kong may mga nagpapapansin sa'yo pero natuwa akong ako talaga ang napili mong ligawan. Anong meron ako na wala sila?" di na napigilang tanong ng d

