" Naku, paano na 'to Eliana? pinapauwi ka na sa bundok ni Sir Bastian." nag-alalang wika ni Aling Norma sabay napakamot sa ulo nito.
" Naku po, iyon pala ang ibig sabihin ni Sir Bastian? pauuwiin niya pala ako ng bundok?" nakangiwing wika niya.
"Don't worry, Norma, hindi pweding pauuwiin ng anak ko si Yaya Eliana. Naiintindihan ko siya. At ikaw, Yaya Eliana, h'wag kanang magtimpla ng kape sa anak ko. Ang trabaho mo dito ay pag-aalaga lang sa apo ko at wala nang iba." ang sabi ni madam Conchita sa kanya.
Nagbaba naman siya ng tingin dahil di niya kayang titingin kay madam Conchita.
" Opo, madam. P-pero galit na po sa akin si Sir Bastian. Pauuwiin na pala niya ako." nag-alalang wika niya.
" Kakausapin ko lang muli ang anak ko." sabi ni madam Conchita.
"Tinawag mo nalang sana ako kanina, Eliana, para ako ang magtimpla ng kape ni Sir. Bakit ba kasi nag offer ka na ikaw magtimpla." wika naman ni Aling Norma sa kanya.
" Sorry po talaga, Tiyang. Di na mauulit." ang sagot naman niya kay aling Norma.
" Sige na po, yaya. Kuwentuhan mo ulit ako kung ano pa ang nalalaman niyo sa mga laro na kakaiba. Don't mind Daddy, yaya." singit pa ng bata habang nag-almusal ito.
" Oh, wow. Gusto mo na ba ang new yaya mo, baby?" tanong naman ni madam Conchita.
At napangiti naman si Aling Norma kay Eliana. Dahil natuwa ito nang marinig na gusto ng bata na makipagkuwentuhan sa kanya.
" Yes, grandmy! I like her na po!" masayang tugon ng bata.
" That's good, baby! dapat lang talaga dahil new yaya mo siya. Look, halatang maganda naman ang new yaya mo kahit sunog sa araw ang balat at mabait din. Speak tagalog lang kapag mag-usap kayo, okay? di kasi siya makaintindi ng English." sabi naman ni madam Conchita.
" Mabuti naman at nagustohan kaagad
ng bata." mahina at nakangiting wika ni Aling Norma kay Eliana.
"Oo nga po, dahil kasi sa kinukwento kong laro sa kanya, tiyang." mahinang sagot din ni Eliana.
" Mabuti pa, kuwentohan mo siya ng mga alamat na nalalaman mo." nakangiting tugon ni Aling Norma.
___
Bumawi naman si Eliana ipinakita niya kay Sir Bastian na mabuti siyang Yaya sa anak nito. Pagkatapos niyang pinaliguan ang bata ay tinali niya ang buhok nito nang matuyo na at kinukwentuhan niya ito ng mga kuwento na kanyang nalalaman. Kaya enjoy naman ang bata sa kanya.
Samantalang
hindi muna nag almusal si Sir Bastian at naligo na muna ito at nagbihis saka mag almusal para magsimula na siyang magtrabaho sa kanyang office room. Nasa bahay lang nila ang kanyang office room. Isa siyang secret billionaire investors at sa sariling bahay lang nagtrabaho. May private office room siya sa loob ng bahay malapit sa basement kaya di na siya nahihirapan pa.
Pagkalipas ng tatlong araw ni Eliana sa mga Delgado ay laking pasalamat niya na na close na niya ang bata. Ngunit ang Daddy nito ay halatang hindi parin siya nagustohan nito. Malalaman niya iyon sa mga tingin ni Sir Bastian sa kanya. At nag-iingat parin siya dahil kahit close na niya ang bata ay natatakot parin siya sa loob ng malaking bahay baka magkakamali na naman siya, ignorante parin siya sa loob.
At sa umaga iyon ay ikatlong araw na niya sa mga Delgado. Nakasanayan na ni Eliana ang kanyang mga obligasyon sa kanyang alaga. Alas singko pa lang ay naligo na siya at nagbihis.
Sa muli ay iginiya parin siya ni Aling Norma sa kanyang lulutuin para sa almusal ng kanyang alaga. Ipinakita nito sa kanya kung paano nito niluto ang isang Jumbo Hotdog para kay Barbie.
"Tiyang, ano itong niluto natin?" takang tanong pa niya dahil di niya pa kilala ang hotdog. Mula pagkabata niya ay ngayon pa siya nakakita ng Hotdog. Sa bundok kasi nila ay gulay, isda, karne, daing at bagoong lang ang kanilang inuulam. Pero itong nga ganitong nakikita niya ngayon ay di niya kilala.
"Ito yung Hotdog, Eliana." sagot naman ni Aling Norma.
" Halahh! ang gara ng pangalan "Hotdog". Naiintindihan ko po ang ibig sabihin ng Hotdog, Tiyang Norma. Meron din namang mga English na naiintindihan ko tulad ng chicken, manok yarrn sa English! ang baboy ay pig yan, tiyang! ang eyes naman ay mata!" sabi naman niya.
Napakamot sa ulo na naman si aling Norma.
"Buti nalang at meron kapang naiintindihan at nalalaman kunti." sagot naman ni Aling Norma sabay hain nito sa hotdog at nilagay sa munting plato.
" At... at itong niluto natin na hotdog ay mainit na aso ito, Diba tiyang? jusko! bakit ginawang pagkain ang aso dito, tiyang? bakit ginawa nilang hotdog ang aso. Bahala na kung mag-uulam ako ng bagoong, h'wag lang itong hotdog!" aniyang diring-diri.
Napatingin naman si Aling Norma sa kanya at nakapamaywang.
" Tumigil ka nga, Eliana. Anong mainit na aso ang pinagsasabi mo? hindi porke't hotdog ang pangalan gawin mo nang literal ang pagkakaintindi. Hindi ito aso. Hay naku." nakatikwas ang kilay na wika ni aling Norma sa kanya.
Hindi nila alam na kanina lang na nasa likuran nila si Sir Bastian at maaga din itong bumangon.
" Good morning, Manang. Kape please." biglang sabi ni Sir Bastian sa kanilang likuran.
Sabay naman silang napalingon sa amo. Nasalubong agad ni Eliana ang mga tingin ni Sir Bastian sa kanya at nakita niyang nagsalubong na naman ang kilay nito.
"Ay good morning din, Sir." tugon ni Aling Norma.
" G-good morning din po, Sir Bastian." nahiya pa n'yang bati rito.
"What happened? sinumpong ka na naman ba, yaya Eliana? pinahirapan mo talaga si Manang Norma sa pagpapaintindi
sa'yo." sabi nitong naupo roon.
"Sensya na po, Sir. Akala ko po aso itong hotdog. Bakit kasi may dog ang pangalan." hiyang-hiya na wika niya at nagbaba ng tingin.
Nagmamadali na siyang nagtimpla ng gatas sa kanyang alaga. Kumuha na siya ng dalawang sandwich at nilagay sa plato na may hotdog at pagkatapos ay nilagay na lahat sa tray.
Hindi na siya tumitingin pa sa among lalaki at tumalikod na s'ya para ihatid na ang almusal ni Barbie. Sinundan naman siya ng tingin ni Sir Bastian na hindi niya alam.
" Heto na po, Sir." wika ni Aling Norma na isenerve na rito ang isang tasang kape.
" Thank you, manang. Manang, i-guide mo pa ng i-guide ang kinuhang yaya mo ha, at patuloy mo siyang tuturuan sa mga di niya alam." wika ni Sir Bastian kay aling Norma.
" Ahh, oo naman, Sir. Matuto din yan." sagot naman ni Aling Norma sa amo.
___
Pagkatapos na pinakain ni Eliana ang kanyang alaga ay pinaliguan na agad niya ito at binihisan.
" Yaya! laro na tayo, please! sabi mo noong isang araw diba na maglaro tayo ng tagu-taguan?" masayang wika ng bata sa kanya
"Oh sige, saan tayo maglaro?" tanong naman niya sa bata.
" Sa basement po, yaya! maganda po doon!" masayang tugon nito.
" Ahh oh, sige." tugon naman niya.
Sinunod nalang niya ang bata kung saan ito pupunta. Pagkarating nila doon ay may maganda nga roon sa basement at maganda para sa paglalaro nila ng bata. May mga laruan din doon.
" Sige, ako ang taya ha, magtago ka na." nakangiting utos niya sa bata.
" Yes po, yaya! ang saya!"
Pumikit na siya para magtago na ang bata. Madali lang naman niya makikita ang kanyang alaga kapag magtago ito. At tawang-tawa naman ito kapag makita niya ito.
" Yaya! ako na naman ang taya, please!!" sabi nito sa kanya.
"Naku, di pwde. Ako nalang ang taya lagi, di ka pwde maging taya ." sabi niya rito.
" Okay po, basta galingan niyo po lagi, yaya ha. Wait, may maskara pala dito yaya, maskara ng pusa. Nakakatawang isipin na hahanapin ako ng malaking pusa!" nakangiting wika ng bata para itong nayanggaw agad sa taguan nila, ngayon pa kasi ito nakaranas ng gano'ng laro.
Kinuha naman nito agad ang laruang maskara ng isang orange na pusa.
"Ang cute naman ng laruan mong ito." sabi naman niya sa alaga.
"Yes po, yaya. Isuot mo na at pumikit ka muna para magtago ako!" anito sa kanya.
"Okay, magbilang ako ng sampo ha." sabi niya at pumikit naman siya at nagbilang ng sampo.
Pagdilat niya ay tahimik na ang paligid. Nakatago na ang bata. Isinuot naman niya agad ang maskara ng pusa.
" Meooww!! Meooww!!" tinig pa niya na ginaya ang pusa.
Ngunit kinabahan siya nang lumipas nalang ang ilang segundos ay di niya mkita ang kanyang alaga.
" Naku, nasaan na ang batang yun? Barbie!! meooww! hinanap ka na ng orange na pusa!" sabi pa niya na patuloy na pinaghahanap ang alaga. Hangga't napansin niya ang isang silid na nakaawang lang ang pintuan. Kaya unti-unti siyang lumapit doon at sinilip ang loob ng kuwarto.
Walang tao sa loob ngunit maraming mga gamit roon na halatang mga mamahalin at alagang-alaga at laging nililinisan. Naisip niyang baka nagtatago sa mga sulok doon si Barbie kaya maingat siyang pumasok.
" Meoww!! baby barbie. Nasaan ka na?" sambit niyang muli at tawag rito.
Paglingon naman niya sa isang sulok ay nakita niya ang malaking salamin pati na ang kanyang sarili na nakamaskara ng pusa. Natatawa naman siya sa kanyang sarili na mukha talaga siyang pusa.
"Barbie! lumabas ka na, tingnan mo, sasayaw si Yaya dito sa harap ng malaking salamin ang ganda tingnan, ang laki ng salamin dito!" sabi pa niya sa bata.
Gumiling-giling naman siya sa harap ng malaking salamin habang nakasuot ng maskara at kumakanta ng dayang dayang na siyang laging music sa bundok nila.
At nagulat nalang siya nang may biglang pumasok sa loob. Sabay silang napasigaw nang makita nila ang isa't isa sa pumasok. Si Sir Bastian iyon! gulat na gulat ito nang maabutan siya sa loob na gumiling-giling sa harap ng malaking salamin habang nakasuot ng maskara ng pusa.
"S-sino ka!? ikaw ba yan, yaya Eliana!?" namumula ang mukhang tanong nito sa galit.
At mabilis itong lumapit sa kanya at galit na hinuklas ang maskara niyang pusa. At mas lalong nanlaki ang mga mata nito nang malamang siya nga ang nakamaskara.
" Oh my goodness!! anong ginawa mo dito!?"
"Jusko, mga langit! bakit nandito po kayo Sir!? naglalaro lang po kami ng taguan ng anak niyo!" aniyang napayakap na naman sa sarili dahil sa takot niya nang makitang galit na galit ang mukha nito.
" F*ckk!! this is my office room!!"
" Naku po, sir! patawarin niyo po ako, hinanap ko ang alaga ko! nakabukas na ang pinto dito kaya pumasok ako dahil akala ko ay nandito si Barbie!" aniyang nanginginig sa takot.
Galit nitong sinaklit ang kanyang braso.
"Alam mo ba? inis na inis na talaga ako sa'yo, yaya Eliana!!" Singhal nito sa kanya habang mahigpit siya nitong hinawakan.
" Sorry po talaga, sir!!"
" Office room ko ito! at dito ako nagtatrabaho sa sariling office room ko! may mga mahalagang gamit dito! tapos basta mo nalang papasukin!?" galit na sigaw nito sa kanya.
" Daddy, sorry po! ako ang nagbukas dito! dito ako nagtago sa loob!" biglang lumabas sa kinatataguan na sabi ni Barbie sa ama.