Pag-uwi ni Eliana sa malaking mansyon nila, agad siyang sinalubong ng kanyang half-brother na si Craige na nakatayo sa harap ng mahabang hagdan. Nakikita niya at napapansin ang kakaibang tingin nito sa kanya. May galit din ang ekspresyon ng mukha nito — kitang-kita na naiinggit ito sa katayuan ng kanyang kapatid na si Eliana. "Good afternoon, kuya!" unang bati niya rito at dedma ang mga masamang tingin nito sa kanya. "Eliana, andito ka na pala. Ang bilis mong umuwi — Guess you're back from Daddy Welhim's office again to say you're his best child? What a suck-up love child." sabi ni Craige na hindi na talaga mapigilan nito ang pagkainggit sa kanya. Napahinto naman siya sa sinabi ng kanyang half-brother. Sa unang pagkakataon ay ngayon pa niya narinig na nagsalita ng ganon sa kanya ang ka

