Pagkatapos ng matagal na party para kay Mrs. Salvador, ay di na nakitang muli ni Barbie si Eliana ngunit masayang umuwi ito sa kanilang bahay sa Taguig. Sinundo siya ng ama at nagtaka pa si Bastian na masaya ang kanyang dalagitang anak nang sunduin nito ang anak. "Sobrang nag enjoy kaba sa party, anak?" tanong pa ni Bastian sa anak. "Mamaya na po, dad, pagdating natin sa bahay, may sasabihin po ako sainyo at ikukwento!" masayang tugon ni Barbie na may malapad na ngiti. Pagdating nila sa bahay nila sa Taguig ay bumaba agad silang mag-ama ng sasakyan. Parang nacurious din si Bastian kung ano ang nakapagpangiti at biglang pagpaganda ng araw nito. Pagpasok nila sa malaking bahay nila ay napansin naman agad ni aling Norma ang mga magagandang ngiti ng dalagitang anak ng Sir Bastian

