KABANATA 1

1790 Words
Maganda ang buhay sa probinsya, lalo na sa bahaging kabukiran. Lalo na ang malamig at fresh na hangin. Pati mga pagkain ay fresh din lahat tulad ng gulay, karne, isda at prutas. Ngunit kahit kahit walang gutom sa bukid at maganda ang tanawin, masagana sa pagkain, lalo na sa bigas dahil maraming kasing taniman ng palay ay mahirap naman sa edukasyon para sa mga kabataan. Lalo na't ilang kilometro ang lalakbayin bago makarating sa paaralan. Kaya dahilan na walang pinag-aralan si Eliana. Nasa ikawalong bundok kasi ang kanilang tinitirhan at sila'y malapit na sa malaking kagubatan. Ni hindi man lang nakatapak ng siyudad si Eliana at lumaki lang siya sa kanilang bukid na tanging kabundukan, kagubatan at palayan lang ang nakikita araw-araw. Maganda si Eliana ngunit di marunong mag-ayos ng sarili. Masigla at masayahin. Subalit wala siyang pinag aralan pati na ang kanyang dalawang kapatid na lalaki dahil sa layo ng paaralan. Kontento na sana siya sa buhay sa bukid hanggang sa pagtanda niya na doon nalang mamalagi. Subalit isang araw habang nag harvest sila ng mga kamoteng kahoy ng kanyang Inay at itay ay biglang dumating si Aling Norma doon. "Ang dami naman! pabili ako, mareng Marietta at pareng Tonio!" ang sabi nito. Sabay naman sila napatingin kay Aling Norma. Nagtatrabaho ito bilang katulong sa Maynila at bawat dalawang taon ay umuuwi ito sa kanilang bukid. Hindi naman nila ito kapit-bahay. Malapit ang bahay nito sa Barangay proper. " Oh, Norma! napaakyat ka dito sa ibabaw, sa bukid namin. Ang layo dito. Sino kasama mo?" tanong ng kanyang inang si Marietta rito. Habang siya'y napatingin din sa bagong dating. Halatang galing sa siyudad si Aling Norma dahil bukod sa maputi ito ay mataba din ito. Ang pagkakaalam ni Eliana ay magkaibigan ang kanyang Ina at si Aling Norma noong mga dalaga pa at magkasama dati ang mga itong nagtatrabaho sa Maynila. Minsan na kasi naikuwento sa kanyang ina ang tungkol rito. Pero simula nang magbuntis ang kanyang Ina sa kanya ay hindi na ito bumalik pa sa trabaho. " Sino pa, idi si kumpare niyo. Nakasunod siya sa akin. Masyado lang akong excited kaya nauna ako sa kanya. May kalabaw at kalesa naman kaming dala para sa isang sakong kamoteng kahoy naming bilhin. Namimiss ko nang kumain nito, mare. Bahala na't malayo, sinikapan talaga naming umakyat dito sa bundok niyo." ang tugon naman ni Aling Norma. "Bigyan mo nalang si kumare at kumpare ng kamoteng kahoy, Marietta. H'wag mo nang pabayaran. Ang dami naman dito. Di nga natin ito madaling maharvest." ang sabi naman ni Mang Tonio. "Ay oo naman." tugon ni aling Marietta sa asawa. " Naku, salamat naman kung gano'n." natuwang wika ni Aling Norma. Napatingin naman kay Eliana si Aling Norma. " Ito na si Eliana?" tanong pa nito kaya napatingin naman si Eliana rito. " Ay oo kumare. Dalaga na si Eliana." ang tugon naman ng kanyang ina. " Magandang hapon po." bati na galang pa ni Eliana rito. "Magandang hapon naman, Eliana. Magandang bata, pero kailangan lang mag-ayos." komento agad nito sa kanya na ikinatahimik naman niya agad. "Maliit pa itong anak mo noong huli ko'ng nakita itong lumuwas ng lungsod. Paano kasi ay dito lang sa liblib itong anak mo kaya nagulat nalang ako na malaki na pala itong si Eliana, ang panganay mo." dagdag pa na sabi ni Aling Norma. " Mabilis lang talaga ang panahon, Mare. Kailan lang pinagbubuntis ko pa siya." nakangiting tugon ni Aling Marietta. "Pero Mare, Pare, naghahanap ng yaya ang amo ko. May apo kasi ito, anak ng kanyang panganay na anak. At hiwalay sa asawa. Kaya naghahanap sila ng yaya. Yung bata pa sana tulad ni Eliana ang hinahanap na yaya nila at dapat ay kakilala ko lang daw. Kaya umuwi ako rito para maghanap ng yaya dito sa atin. Itong anak mong si Eliana ay pweding-pwedi itong sumama sa akin sa Maynila!" ang sabi ni Aling Norma. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Po? naku, nakakatakot po. Dito nalang po ako sa bundok namin." tugon naman ni Eliana rito. "Hindi sanay ang anak ko sa siyudad, kumare. Kahit nga sa lungsod ay bihira lang yang luluwas. Baka mapahiya ka lang sa anak ko. At saka Eighteen pa si Eliana, walang experience sa pagtatrabaho sa siyudad. Pero sa pag-aalaga ng bata ay sanay naman ito dahil ito naman ang katuwang ko sa pag-aalaga mula noon sa kanyang dalawang kapatid na lalaki. Yun nga lang, hindi siya sanay na pupunta sa siyudad at titira sa ibang tao." mahabang wika ni Aling Marietta. "Nandito naman ako, hindi ko pababayaan ang anak niyo. Kawawa naman ang anak niyo na tatanda lang na walang experience at hanggang dito lang sa bundok. Dalaga na tapos hanggang gubat lang ang kanyang puntahan. Subukan mo kaya Eliana. Magkakapera ka pa, makakatulong ka sa mga magulang mo at mga kapatid. At... mas gaganda at puputi ka pa doon. At higit sa lahat, mabibili mo na kung anong gusto mo sa sarili mo." ang sabi ni Aling Norma. " Pero-" ani Marietta na di naituloy. " Ano ka ba naman, Marietta. Panahon na rin na makakatulong din sa atin 'yang anak mo. Ipadala mo na 'yan sa siyudad para makatulong din sa atin 'yan." sabad naman ni Mang Tonio. Napatingin naman si Aling Marietta sa asawa. Hindi ito nag-alala para kay Eliana dahil di naman kasi ito ang tunay na ama ng kanyang panganay na anak. Anak niya si Eliana sa unang lalaki sa buhay niya. Parang biglang nagkainteres naman si Eliana sa narinig mula kay Aling Norma. " Maganda po ba ang siyudad, Aling Norma?" interesado na niyang tanong rito. Tama ito, bakit di kaya niya subukan magtrabaho sa siyudad? magkakapera pa siya at mabibili niya ang kanyang gustong bilhin. Napatingin siya sa kanyang sarili. Isang mapusyaw na kulay dilaw ang kanyang suot at halos wala nga siyang bagong mga damit. Lagi din siyang pinag-iinitan ng kanyang amain. At siya ang dahilan sa minsang pag-aaway ng kanyang Ina at ng kanyang kinilalang tatay Tonio. " Naku, siyempre! maganda ang siyudad, Eliana ! at maraming pera doon kapag magtatrabaho ka. Makikita mo pa ang mga malalaking gusali at makakapasyal ka pa sa mga malalaking mall doon. Ano? willing ka ba na sasama sa akin at ikaw nalang ang kukunin ko'ng yaya ng bata sa amo ko?" tanong ni Aling Norma. " Opo, Aling Norma! s-susubukan ko po. Basta, h'wag niyo lang akong pabayaan doon at turuan mo nalang ako kapag may di ako nalalaman." aniyang biglang naging desidido. " Pero anak— mag-aalala ako sa'yo." napatulo ang luha na wika ni Aling Marietta. " Ano ka ba naman, Marietta. Dalaga na yang anak mo. Hayaan mo rin siya. Mula pagkabata ay ikinulong mo lang yata yang anak mo dito sa bundok." galit na wika ni Mang Tonio. " H'wag kang mag-alala, Marietta. Hindi ko naman pabayaan ang anak mo. Iisang amo lang kami." ang sabing muli ni Aling Norma. ____ Walang nagawa si Aling Marietta kundi ang pumayag nalang. Kaya sumama talaga si Eliana kay aling Norma sa Maynila. Sa barko palang sila ay di na mapalagay si Eliana sa kanyang mga nakikita sa loob ng Barko. " Grabe! ang laki ng bangka na 'to! Aling Norma! yung bangka namin sa ilog ay ang liit-liit lang! pero itong sinakyan nating bangka ay ang daming nakasakay ngayon, ang daming tao!" sabi pa ni Eliana. " Naku, hinaan mo ang boses mo, Eliana. Daming nakatingin sa'yo oh. Nakakahiya, Hindi ito bangka, kundi barko ito." bulong ni Aling Norma sa kanya. " Bakit naman ako mahihiya, Aling Norma? ang sabi ni Inay sa akin ay h'wag daw akong mahihiya para di ako halatang taga bundok. Kaya sinunod ko lang si Inay." katwiran pa niya rito. " Pero—" " Sandali, aling Norma! doon muna ako, manood at magmasid muna ako sa karagatan!" paalam niya rito at kumaripas agad ng takbo papunta sa porthole. Napailing si Aling Norma at tila ito ang napapahiya sa pagkaripas ng takbo ni Eliana kahit may maraming pasahero. Napansin ni Aling Norma na nagtawanan ang iba at nakasunod ng tingin kay Eliana. Pati siya ay tiningnan din ng mga tao dahil kasama niya si Eliana. Maya-maya'y bumalik naman si Eliana na pasipol-sipol pa. Bigla kasing na eexcite s'ya na tatapak na ng Maynila. Imbis na malungkot s'ya dahil malayo na siya sa kanyang Ina at mga kapatid ay hindi siya nagpapadala. Yun kasi ang sinabi ng kanyang Ina na h'wag siyang malungkot. " Oh ano? nag enjoy kabang pagmasdan ang karagatan sa porthole?" tanong naman sa kanya ni aling Norma. " Opo, aling Norma. Grabe ang ganda. Sa buong buhay ko ay ngayon pa talaga ako nakalabas sa bundok namin at nakakita ng mga ganito." aniya rito. " Kaya nga dapat ka rin na papasyal at magtrabaho para may experience ka din. 'Di ka'y hanggang bundok ka nalang." anito sa kanya. "Ay siya nga pala, Aling Norma. Mabait lang ba ang mga amo natin?" tanong niya rito na di pa man ay kinabahan na. "Mabait lang naman ang matandang babae na amo natin. Si sir Bastian lang ang minsan masungit. At siya ang ama ng batang babantayan mo. Medyo masungit siya at ngayon ay mas lalo pang naging masungit nang maghiwalay sila ng kanyang asawa. Pero h'wag kang mag-alala, nandito naman ako. Di naman masamang tao si Sir." ang sabi nito sa kanya. Kaya nakahinga naman s'ya ng maluwag. " Gano'n po ba, Aling Norma? salamat po. Snacks muna tayo, aling Norma, may baon ako ditong sitserya, binili ko kanina nang di pa tayo nakasakay ng barko." masiglang wika niya at kampanteng kinuha ang kanyang sitseryang sinasabi. Kaagad niyang binuksan iyon at kinagat ng malaki ang laman niyon na super crunchy pa. " Uhhmm.. sarap ng sitseryang ito, malinamnam!" sabi pa niya na muling kumagat. Nanlaki naman ang mga mata ni Aling Norma na nakatingin sa kanyang kinain at ang malapit sa kanilang Bed na mga pasahero ay nagtawanan na nakatingin sa kanya. " Naku, Eliana!" gulat na wika ni aling Norma at mabilis na kinuha ang kanyang kinain kaya nagtaka naman s'ya. "Bakit po, Aling Norma?" nagtataka namang tanong niya. "Eliana, hindi ito sitserya, noodles ito. Chicken noodles. Tingnan mo may timpla. " bulong sa kanya ni Aling Norma. " Po? eh di ko po alam. Di naman bumibili si Inay nito sa tuwing mamalengke siya." aniya. Naisip naman ni Aling Norma na di kumakain ng noodles mula noon ang kaibigang si Marietta. " Dahil mula pa noon ay hate niyang kainin itong noodles. Ayan tuloy, di mo kilala kaya ginawa mo nang sitserya. Nasa bundok ka lang kasi nanatili. Itago mo na ito, tingnan mo, pinagtawan ka tuloy sa paligid." napailing na wika ni Aling Norma kaya siya naman ay hiyang-hiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD