Nang makapagpahinga na siya saglit ay muli nang lumabas si Eliana sa kanyang maliit na kwarto, at nagpunta sa kusina upang magluto na sa kanyang mga dapat lutuin. Hinanda na niya ang kanyang mga lamas pansahog para sa kanyang adobo at paksiw. Napangiti pa siya nang makitang di na siya maglinis pa ng isda dahil nilinisan na pala ito ng kanyang dalawang kapatid. Nilagay nalang niya ito sa malinis na kaldero at kaagad na hiniwaan ng mga lamas at tinimplahan. Nang maisalang na niya ang paksiw niya ay saka niya binalingan ang karne at hiniwa na rin iyon. Naaliw naman siya sa kanyang ginagawa sa pagluluto. Matapos itong maluto lahat ay kakain nalang agad sila dahil may sinaing na rin pala ang kanyang ina. Masarap naman sa bundok manirahan kapag may pera ka lang talaga sa pamamalengke par

