Hindi na siya naka tanggi pa kay Sir Bastian. Umaasa siyang pakasalan talaga siya nito. Sumama na siya sa kwarto nito at doon na matulog katabi nito. Pagkarating nila sa loob ng kuwarto nito ay di naman niya naiiwasang makadama ng hiya dahil hihiga siya sa kama kasama sa kanyang amo. " Thank you, Eliana, na pumayag ka na dito ka ngayon matulog sa kwarto ko, sa tabi ko." wika nito sa kanya na hinubad na nito ang suot na Shorts nitong pambahay at tanging itinira nito ay ang boxer short nitong suot habang siya naman nakamasid lang nito. Naiilang naman siya at hindi maging madali para sa kanya ang lahat na masanay sa ganitong sitwasyon. Para bang ang bilis ng lahat, parang kailan lang at ito agad ang nangyari. Mahigit isang taon pa siya rito sa mga Delgado at mahigit isang taon pa niyang

