Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi ng kanyang ina. Sa tagal na panahon ay ngayon pa talaga ito unang nagkuwento tungkol sa kanyang tunay na ama, ngayong wala na ang kanyang amaing si tatay Tonio. At ngayon lang din niya nalalamang dating amo pala nito ang kanyang tunay na ama. "A-anong sinasabi niyo, nay? h-hahanapin ko ang aking ama at siya ay dati niyong amo?" namanghang tanong niya rito, gusto niyang ulitin ng kanyang ina ang sinabi nito upang marinig niyang muli at malinaw sa kanya ang sinabi nito. Di pa nga muling nakapagsalita ang kanyang ina ay lumakas na ang t***k ng kanyang puso. Tila ba bigla siyang nagkaroon agad ng kunting liwanag ng pag-asa sa kanyang buhay. Muli itong umiyak sa kanyang harap, hindi tuloy sila nakapagsimulang kumain. "Oo anak, dati kong amo ang iy

