Umilag siya sa mga halik nito ngunit kahit anong pag-ilag na gawin niya ay hindi niya matatakasan ang mapagparusang mga halik nito ngayon. Kay Sir Bastian lang niya naramdaman ang ganito. Ito lang ang nagturo at nagparamdam ng ganito sa kanya. Natukso naman siyang tugunin ang mga halik nito ngayon sa kanya. Natutunan niya kung paanong humalik dahil sa pagturo nito sa kanya. Hindi niya namalayang napakapit na pala siya sa batok nito at maalab na niyang tinugon ang matamis na mga halik ng kanyang amo. Sa muli, ay bumaba ang mga halik nito sa kanyang leeg. "Ohh, Eliana... gusto kitang muling angkinin." bulong nito sa kanya. Nagiging malikot na naman ang mga kamay nito sa paghaplos sa kanyang katawan habang patuloy siya nitong hinalikan. "Sir, kwarto po ito ng anak niyo, baka bigla

