" W-wala po, Sir! sige po, hinihintay na po kayo ni baby Barbie." aniya ritong nagbaba ng tingin at di na tumingin sa mga mata nito. "Oh, sige, yaya, susunod na ako." sabi nito sa kanyang di na niya alam kung anong reaksyon ng mukha nito. ____ Hindi muna bumalik si Eliana sa room ng kanyang alaga dahil alam naman niyang ang Daddy nito ang kasama nito. Mamaya na siya babalik kapag lumabas na si Sir Bastian. ____ Sa mansion ng mga Ellison ay laging nagtatalo ang mag-asawang Seniora Rebecca at Senior Welhilm Elisson tungkol sa kanilang nag-iisang anak na si Señorito Craige dahil wala itong ibang ginawa kundi ang magwaldas ng pera at mamasyal kahit saan-saang bansa kasama ng karelasyon nito. Si Don Welhilm Elisson ay isang half Mexican at Filipino. Siya ay isang trillionaire at makap

