"Are you sure, iho? s-siya na talaga ang nais mong pakasalan?" gulat pang tanong ng nagngangalang Tita Melanie kay Sir Bastian, habang siya ay nakayuko lang at hiyang-hiya sa harap ng mga ito. At lahat ng mga mata ng pinsan ni Sir Bastian ay sa kanya lang nakatingin, ang iba ay seryoso, ang iba naman ay lihim na natawa at ang iba ay nainis na nakatitig sa kanya. "Yes, tita at Mommy. Si Yaya Eliana ang nais kong ipakilala sainyo ngayon at siya ang gusto kong pakasalan sa ikalawang pagkakataon ngayong annulled na kami ni Faye." kampanteng wika ni Sebastian sa mga ito. Napatingin naman sa kanya ang kanyang alaga. "Totoo po ba, Yaya? kayo na po ni Daddy at magpapakasal po kayo?" nangislap ang mga matang tanong sa kanya ng kanyang alaga. Napilitan naman siyang tingnan sa tabi ang kanya

