KABANATA 7

1556 Words
Pagbalik naman ni Eliana sa amo ay nakatayo na siya sa harap nito habang ito'y humigop ng kape nito. "Isang buwan ka na, Yaya. At nakapasa ka na para sa akin. Vibes na kayo ng anak ko at nakita ko rin na maalaga ka nga sa kanya. Iniintindi nalang namin ni Mommy ang pagka inosente mo." sabi nito sa kanya na muli siya nitong tinitigan. " S-salamat po talaga, Sir. Akala ko po ay di kayo makakatiis sa akin at mapapauwi niyo talaga ako sa bundok namin. Ginawa ko naman po ang lahat at nag-iingat na talaga ako." sagot pa niya rito. "Yeah. At sana ay tuloyan ka nang matuto sa lahat ng bagay dito sa bahay at pati na labas. At anong ambisyon mo dito sa siyudad, Yaya Eliana? bata ka pa kaya dapat may ambisyon ka talaga sa buhay at... at maganda ka rin." sabi nito sa kanya. Para namang ibinitay saglit ang kaluluwa niya nang sabihin nitong maganda daw siya. " Ayeeh, h'wag ako, sir." bigla pa niyang sambit na di niya napigilan. " Anong sabi mo?" kunot-noong tanong nito sa kanya. " Ayy wala po, Sir! may naisip lang kasi akong iba kaya di ko na alam kung anong sinambit ko." bawi pa niya rito. Gusto niya tuloy kurutin ang sarili. " Okay, m-may ambisyon ka rin ba sa buhay mo, yaya Eliana?" nakatitig na muling tanong nito sa kanya. Kanina pa talaga niya napapansin ang paghagod ng mga tingin ni Sir Bastian sa kanya. At parang bigla talaga itong bumait sa kanya. Baka good mood lang ito kaya mabait ito ngayon. Walang tupak sa ulo. "Ahh, oo naman, sir." aniya rito. "So, ano ang isa sa mga ambisyon mo dito?" pangungusisa pa nito. " Sabi sa mga naririnig ko doon sa bundok namin, Sir ay the best po daw talaga na makapag-asawa ng apat na 'M' sir. Kaya lang ayoko lang ng gano'n." seryosong sagot naman niya rito. " Apat na M? ano yun?" pangungusisa pa nito sa kanya habang nagsalubong naman ang dalawang kilay habang tinikman nito ang kape nito sa tasa. "Matandang mayaman madaling mamatay daw yun po, sir." agad na sagot niya rito. Halos maibuga naman ni Sir Bastian ang kanyang ininom na kape. " What?? ganyan pala kayong taga bundok. Masamà yan." sabi nito sa kanya. "Oo nga po, Sir eh." sang-ayon naman niya. " Saan mo ba naririnig yan?" usisa pa nito. "Kay Aling Lucia ko po yan naririnig noon, Sir. Ang kapit-bahay namin doon na tsismosa at ambisyosa. Pero kahit mahirap lang po kami ay di naman po ako nangarap ng gano'n." sabi naman niya rito. "Mabuti naman kung gano'n dahil masamà yan, Eliana. Kaya ang ibang mayayaman ay nanghuhusga nalang din sa mga tulad niyo dahil marami talagang ganyan na maghahanap ng matandang mayaman dahil lang sa pera." seryosong wika nito. "Oo nga po, Sir eh." sang-ayon naman niya. " Okay, heto na ang sahod mo at bumili ka muna kung ano ang gusto mo, yung mahalaga na need mo talagang gamitin. First salary mo ay h'wag ka munang magpadala sa pamilya mo bundok niyo. Sa sarili mo muna yan." sabi nito sa kanya na ini-abot ang sampong libo sa kanya. " S-salamat po talaga, Sir! first time ko talagang makahawak ng ganito!" natuwang wika pa n'ya. At napangiti na rin ito sa kanya. Mas lalo naman itong naging gwapo dahil sa mga ngiti nito sa kanya. " Sana all nalang, mukhang mabait na si Sir sa akin!" sigaw pa ng kanyang isipan. _____ Dahil bagong sahod si Eliana ay nagpabili siya ng cellphone kay aling Norma para maka contact agad siya sa kanyang pamilya sa bundok na pinanggalingan. "Ayan, may cellphone ka na, ingatan mo yan. Dito mo pindutin yung camera kung gusto mo mag selfie at dito din ang message. Tapos pag gusto mo ring tumawag ay dito ka rin pumindot." ang turo sa kanya ni Aling Norma. " S-salamat po. Nakakatakot 'to, baka masira ito at masayang yung kalahating sahod na binili ko rito." nag-alala pa niyang sabi. "Ang tinuro ko lang ang pindutin mo at ang iba diyan ay h'wag muna baka mapunta ka sa Setting at ma-lock mo yang cellphone mo. At tandaan mo rin, di yan nagagamit kapag walang signal." ang sabi nito sa kanya. " Ay gano'n po ba, tiyang ? okay po.." sagot naman niya. Kinahapunan ay habang nagmeryenda ang kanyang alaga sa Lobby ay panay naman selfie ni Eliana. Para siyang naninibago at di mapalagay sa kanyang bagong cellphone. " Yaya, hindi ka po ba napapagod sa kaka selfie mo? kanina ka pa diyan eh." pansin sa kanya ng kanyang alagang si Barbie. "Ang ganda kasi ng kuha ko sa picture." sabi pa niyang napangiti. "Ngayon ka pa po ba nakahawak ng phone, Yaya?" tanong pa nito sa kanya. " Oo, Barbie." aniya rito. Nag out naman si Sir Bastian mula sa office room nito at naabutan nito sa Lobby ang anak at si Yaya Eliana. Napansin agad ng amo ang bagong Cellphone ni Eliana nang maabutan niyang panay picture ni Eliana sa mga kagamitan sa Lobby. Pati ang Flower vase sa center table ay kinuhaan pa nito ng picture. Di alam ni Eliana na nakatayo na pala sa bandang likuran niya ang amo habang panay picture niya sa mga gamit roon sa lobby. At pati malaking cabinet di niya pinalampas sa pagpicture. " Over na po yan, yaya pati Cabinet po ay pinicturan niyo." sabi pa ng kanyang alaga. "H'wag maingay, baby! ganda kasi. Ay, teka, may butiki oh! picturan ko muna." aniyang dahan-dahang lumapit sa dingding kung saan nakadikit ang puting butiki. "Ano 'yan, yaya?" isang malaking boses na biglang nagsalita kaya sa gulat niya naman ay bigla siyang napalingon. Si Sir Bastian pala iyon! "Ahh, eh, butiki po, sir! pinicturan ko po!" kaagad naman niyang nakangiting sagot ngunit kinabahan ng kunti. Basta nariyan si Sir Bastian ay di maiiwasang kabahan talaga siya dahil sa striktong mukha nito na mukhang laging galit. Kahit na sabihing medyo mabait na ito sa kanya ay takot parin siyang mapagalitan nito. " Ahh, may new cellphone ka na pala, yaya? pero bakit pati yang butiki ay pinipicturan mo? you look so ignorant, yaya! stop what you're doing." inis na namang wika nito sa kanya. " Hala, pati ba paggamit ko ng new cp ko ay pakikialaman ni Sir Bastian?" tanong pa niya sa kanyang sariling isipan. " O-okay po, Sir." nadismayang tugon naman niya. Naiintindihan niya ito na pinatigil siya at sinaway nito kahit English iyon sa dulo dahil sa salitang 'stop'. "Magkano yan, yaya? baka madaling masira lang yang phone mo. Anong unit ba yan?" seryosong tanong pa nito sa kanya sabay naupo sa tabi ng anak na halatang napagod din galing sa office room nito. " Y-yunit po, Sir?" tanong pa niya ulit rito. Hindi niya kasi alam kung ano ang ibig sabihin ng yunit ng cellphone. " Yes, yunit." sabi ulit nito. "Ahh, ehh, alam ko na! sandali lang po, Sir! tingnan ko po." aniyang nanginginig ang kamay. Tiningnan niya ang screen ng kanyang CP baka may mabasa siyang yunit ng cp. Subalit wala talaga siyang alam kung saan ang yunit na ibig nitong sabihin. Ang nalaman niya lang kay aling Norma ay kung paano mag picture at kung paano magtawag ngunit hindi pa ito nakabanggit ng yunit ng cp sa kanya. Ang alam niya lang ay hindi daw nagagamit ang cp kapag walang signal. " Ahh!! s-sorry po, Sir. Di ko po alam kung anong yunit nito. Wala po akong signal! ang hirap ng signal!" pagdadahilan pa niya. Biglang natawa si Sir Bastian sa kanyang isinagot. At naiiling sabay napahilot sa noo nito. " Bakit po kayo natatawa, Sir?" nagtataka pa niyang tanong. "Ewan ko ba sa'yo, yaya Eliana. Iligpit mo nalang 'tong pinagkainan ng alaga mo at hintayin mo nalang magka signal ka para malaman mo kung anong yunit ng cp mo. Dahil sa butiki yan kung bakit nawala ang signal ng cp mo. Hinigop ng butiki ang signal mo." pagbibirong sabi pa nito sa kanya na nakangiti nang nakatingin sa kanya. "S-sigurado po kayo, Sir? dahil sa b-butiki po?" tanong pa niya rito. Muli itong naiiling. " Yaya, hindi nakadepinde sa signal yan. Never mind nalang, okay?" anito sa kanya. Hiyang-hiya na naman siya at napayukong kinuha ang pinagkainan ng alaga. "O-okay po, Sir." aniya. Habang nagligpit ay bigla namang nagring ang kanyang cellphone at lahat sila nagulat dahil sa lakas ng Ringtone ng kanyang cp parang full volume yata at sinakop ang buong Lobby sa tunog nito. Wala siyang kamalay-malay na full volume pala ang kanyang cp. Sa gulat niya ay naitapon niya ito sa sofa dahil sa lakas ng tunog nito at idagdag pa ang vibrate nito! di naman sinadyang napunta iyon sa kandungan ni Sir Bastian! " Ano ba yan, yaya?" reklamo na ng amo sabay takip sa tainga nito pati na ang kanyang alaga ay napatakip na rin sa tainga. " Patayin niyo po, Sir! patayin niyo po, baka sasabog 'yan!" nanlaki ang mga matang sigaw pa ni Yaya na parang nilalanggam ang mga paa na walang halong biro at bigla pang pinagpawisan sa noo dahil sa gulat nito. "Yaya, ang lakas ng Ringtone mo!" nagalit nang wika ni Sir Bastian sa kanya. " Grabe ka po, yaya! full volume siguro 'yan, Daddy!" sabad naman ng alaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD