KABANATA 9

1561 Words
Nagtaka naman si Eliana kung ano ang ibig sabihin ni Sir Bastian. Hindi niya gets ito. "Ano pong sunod-sunoran, Sir? lagi naman po akong sumusunod sa mga turo niyo tungkol sa pag-aalaga ng anak niyo. Sinunod ko po lahat." sabi pa niya rito. Tinungga muna nito ang natirang wine sa kopita nito bago ito sumagot. At ang mga titig nito'y parang may ibang ibig sabihin. "Maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin, yaya Eliana. Magkano ang kailangan mo?" tanong nito sa kanya. "Ahh, l-limang libo sana, Sir. Kaya lang ang laki na ng utang ko kapag limang libo ang hiramin ko." aniyang di agad nakapag-isip kung magkano nga ba ang kanyang nais hiramin na pera. "Bilisan mo na, pag-iisipan mo na kung magkano para ibibigay ko agad ngayon din." sabi pa nito sa kanya. "T-talaga po? salamat po talaga, Sir. Ahm, apat na libo nalang po, sir." aniya rito. "Are you sure?" tanong nito sa kanya. " O-opo, Sir! apat na libo nalang po." aniya rito. " Okay." anitong kinuha ang wallet nito at humugot roon ng apat na libo at agad na ibinigay sa kanya. "Sa'yo na yan, yaya. Tulong ko nalang yan para sa mga kapatid mo." sabi nito na ikinagulat niya. Totohanin talaga nitong hindi nito ikakaltas sa kanyang sahod ang hihiramin niyang pera ngayon? "N-nakakahiya naman po, sir." sabi naman niya rito. "H'wag kang mahiya. Maliit na halaga lang yan, yaya. K-kung ano pa ang problema mo ay lumapit ka lang sa akin at tutulongan kita, okay?" wika nito sa kanya na ikinapagtataka naman niya dahil tila kakaiba ang mga ngiti nito ngayon sa kanya. "S-salamat po." aniya rito. "S-sige po, baka nagising na 'yung alaga ko, Sir." paalam na sabi niya rito at tatalikod na sana ngunit pinigilanuna siya nito. " Wait." pigil nito sa kanya. Bumaling naman siyang muli sa kanyang amo na kinabahan. "Mamayang gabi, yaya, kapag tulog na ang anak ko, punta ka sa labas sa may pool at samahan mo nalang ako doon habang magpahangin at magmeryenda. Yun nalang ang hilingin ko at di ko na ikakaltas sa sahod mo ang 4k na ibinigay ko sa'yo ngayon. Di naman mahirap ang hiniling ko diba?" wika nito sa kanya. "Ha? naku, gusto ko na matulog sa oras na yun, sir! sarap na itulog yan. Pero okay nalang po, Sir." sabi naman niya na wala talagang malisya sa kanyang isipan. Naisip lang niya na baka may mga i-uutos ito sa oras na iyon. Binigyan nga siya ng 4k pero seserbisyuhan din naman pala niya mamayang gabi. " Okay. H'wag kanang magreklamo. Wala namang masamang mangyari sa'yo. Gusto ko lang talagang may kasama dahil lagi nalang akong nag-iisa tuwing magmeryenda sa labas, boring na. Gusto ko lang lumanghap minsan ng fresh na hangin kapag gabi." seryosong sabi nito sa kanya. " Okay, po, Sir. S-sasamahan ko nalang kayo mamaya. Para kung may i-utos din kayo ay nandiyan lang ako." sabi pa niya rito. "Okay, Yaya." Kaagad naisip ni Eliana na may pinagdaanan nga pala si Sir Bastian dahil iniwan ito ng asawa nito at sumama sa ibang lalaki. Ano pa kaya ang hinahanap ng asawa ni Sir Bastian? bukod sa mayaman naman ito ay makisig din at ang guwapo pa? baka makati lang siguro ang asawa nito kaya di talaga makontento. ____ Kinagabihan nga ay pinatulog na ni Eliana ang kanyang alaga. Mga 8:00 pm na ito nakatulog at paglabas niya ay pumunta muna siya sa kanilang kuwarto ni Aling Norma. Naabutan niyang nakahiga na si Aling Norma upang magpahinga na. "Matulog ka na agad, Eliana. At maaga pa kitang samahan sa palawan upang ihulog ang pera mo na ipapadala mo sa nanay mo. Mabuti nalang at binigyan ka lang ni Sir at di ikakaltas sa sahod mo. Ganyan talaga si Sir, matulongin din yan. Kaya kahit strikto minsan ay okay lang, may mabuting puso naman." mahabang wika agad ni aling Norma sa kanya. "P-pero tiyang, hindi pa ako makakatulog eh. Inaantok na nga ako pag ganitong oras, alam mo na, 5:00 am palang ay gising na tayo kaya antok na antok na talaga kapag 8:00 pm na." sabi naman niya. "Oo nga eh, pero bakit di ka pa makakatulog? matulog ka na." sabi pa nito sa kanya. "Sasamahan ko pa raw si Sir sa labas, tiyang. Sa may pool po, magpapahangin daw siya doon, siguro nando'n na siya ngayon. Naboring na po kasi daw siya na laging walang kasama sa labas sa tuwing nais niyang magpahangin at mag snacks doon." sabi niya niya sabay napahikab pa tanda na antok na talaga siya pero pilit siyang lalabas upang samahan ang kanyang Sir doon. "Naku, naku, sasamahan mo si Sir? yun ang sabi niya?" tanong nito sa kanya na tila nabigla. " Oo, bakit po?" " Eliana ha, paalalahanan kita, mabait yan si Sir, pero lalaki parin yan, at saka gabi na, dalaga ka pa naman at di ka na bata. At saka maganda ka rin. Mag-iingat ka kay Sir. Sobrang inosente mo pa naman." sabi nito sa kanya. Nagtaka naman siyang napatingin kay aling Norma. "B-bakit po, tiyang? ano pong mag-iingat na ibig niyong sabihin?" kinabahan naman niyang tanong rito. "Intindihin mo nalang kung anong ibig kong sabihin, lalaki yang si Sir at babae ka, kaya di ka dapat magbigay kumpyansa ha. Talo ka talaga pag nagkataon, iisipin mong yaya ka lang ng anak niya at himalang pananagutan ka at totohanin sa isang mayamamg katulad niya. Nag-alala lang ako sa'yo." ani aling Norma na advance mag-isip. "Ano po? bakit ang pangit ng iniisip niyo, tiyang? wala akong alam sa mga sinasabi mong 'yan. Ang guwapo po ni Sir, pero di ko naman po ipapahamak ang sarili ko, nakakatakot naman. Parang ayaw ko nalang yatang pupunta sa pool." sabi niya rito. " Ay ano kaba naman, di naman masamà na magpaalala, concern lang ako sa'yo. Ako ang nagdala sa'yo dito sa siyudad kaya resgo kita kay mareng Marietta. Oh sige na, puntahan mo na si Sir, para makatulog ka na kapag tapos na siyang magpahangin doon." sabi nito sa kanya. " S-sige po." aniyang nakadama ng takot. Imbes na walang malisya ang kanyang isipan ay tinaniman talaga iyon ni Aling Norma ng malisya. Napakamot nalang siya sa ulo. Sa totoo lang, wala pa talaga siyang kaalam-alam sa mga bagay na ibig sabihin ni Aling Norma. Sa edad niyang eighteen ngayon ay wala pa talaga siyang nagiging boy friend. Lalo na't lumaki siya sa bundok. Di nga siya nakaranas na magkagusto ng lalaki mula pagkabata. Paano? wala namang halos tao sa bundok nila. Mga baka, kalabaw, manok, kambing, baboy at unggoy lang naman ang lagi niyang nakikita roon. Dalawa lang ang din ang kapit-bahay nila na puro matatanda na rin. Nang paparating na siya sa may pool ay natigilan pa siya nang makitang nakaupo na roon sa dining table si Sir Bastian. May nakalagay na isang tray ng snacks nito sa mesa at may isang tasang kape din ito. Parang ayaw niyang lumapit. Maliwanag naman ang buong paligid dahil sa mga wall-mounted pool lights na nakakabit sa mga dingding at poste malapit sa pool. Tumuloy na siya at dumeretso nalang siya para matapos na ang pagsama niya doon kay Sir Bastian dahil antok na talaga siya at nais na niyang matulog. "G-good evening po, Sir." bati niya rito. Binalingan naman siya rito. "Mabuti naman at nandito ka na. Maupo ka na, Yaya Eliana sa tapat ko." seryosong wika nito sa kanya. Wala na siyang pakialam na umupo na sa tapat rito. Di talaga mawawala ang kanyang kaba at hiyang naramdaman kapag makaharap na niya ang kanyang amo lalo na't dinagdagan pa ni Aling Norma sa advance nitong pag-iisip. Di rin niya napigilang humikab na naman sa harap ni Sir Bastian. Pinilit nalang talaga niya ang kanyang sarili kahit inaantok na talaga siya. "Are you getting sleepy? Am I such a boring companion, Yaya?" tanong pa nito sa kanya. " S-sandali lang po, sir. Wala lang tayong Englisan dito. Alam niyo naman po eh." sabi naman niya rito. Natawa naman ito sa kanya. " Okay, sabi ko inaantok ka na ba? at nakakaantok ba akong kasama?" tanong pa nito sa kanya. "H-hindi naman po kayo nakakaantok, Sir, pasensya na po talaga, di pa man ako nakapunta rito ay antok na po ako." nagbaba ng tinging sagot niya sa amo. " Mawala din ang antok mo, Yaya. Maganda dito kapag gabi. Look around, it's beautiful." nakangiting wika nito sa kanya. Naku, napakaguwapo naman ni Sir Bastian kapag ngumiti! "O-oo nga po, eh. Ang ganda nga." tugon naman niya na napatingin sa paligid. " Ahhm, nasubukan mo na bang magkagusto ng lalaki, Yaya Eliana?" biglang tanong nito na di niya inaasahan. "Po?? h-hindi pa po!" gulat pa niyang sagot rito. "Talaga? baka di na magtatagal ay maiinlove ka na." sabi nitong tila binibiro siya nito. Naumid naman ang dila niya at nagulat siya nang sumunod ay hinuklas nito ang suot nitong t-shirt kaya tumambad sa kanyang paningin ang matipunong katawan nito! Nanlaki ang mga mata ni Yaya Eliana. Dahil sa naiisip na paalala sa kanya ni Aling Norma ay masamà na ang kanyang iniisip sa biglang paghuklas ni Sir Bastian sa t-shirt nito! "Tiyang!!" sigaw pa niya sabay tumayo at tumakbo palayo kay Sir Bastian. "What the—!!! maliligo lang ako sa pool, Yaya!" galit na tawag sa kanya ni Sir Bastian nang kumaripas ng takbo si Yaya Eliana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD