KABANATA 8

1614 Words
Galit ang mukhang kinuha ni Sir Bastian ang kanyang phone at pinatay ang ringtone. Pagkatapos nitong nilapag ang kanyang cp sa ibabaw ng mesa ay agad itong tumayo na mukhang naiinis na naman at umalis na roon sa Lobby. Naiwan namang tahimik sina Eliana at ang kanyang alaga. " Lagot, mukhang nainis na naman si Daddy, yaya." ang sabi pa sa kanyang alaga. Dahan-dahan naman niyang kinuha ang kanyang cp at naroon parin ang kanyang panginginig na hinawakan at tinitigan iyon. "Bakit ba nagkagano'n yun, baby?" tanong pa niya sa kanyang alaga. Sa totoo lang hiyang-hiya talaga siya. Hindi naman niya sinasadyang mangyari iyon. "Yaya, hinaan mo lang ang volume, at saka h'wag po kayong magpanic, hindi naman po bomba ang cellphone niyo na magpapanic po kayo. Hindi yan, saasabog. Natural po talaga yan, Yaya, kapag naka vibrate at naka full volume." wika sa kanya ng kanyang cute na alaga. " G-gano'n po ba? Jusko, sobrang nagulat ako. Nakakahiya ito." wika niya na noon lang nakadama ng sobrang hiya dahil sa kanyang nalalaman mula sa alaga na natural lang pala iyon sa cp kapag naka vibrate at naka full volume. Ang buong akala niya kasi kapag gano'n ang nangyari ay sasabog na dahil ramdam niyang gumagalaw iyon. _____ Lumipas pa ang isang buwan ni Eliana sa mga Delgado ay medyo may alam alam na siya kakaunti ngunit nag-iingat parin siya. Ayaw niyang magpapatuloy na gano'n ang kanyang kainosentihan dahil nakakahiya na rin iyon. Sa loob ng dalawang buwan niya bilang yaya ni Barbie ay gumanda ang kanyang katawan at ang kanyang balat ay mas naging maputi na rin. Sa bundok nila ay marami namang nagsasabi na maputi daw s'ya kumpara sa kanyang mga kapatid na lalaki. Kaya lang sa pagtulong niya sa pagtatanim sa bundok nila ay tila nasunog ang balat niya sa araw. At ngayong naka stay siya ng siyudad ay totoo talaga ang mga sinabi ng mga taga bundok na siya'y mestisahin at parang may lahi. Mas lalo pa niyang naging ka-close ang kanyang alaga. At minsan ay tuturuan pa siya nitong mag english. ____ Katatapos lang ni Bastian sa kanyang ginagawa sa loob ng kanyang office room. Hapon na rin iyon ngunit maaga pa para sa kanya iyon. Natapos rin niya ang pag research at pagbabasa ng 15 industry reports. At bukas na siya ulit babalik sa loob ng kanyang office. Gusto mo na niyang magpahinga. " Olivia, bigyan mo nga ako dito ng isang Krug Champagne dito." utos ni Sir Bastian nang dumaan ang isang katulong rito, ang isa sa mga tagapaglinis ng kanilang buong bahay. " Sandali lang po, Sir." tugon naman ng katulong na umalis na agad para kukuha ng kanyang inutos. Habang nakasandal siya sa isa sa mga armchair sa lobby na kaharap sa coffee table ay nakita niyang biglang dumaan ang Yaya ng kanyang anak. Si Yaya Eliana. Parang Hindi siya nakita nito at tuloy-tuloy lang ito sa pagdaan. Napansin niya ang simpleng ayos nito ngunit bagay na bagay naman rito dahil nagkakalaman na ang katawan nito. Matagal na niyang napansin na mestisahin ang beauty nito na para bang may lahi ito. At talagang magandang babae ang yaya ng kanyang anak. Yun nga lang ay walang pinag-aralan at napaka ignorante na minsan ay ikinais niya rin. "Bastian, maaga ka palang nag out sa office mo. Akala ko ba marami kang gagawin?" tanong naman ni Madam Conchita nang maabutan ang anak na nakasandal na sa armchair. " Natapos ko rin, Mom. Bago ako magpahinga sa kuwarto ko ay saglit muna akong mag-inom ng wine para sa kondisyon at magandang pagpapahinga ko." sagot ni Bastian sa Ina. ___ Habang nag-iinom si Sir Bastian sa lobby ay unti-unti namang sumilip rito si Eliana. "Naku, hindi ko talaga kaya, kinabahan ako." ani Eliana at napaatras na lang at bumalik sa kusina kung saan si Aling Norma na tumulong sa kusinera na magluto para sa hapunan. " Oh, ano, Eliana? nakalapit ka ba kay Sir, Bastian?" tanong naman ni Aling Norma sa kanya. " Hindi eh. Dinaig ako ng hiya. Paano na 'to? kawawa naman ang nanay ko, kailangan ko talagang makahiram sana ng pera kay Sir Bastian para ipadala kay inay." malungkot na wika niya kay aling Norma. " Lapitan mo kasi. Magpapahiram lang naman si Sir ng pera eh, kahit kasasahod mo lang." ang sabi ni Aling Norma. " Nasa Lobby si Sir Tiyang, at mag-isang nag-inom ng alak. Nahihiya talaga akong lumapit." ang sabi naman niya. " Kung mahihiya ka, kawawa si mareng Marietta, puro nagkasakit ang mga kapatid mo, may mataas na lagnat ang mga ito. At wala sila pambili ng gamot." Ang sabi ni Aling Norma. "Kaya nga eh. Nag-alala ako, baka dadalhin daw sa ospital ang bunsong kapatid ko. Siya talaga ang natamaan sa lagnat. Yung pinadala ko namang sahod ko ay nabili na nila ng bigas at mga grocery sa loob ng bahay at ang iba ay ibinayad sa utang. Kaya wala nang natira sa ipinadala ko." malungkot na wika niya kay aling Norma. Pati kusinera ay nakikinig lang sa pag-uusap nila ni aling Norma. "Lapitan mo nalang si Sir. Hindi ka mabibigo, kilala na namin yan, madali namang lapitan yan lalo na kapag sabihin mo ang totoo sa kanya na mabuti siyang tao at higit sa lahat guwapo, siguradong madali lang yan kakausapin at magpahiram kahit medyo may pagka strikto. ." sabad na rin ng kusinera na si Aling Telma na nakangiti. "Ay gano'n po ba, Manang?" sabi naman niya. " Ay oo nga. Maniwala ka, Eliana. Kilala na namin yan si Sir." tugon ni Aling Telma. "Hayss, sige na nga, babalik nalang ako." sabi naman niya. Sa totoo lang ay hirap na hirap si Eliana, hindi naman kasi siya sanay na manghiram ng pera. At ngayon, mapilitan talaga siya para sa kanyang pamilya. Muli siyang napasilip sa Lobby kung saan nakaupo si Sir Bastian. Nakita naman niyang patuloy lang ito sa pag-inom roon habang nakahitit pa ito ng sigarilyo. Minsan lang niya makitang naninigarilyo ito. Nakakahiya talaga pero sana makapagsabi talaga siya sa kanyang kailangan rito. Di naman niya akalaing mapalingon ito sa kanyang kinaroroonan habang siya'y nakasilip rito. At huli na upang aatras pa siya sa pagsilip rito. Kunot-noong tinitigan siya nito at umayos ito sa pag-upo. " Yaya, Eliana? kanina ka pa ba diyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Hiyang-hiya naman siya na napilitang tuloyang lumabas at nagtungo rito. " Ehh, O-opo, Sir." aniyang humakbang patungo rito at huminto sa harap nito. Jusko, napakaguwapo naman ni Sir Bastian habang nakatitig ito ngayon sa kanya. " At bakit sinisilip mo ako, yaya?" tanong pa nito sa kanya. Naku, naku, dederetsuhin nalang ba niya ito kung anong kailangan niya? o pupurihin muna niya ito gaya ng sinabi ni aling Telma? " Ahh.. eh, a-ang bait niyo po pala, Sir no?" nauutal pa niyang wika rito. " What? anong mabait na pinagsasabi mo?" mas lalong nagsalubong ang kilay na tanong nito sa kanya. " Ay! ang ibig ko pong sabihin ay mabuti ka palang tao, Sir!" nanginig namang sagot niya rito. " Huhh? why? kaya ka napasilip sa akin dahil mabuting tao ako?" sabi pa nito sa kanya. " Ay! hindi po, Sir, napasilip ako kasi ang guwapo niyo po." parang natarantang wika niya na hindi na alam ang kanyang idinugtong sa kanyang sinasabi habang muling napatingin sa mukha ng amo. Nakita niyang naningkit na ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Really?" amused na tanong nito sa kanya. "Y-yes po. G-guwapo po talaga kayo, Sir. Haysss, ano ba ito." aniyang napakamot sa kanyang ulo. " Ahh! okay, gets ko na. Kaya ka napasilip sa akin dahil guwapo ako? at... ang nais mong iparating ay may interest ka sa akin, tama? gusto mo ako, gano'n?" walang prenong tanong nito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi at tanong ng kanyang amo. " Naku, hindi po, Sir! hindi iyan ang ibig kong iparating!" nabiglang wika niya. "Yaya, deretsuhin mo nga ako kung anong kailangan mo. Ano ba talaga? nagkagusto ka ba sa akin kaya ka napasilip?" galit na nitong tanong sa kanya. "Pahamak, hindi po, Sir! gusto ko lang naman po humiram ng pera eh, kung saan-saan na nakarating ang usapan natin." aniya rito na nagbaba ng tingin. "Oh, d@mn." " Opo, Sir, pasensya na po kayo. Parang awa niyo na po, Sir. Kailangan ko po ng pera ngayon." ang sabi niyang mas lalong napapahiya sa harap nito. "Kakaloka ka, yaya! hihiraman mo lang pala ako ng pera ang dami mo pang diskarte! ayoko sa mga ganyang style, Yaya Eliana. Nakakairita 'yan sa akin. Naiintindihan mo ba?" galit na namang wika nito sa kanya. " Sorry po, Sir. Sinunod ko lang naman ang sinabi ni Manang Telma na pupurihin ko muna kayo bago hiraman ng pera." napangiwing sabi niya. "Yaya, h'wag ka ngang uto-uto. Kung anong sinasabi sa'yo ay seneseryoso mo naman at sinusunod!" sermon nito sa kanya. "O-opo. Di na po talaga mauulit." aniya rito. Pakiramdam niya tuloy ay halos lahat ng dipirensya niya ay pinupuna ni Sir Bastian. Kaya nga takot siya ritong makipag-usap dahil puro siya mali-mali sa harap nito. "Kakasahod ko lang sa'yo diba? what happened? may problema ka ba?" tanong nito sa kanya. " O-opo. Sabay nagkasakit ang dalawa kong kapatid, Sir. At yung isa ay nais dalhin ng nanay ko sa hospital." sabi naman niya rito. Napansin naman niya ang kakaibang mga titig ni Sir Bastian sa kanya. " Don't worry, madali lang naman akong kausap, Yaya. Bibigyan kita ng ipapadala mo sa Nanay mo. Pero hindi ko ikakaltas sa sahod mo. Ang gusto ko lang ay maging mabait at sunod-sunoran ka lang sa akin. Game?" wika nito sa kanya na tila may ibig itong sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD