KABANATA 3

1452 Words
" Naku, sorry po, akala ko kasi ay ang nagmamay-ari dito, manikin pala yan?" inosente pang tanong ni Eliana at sobrang napapahiya siya sa kanyang pagka ignorante. Nang mapatingin siya sa kanyang among lalaki na si Sir Bastian ay kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkainis sa kanya. ___ Pagkatapos nilang namili ng mga damit ay nagtaka nalang sila ni Aling Norma nang gusto na agad na uuwi si Sir Bastian. Para bang bigla itong nawalan ng gana. Wala pa itong imik at hindi nagsasalita habang nagmamaneho ito sa kotse nito habang pauwi sila. Pagkarating nila sa malaking bahay ng mga ito ay nabigla nalang sila ni aling Norma nang kinausap sila nito. "Manang Norma, hindi ko talaga nagustohan ang kinuha mong yaya para sa anak ko." anitong tinapunan siya ng tingin nito. Kinabahan naman siya, napahiya at natatakot. Baka pauuwiin siya ni Sir Bastian. Napakapit siya ng mahigpit sa braso ni Aling Norma. " P-pasensya na po kayo, Sir. Pero kaya po talaga niyang magbantay sa anak niyo. Bakit po di niyo nagustohan si Eliana, sir?" tanong naman ni Aling Norma rito. "Wala siyang alam at napaka ignorante niya, manang! sana man lang ay pinili niyo yung may experience na at isa pa, bata pa siya at wala talagang kamuwang-muwang! kaya ayoko sana na siya ang magiging Yaya ng anak ko." naiiling na wika ni Sir Bastian sa kanila. "P-pasensya na po kayo sa akin, Sir. Gagawin ko naman po ang lahat para maging mabuting yaya sa anak niyo. At isa pa po, hindi na po ako bata, eighteen na po ako, sir. Parang awa niyo na po, malayo pa po ang bundok na pinanggalingan ko." kinabahang wika niya rito at nagmamakaawa. Napapailing si Sir Bastian na muli siyang tinapunan ng tingin. " Oo nga po, Sir. Malayo pa ang bundok nila. Pinili ko siya kasi kilala at kabisado ko ang pamilya niya. Baka kasi kapag kukuha ako nang di ko kabisado ay ako pa ang masisisi kapag hindi naging mabuting yaya ang kinuha ko para kay Barbie." katwiran naman ni Aling Norma. " Bakit, what happened, son?" biglang dumating at nagsalitang tanong ni Madam Conchita. Napalingon naman sila lahat sa bagong dating na Ina ni Sir Bastian. "Hindi ko nagustohan ang bagong yaya, mommy. She is so innocent! paano n'ya masasamahan ng maayos ang anak ko kapag mamasyal kami o sila lang?" ani Bastian sa Ina. " Bastian, intindihin mo muna ang new yaya ng anak mo, matuto din siya. Hindi siya mananatilng inosente. Ano kaba." ang sagot ni madam Conchita sa anak. Muli itong napatingin sa kanya kaya nakadama talaga siya ng sobrang hiya rito. Ang guwapo pa naman ni Sir pero hindi pala siya nagustohan para maging Yaya sa anak nito. "Okay, mom. Sana nga ay madali siyang matuto. Pakiramdam ko kasi ay di gano'n kadali matuto ang tulad niya. Turuan mo ang bagong yaya ng anak ko, Manang, kung anong mga obligasyon niya sa anak ko. Mag start na siya tomorrow." anitong tumalikod na agad sa kanila at dala nito ang anak nito. "H'wag ka nang magtaka sa anak ko, yaya Eliana. Mainit lang talaga lagi ang ulo niyan dahil sa ginawa ng kanyang asawa. Sige na, magpahinga na kayo, Norma." ani madam Conchita. " Opo, madam." halos sabay na tugon nila ni Aling Norma rito. Pumasok na nga sila sa isang room nila sa staff quarters. Iisang kuwarto lang sila ni Aling Norma. Dahil may mga katulong din sa kabilang mga kuwarto. Malungkot siyang napaupo sa kama nang nasa loob na sila ng kuwarto ni Aling Norma. Nakakahiya kasing isipin na hindi siya nagustohan ni Sir Bastian para maging Yaya sa anak nito. "H'wag mo nang isipin yung mga sinabi ni Sir Bastian. Ang dapat mong gawin ay ipakita mo sa kanya na naalagaan mo ng husto ang anak n'ya. At itong mga damit na pinamili natin kanina ay ang susuotin mo na araw-araw para maging malinis ka tingnan sa mga mata nila lalo na kay Sir Bastian. At h'wag mo nang gamitin ang mga damit mo mula sa bundok." sabi ni Aling Norma sa kanya. " Opo, Tiyang. Hay naku, ang hirap no? pati suot natin ang pinakikialaman. Pero okay na rin yun, dahil mga bago yung mga damit ko ngayon." aniya kay aling Norma. " Tama ka. Para magustohan ka ng bata. Bukas, maaga ka pang gigising ha. Maghanda ka ng pagkain sa alaga mo. Tuturuan muna kita kung paano magluto ng almusal ni Barbie. Simpleng Ham with bread lang or scrambled eggs. Oh diba kung gusto niya ng burger ay may burger naman sa ref, timplahan mo lang siya ng mainit na gatas niya. Kapag tapos mo nang naihanda, ihatid mo na sa kanyang kuwarto. At pakainin mo siya. Then, pagsapit ng 7:30 am ay paliguan mo siya sa kanyang banyo at bihisan. Ikaw na rin ang maglilinis sa kanyang kuwarto. At pagkatapos ay makipaglaro ka sa kanya. Yan ang mga gawain mo, Eliana." ani aling Norma sa kanya. "Opo, tiyang." tugon naman niya. "Bukas, paggising mo, maligo ka muna at ayusin mo sarili mo bago kita turuan magluto sa breakfast ni Barbie. Kaya sige na, matulog ka na." dagdag na wika nito. Tumango nalang siya. ___ Kinabukasan ay maaga pa nga siyang naligo. At isinoot na niya ang kanyang bagong pambahay na binili kagabi sa mall ni Aling Norma. Shorts, jogger pants at Pajama ang kanyang mga bagong pambahay with tshirts na may iba't ibang color. May white, blue, yellow at black iyon. At meron ding panlakad niya. Pero mas gusto niya ang pajama at jogger pants at ayaw niya sa shorts. Hindi s'ya sanay magdisplay sa kanyang legs. Nakakahiya iyon. Isang black na pajama ang kanyang napili na isuot sa umagang iyon at white t-shirt. Atleast, nakakatulong nga sa kanya ang suot niya ngayon. Nagmukhang malinis nga siya kahit medyo sunog naman sa araw ang kanyang balat. Tinuruan naman agad siya ni Aling Norma kung paano magluto ng ham at nag-init din siya ng bread sa oven. Pagkatapos ay nagtimpla na siya ng gatas. Madali lang naman pala ang maghanda para sa kanyang alaga. Nagluluto na rin ang kusinera ng mga ito para sa almusal ng lahat. At sina Aling Norma at ang dalawang katulong ay nagtutulongang naglilinis ng buong bahay. At siya ay hinatid naman niya ang almusal sa kwarto ng kanyang alaga. " Hi, Barbie! good morning. Almusal kana." aniya rito. Parang natigilan naman itong napatingin sa kanya nang bigla siyang pumasok sa kwarto nito. Naabutan niyang nanonood na ito ng tv. "I don’t want to eat my breakfast here, Yaya." sabi pa ng bata sa kanya. Makikita sa mukha nito na hindi siya nagustohan nito. "Ano sabi mo? hindi ko maintindihan, Barbie." sabi naman niya. Ngunit imbis na magsalita ito ay pinatay nito ang TV at tumayo ito. "I’ve gotten used to sometimes having breakfast in Daddy’s room since Mommy left. Follow me, yaya, to Daddy's room!" sabi nito sa kanya sabay nilampasan siya nito at lumabas sa kuwarto nito. " Teka, barbie! saan ka? hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo! hoy, bata ka, saan ka pupunta! nag e-english ka di ko maintindihan!" aniyang nagmamadali niya itong sinundan. Hindi niya alam na pupunta pala ang kanyang alaga sa kuwarto ng ama nito dahil di naman niya naiintindihan ang sinabi ng bata. Nagulat nalang si Bastian nang bigla nalang pumasok ang kanyang anak sa kanyang kuwarto na di man lang kumatok. Nakasuot lang siya ng boxer dahil kagigising lang niya. " Good morning, Daddy!" bati pa ng makulit na anak. At si Eliana naman ay nang makita niyang pumasok sa isang kuwarto ang alaga ay walang pag-alinlangang sinundan niya ito. Hindi niya alam na kuwarto iyon ni Sir Bastian dahil di niya naiintindihan ang sinabi ng kanyang alaga. "Barbie! bakit nandito ka? kaninong kuwarto ito?" aniyang pumasok agad at gano'n nalang ang kanyang pagkagulat nang makita sa loob si Sir Bastian na nakasuot lang ng boxer kaya kita niya ang umbok nito! at nagulat din ito sa bigla niyang pagpasok. "Naku po! bakit ganyan po ang suot niyo, Sir!?" gulat at nanlaki ang mga mata niyang tanong at biglang nabitawan ang kanyang bitbit na tray na may lamang almusal para sa bata dahil sa panginginig ng kanyang mga kamay at tuhod. "What are you doing here?! Get out right now! Is this how you prove yourself to make me like you as my child’s nanny?! Barging into a room without even knowing whose it belongs to ?!" galit na galit na wika sa kanya ni Sir Bastian. " Tagalog please, sir! huhuhu. Sorry po." aniyang napatakip sa kanyang mga mata. " D@mn!! one more mistake, pauuwiin na kita sa bundok niyo!" inis na inis na sigaw nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD