Kahit napa atras na siya mula rito ay humakbang naman ito patungo sa kanya. "M-mauna na po ako, Sir!" aniyang kinabahan at lumayo muli rito. "Sandali lang, yaya. Hindi naman ako nangangagat bakit ka ba takot na takot? hindi naman siguro katatakutan mukha ko diba?" nakangiting tanong pa nito sa kanya. " H-hindi naman po! g-guwapo naman po mukha niyo, sir. Kaya lang ayoko lang na hahawakan niyo po ako. Pakiramdam ko ay nagdadala po kayo ng yelo sa buong katawan ko." Sabi naman n'ya rito. " Really?" anitong biglang naging seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya. "Don't afraid, yaya. Let me close to you, may ibibigay lang ako sa'yo." pormal nang wika nito sa kanya. Parang nananadya ito ngayon. At para nalang siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan habang hinintay ang paglapit ni

