Kahit nag atubiling dadaan ay napilitan nalang talaga siyang dumaan. Natahimik pa ang mga babaeng bisita ni Sir Bastian nang siya'y dumaan. Narinig naman niyang napatikhim ang bisitang lalaki ni Sir Bastian kaya muli siyang napatingin sa mga ito. Nakita naman niyang sa kanya pala nakatingin ang mga ito pati na si Sir Bastian. "M-magandang hapon po sa inyong lahat, Sir." napilitan niyang bati sa mga ito. "Same to you, Eliana." nakangiting tugon naman sa kanya ni Sir Bastian. Ngunit ni hindi tumugon man lang at ngumiti sa kanya ang dalawang babaeng bisita ni Sir Bastian kundi medyo napaismid lang ang mga itong pinasadahan siya ng tingin. "Hi, Yaya! kanina pa kita hinihintay." sabi pa ng alaga habang may pinagkaabalahan itong nilalaro sa tablet nito. "Sorry, baby. Heto na ang mery

