Nakahinga ng maluwag si Eliana nang nasa kuwarto na siya nila ni Tiyang Norma. Nakita niyang nakatulog na pala ito. Maingat na siyang nahiga sa tabi ni Tiyang Norma. Hindi niya lubos maisip na gano'n ang mga ipinakitang kilos sa kanya ni Sir Bastian. Parang kakaiba talaga ang trip nito kanina sa kanya. Tila tumatayo pa ang kanyang mga balahibo nang maalala ang bakat na bakat nitong s@ndata kanina. Mula pagkabata niya ay di pa siya nakakita ng gano'n, ngayon pa talaga siya nakakita. Normal lang ba iyon dito? nahh, kakatakot naman kung normal lang pala dito sa siyudad na ipabakat lang ang kanilang mga s@ndata ng kadiliman. ____ Kinaumagahan ay puyat at antok na antok pa si Eliana nang siya'y gisingin ni Tiyang Norma pagsapit ng alas singko ng umaga. " Eliana, gising na. Hooy, gum

