Ang daming niyang sinabi tungkol sa kanilang kasal at tahimik naman kaming nakikinig minsan nakikisali din si Titiana na hanggang ngayon ay naka hawak pa din ang kamay niya sa braso ni boss.
Tangina ng tagal naman matapos ng meeting na to nararamdaman ko na ang pagkahilo ng sobra dahil nagiging dalawa na ang tingin ko sa kanila. Unti unti ng nandidilim ang paningin ko kaya yumuko muna ako at pinikit ang mata saka dumilat ulit.
Pasimple akong siniko ni Briana at tinaasan ng kilay as if asking me kung okay lang ako. Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagsusulat.
"Ahmm... Ms. Tinsley can you get me a glass of water please" mahinhin na turan ni Titiana na hindi naman bumagay sa malandi niyang mukha.
Excuse me?! Secretary ako at hindi waiter pakeo neto.
"I'll be" ani Boss saka tumayo pero nauna na akong nakatayo at lumapit sa water dispenser.
Ramdam ko ang mga titig nila sa likod sayang di ko maduduraan ang tubig ng piste na yun. Pinatay ko na ang water dispenser ng mapuno ang baso. Haharap na sana ako ng bigla na lang dumilim ang paningin ko at kasabay ng pagkawala ng ulirat ko.
"Kaelie!!!! " dinig kong sigaw nila bago ako tuluyang mahimatay.
***
Dahan dahan kong minulat ang mata ko saka tiningnan kung nasang lugar ako. Nasa loob ako ng usang puting silid nakita kong nag uusap sila Brielle sa sofa ng makita nila akong gising ay kaagad silang umupo sa tabi ng kama na hinihigaan ko.
"Kamusta na pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba? " tanong ni Brielle sakin.
"Ayos na ako teka nasan ba ako? "
"Nasa private room ka ni Brion pasalamat ka nasalo ka niya bago ka tuluyang bumagsak sa sahig" sagot ni Haisley na hinahagod ang buhok and it's so relaxing.
Sinalo niya pala ako? Kaya pala walang masakit sa katawan ko dahil hindi naman ako bumagsak sa sahig.
"Let's wait for Briana kung anong results ng test na ginawa niya sayo" ani Brielle .
Tumango lang ako at pinikit ulit ang mata. I feel so drained today para bang tumakbo ako ng napakalayo kaya pagod na pagod ang katawan ko.
"May gusto ka bang kainin Kae? " tanong ni Sapphire na kanina pa tahimik sa paanan ko.
Tumango ako at ngumiti sa kanya ng pagkatamis tamis.
"Gusto ko ng apple at alamang. Sobrang daming apple at alamang Sapphy " sabay sabay silang ngumiwi sa sinabi ko.
" The hell Kaelie kaya ka siguro nahihimatay dahil sa mga kinakain mo! " singhal sakin ni Brielle.
Di ko alam parang bigla na lang sumama ang loob ko sa kanila lalo na kay Brielle. Sinagot ko lang naman ang tanong ni Sapphy. Gustong gusto ko talaga ng Apple at alamang ngayon bakit kailangan niya akong sigawan?
Suminghot ako at pinunasan ang luhang tumulo. Napaamang naman sila dahil sa biglaang pag iyak ko. Sinamaan ko ng tingin sila lalo ni Brielle bago mag talukbong ng kumot.
"Anong nangyari sayong bruha ka bakit bigla ka na lang umiiyak diyan " pilit na hinihila ni Brielle ang kumot pero mas nilakasan ko ang pagkapit dun.
"WALA! " sigaw ko at umiyak ulit. Kainis gusto ko lang naman ng Apple at alamang!
Dinig ko ang pagsisi nila sa isa't isa dahil sa biglaan kong pag iyak. Natahimik lang sila ng biglang bumukas ang pinto.
"How's the test Cous? " tanong ni Brielle sa bagong dating.
"Is she sick? " dagdag pa ni Haisley.
"What's the results Briana? " pormal na tanong ni Sapphy. Saming apat di masyadong palasalita si Sapphire .
"She's not sick or what normal yang pagkahimatay at pagkahilo niya. Minsan nagiging emotional siya lalo na pag di nabibigay ang gusto niya bigla na lang siyang iiyak and its normal" bigla akong napatigil sa pag iyak dahil sa sinabi ni Briana.
"What do you mean? " ani Sapphire.
"She's pregnant kaya niya nararanasan yan it's called Morning sickness"
Holy s**t!!!!!
"T*ngina!" mura ni Brielle saka hinatak ang kumot.
Lahat sila nag aantay ng sasabihin ko pero di ko din alam ang sasabihin ko I'm damn speechless because of the news. I'm pregnant and Brion is the father of my baby!!!
"Anong plano mo Kae? I mean di niya alam na ikaw ang nakasama niya ng gabing yun" parang biglang nawala ang saya ko dahil sa tanong ni Haisley.
"At ikakasal na din si Brion dun kay Titiana " dagdag pa ni Brielle.
"I don't know what to do. Ayaw ko naman ipagpilit ang anak ko sa ama niya at isa pa baka magulo ko lang ang kasal nilang dalawa pag nalaman niya ang kalagayan ko" sabi ko.
"May isa pa akong balita and it's bad news " napatingin ako kay Briana
"Titian is pregnant and si Kuya daw ang ama" aniya na nagpalaglag ng panga namin.
What the hell?! Nabuntis niya ang malanding yun??!
"H-how? " nauutal kong tanong
"Malamang nag S*x silang dalawa alangan naman magsarili ang babae at mabuntis siya at ipapaako niya kay Brion " pabalang na pahayag ni Brielle.
"Brielle!!! " sigaw namin sa kanya pero tinaasan lang kami ng kilay ng gaga.
"May nangyari daw sa kanila ni Kuya nung anniversary party ng company pero alam kong ikaw ang kasama ni Kuya ng gabing yun Kae dahil nakita ko siyang pumasok sa kwarto na pinasukan mo at nung umaga naman ay nakita kitang nagmamadaling lumabas sa kwarto na yun"
"Kaya ba minamadali ni Tita ang kasal nila Bana? " tumango lang si Bana sa tanong ni Brielle.
"Panung nangyaring buntis siya at si Brion ang father kung si Kae naman talaga ang nakasama ni Brion nung gabing yun? " Haisley asked.
"Baka naman gusto niyang si Brion ang managot sa pinagbubuntis niya kaya siya ang naabutan ni Brion na kasama niya sa kwarto ng magising ito" suhestiyon ni Sapphy.
May point din naman ang sinabi ni Sapphire pero bakit si Brion ang mananagot sa responsibility ng iba?
"Bakit kasi umalis ka ng magising dapat inantay mo muna si Brion na magising bago ka umalis" sermon sakin ni Brielle. I just pout at her.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok sila Brion kasama ang kaibigan niya at si Titiana. Masamang tingin agad ang pinukol nila sa babae.
"How is she? " tanong ni Brion habang seryosong nakatingin sakin.
"Uh..... " tumingin sakin si Briana siguro para ipaalam sakin na di niya alam ang sasabihin.
"Over fatigue ang dahilan ng bigla niyang pagkahimatay kanina " ani Haisley na Matalim ang tingin sa mga bagong dating.
"Y-yes ahmm... Sobrang pagod ni Kae kaya bigla siyang nahimatay kanina" sang ayon ni Briana.
Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Haisley Samantalang seryosong nakatingin pa din sakin si Brion.
"I just hope you know the difference between secretary and Maid " halos manigas ako dahil sa lamig ng pagkakasabi nun ni Sapphire.
"You can have your leave Kaelie kung hindi pa maayos ang pakiramdam mo" tumango lang ako sa sinabi ni boss.
"One more thing cous. Hindi kami makakapag tugtog on your wedding day " nagulat naman ako sa sinabi ni Brielle pero parang wala lang yun sa kanya.
Tumango lang si boss pero ang fiancé niya kuno ay nagtanong pa.
"Ahmm.... May I know why? " she smiled at us while asking.
"Wala trip lang namin na hindi muna tumugtog alangan naman mag practice kami ng ganyan lagay ni Kaelie diba? " siniko ko siya dahil pabalang ang pagkakasabi niya nun.
"BRIELLE! " may pagbabantang tawag ni Brion sa pinsan niyang demonyeta.
"I mean you could replace her for the meantime " she suggested.
"Are you kidding us Ms. Titiana Contis? " may panunuyang ani Haisley pero relax pa din ang expression ng mukha niya.
"Eh kung ikaw kaya ang palitan ko bilang Bride sa kasal nyo? " I can almost hear the sarcasm in Brielle voice.
Parang napahiya naman siya at kumapit kay boss na masamang nakatingin kay Brielle pero tinaasan lang siya nito ng kilay.
"I just suggested I'm sorry " mahinang usal ni Titiana saka yumuko. Ang drama ng lola niyo.
" Suggest something with sense hindi yung basta ka na lang may ma isuggest" ani Sapphire
"I just want to remind you na kailangan ng magpahinga ni Kaelie so you need to leave her alone" ani Briana para tumigil na sa bangayan ang mga to.