Chapter 4
Naka abang na silang tatlo sa sasabihin ko di man nila aminin halatang nag aalala sila dahil sa itsura ko ngayon na mukhang sumabak sa laban.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras para mag ayos at nagmadali ng umalis sa kwarto ni Brion. Kaya magulo ang buhok ko at gusot gusot pa ang damit ko. Di ko na din nakuha ang sukli ko sa taxi kanina sa sobrang pagmamadali ko.
"May dapat ba kaming malaman Kaelie? " mapanuring tanong ni Brielle sakin kaya agad akong umiling.
"W-wala!"
"Are you sure? " Usisa din ni Haisley na naka upo sa harap ko.
We were all sitting in my bed simula ng umuwi ako ay sobrang daming tanong na ang binigay nila sakin pero wala naman akong sinasagot hindi dahil sa ayaw kong malaman nila pero nahihiya kasi ako dahil sa ginawa kong katangahan.
Sino ba naman ang magiging proud na naka one night stand mo ng boss mo at ng taong nanreject sayo nung college days niyo diba? Well medyo nakakproud nga kasi mukha namang nasiyahan ang boss ko kagabi.
What the f**k?!
Kelan pa naging mahalay ang utak ko?! Kasalanan talaga to ni Blaire kung anong alak kasi ang pinainom niya sakin kagabi. Pero kasalanan ko din naman ang takaw ko kasi sa alak at ang tanga kong pumasok sa ibang room.
"Hoy! Bruha nakikinig ka ba?! " muntik pa ako mapatalon dahil sa sigaw ni Brielle na pumipitik din sa harap ko.
"H-ha anong sabi mo? "
Akmang Sasabunutan niya ako ng biglang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko iyon at sinagot ng makitang si Brianna ang tumatawag.
"Hello Bana napatawag ka? " tanong ko kaagad sa kanya.
"Where are you? Kanina pa kita hinahanap did you went home na ba? "
Mabilis akong tumango kahit na di naman niya ako nakikita"Oo may sched kasi kami sa Charity Program namin "
Ilang minuto siyang di nagsalita kaya Tiningnan ko kung binaba niya na ba ng tawag pero hindi pa naman.
"Bana? "
"Ahh yeah I just ask akala ko kasi di ka pa nakaka uwi. I'll hang up na bye! "
Bumalik ulit ako sa kama at hinarap at tatlo kong kaibigan. Panu ko ba sasabihin sa kanila ang nangyari?
"Go on tell us Honey " ani Haisley saka umunan sa hita ko kaya di ko mapigilan ang mapa aray.
Kaagad naman siyang tumayo at nag aalala at nalilitong tumingin sakin. s**t ang sakit ng baba ko. Ganun ba yun kalaki kaya ganto kasakit tong akin?!
"Are you okay?? May masakit ba sayo? " nag aalalang tanong nito sakin.
"Ayos lang ako medyo nagulat lang ako sa paghiga mo sakin" rason ko saka umusog kunti para makasandal sa head board ng higaan.
"You're acting weird ano bang nangyari sayo? " Tanong ni Brielle na parang may idea na pero ayaw pang aminin.
Tiningnan ko sila isa isa bago yumuko at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Nalasing ako kagabi...... " simula ko.
"We know " sabay sabay nilang sabi kaya napatingin ako sa kanila.
Speech Choir lang?!
"P-pero ibang alak ata nainom ko.... Yung kinuha kong alak kay Blaire " nakayuko pa din ako ayaw kong makita nila na guilty ako sa katangahan ko kagabi.
"Si Blaire ang nagbigay ng alak sayo? Tanga! Alam mo bang hindi lang yun basta alak?! Mag iinit ka nun you will seek pleasure at pag di mo nakuha ang pleasure na hinahanap ng katawan mo sasakit yang buyangyang mo! " sigaw ni Brielle kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.
Ay! expert ka teh?
"Then what Happened bakit ganyan ang itsura mo pag uwi? " si Sapphire na kanina pa nanahimik ay nagtanong na din.
"Tapos habang kumakanta tayo naiinitan na ako nun kaya nagmadali akong bumaba sa stage at naghilamos sa banyo pero wala pa ding nangyari hanggang sa dumating si Blaire at inalalayan ako papunta sa room ko"
"Si Blaire!!!!! " sabay sabay naman nilang sigaw. May speech choir ba silang sinalihan?!
Tumango ako sa kanila kaya mas lalong nanggigil si Brielle sakin buti na lang pinipigilan siya ni Sapphire kung hindi kanina niya pa ako nasabunutan.
"Tapos nung paalis na kami biglang dumating si.. B-brion gusto niyang siya na maghatid sakin sa room ko pero sabi ko ako na lang kaya iniwan ko sila at hinanap na ang room ko. "
"Nung mahanap ko ang room na yun akala ko akin yun kasi 106 ang nakita ko kaya pumasok ako agad at hinubad ang damit ko dahil ang init na ng nararamdaman ko tapos may biglang -" napatigil ako ng biglang takpan ni Sapphire ang bibig ko.
Huh?!
"Balak mo bang i kwento samin kung anong ginawa niyong dalawa? Jeez wala kaming interest! " asik niya saka binitawan ang bibig ko.
"So... Something happened between you and your boss which is your crush na nagreject sayo nung college days niyo? " di ko alam kung namg aasar ba tong si Haisley di maka move on sa pang rereject ni Brion sakin!
Tumango lang ako at nilaro ang mga daliri ko. Di ko din kasi alam ang gagawin ko panu paghinanap ni Brion ang babaeng nakasama niya?
"Ang galing mo talaga panigurado na walang kawala sayo si insan hahahahahah welcome to the family " masayang sabi ni Brielle saka ako niyakap.
"H-hindi niya alam na ako yun" pilit na ngiti ang binigay ko sa kanila kaya napatigil silang lahat.
"You mean to say na tinakasan mo si Brion? " naninigurong tanong ni Brielle kaya tumango ako.
Kaagad naman akong nakatanggap ng batok mula sa kanya. Napaka mapanakit naman nito. Parehas lang sila ng pinsan niya pero iba ang sakit kay Brion. s**t nagiging mahalay na talaga utak ko.
"Why did you run?" kahit si Haisley naguguluhan na din sa usapan namin.
"Anong gusto niyong gawin ko mag antay na magising siya? Hello? Boss ko yun mga sis ano na lang iisipin nun pag nalaman na ako ang babaeng sarap na sarap sa kanya kagabi?! " napangiwi naman silang tatlo sa sinabi ko. Kahit ako din naman di ko din alam bakit ang halay na ng utak ko.
"Iisipin nun hinayaan kong may mangyari samin dahil gusto ko ng pera niya the hell? May pera din ako at isa pa gusto ko ang trabaho ko kaya hanggat maari ayaw kong malaman niya na ako ang babaeng yun" mahabang paliwanag ko sa kanila.
Natahimik sila saglit bago magtanong ulit si Sapphire
"Did you do it safely? "
Oh gosh!
"Hindi ata.....di ko naman alam kung Nagsuot ba siya basta alam ko sa loob yun sumabog"
May nakakatawa ba sa sinabi ko? Bakit tawa ng tawa ang bruhang Brielle na to! Hindi ko na sila pinansin at pumasok na lang sa bathroom para maglinis ng katawan.
Mabigat ang pakiramdam ko simula ng matapos akong maligo parang lalagnatin ata ako ah! Dumiretso na ako sa kama at pinatay ang aircon bago napagdesisyonan na matulog.
Nagising lang ako ng may naramdaman akong malamig na bagay sa noo ko kaya kinapa ko yun, basang bimpo.
Ang sama talaga ng pakiramdam ko para akong binugbog ng sampung tao at di ko magalaw ang katawan ko.
"Gising ka na pala, ito kumain ka muna bago ka uminom ng gamot ang taas ng lagnat mo kanina kaya nilagyan kita ng bimpo diyan sa noo mo" pahayag ni Brielle saka inilapit sakin ang mangkok ng lugaw.
Napangiwi naman ako ng akmang susubuan niya pa ako, ano ako lumpo?! May lagnat lang ako kaya ko pa naman palamunin ang sarili ko no!
"Bri, may lagnat lang ako di naman ako lumpo para subuan pa " reklamo ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin bago ipasak sa bibig ko ang kutsara na may lugaw.
"Wag ka ng magreklamo at lumamon ka na lang" singhal niya pa sakin. Nagsasabi lang naman ako ah.
Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niyang pagpapakain sakin ng mabusog ako ay pinainom niya ako ng gamot bago patulugin ulit.
"Wag mo ng alalahanin ang trabaho mo ako na bahalang magsabi kay Brion na may sakit ka at di ka makakapasok" imporma niya bago ligpitin ang mga pinagkainan ko
Tango lang ang tanging sagot ko sa kanya dahil hinihila nanaman ako ng antok para bang sobrang pagod ng katawan ko at kailangan ko talaga ng Pahinga.
Ilang oras akong nakatulog nagising lang ako ng maramdaman ko ang pawis ko dahil sa sobrang init nakapatay pala ang aircon kaya ang init dito sa kwarto, medyo magaan na din ang pakiramdam ko kumpara kanina na mainit talaga ang buo kong katawan at nahihilo.
Nagpalit ulit ako ng damit napili kong magsuot ng spaghetti top at pinarisan iyon ng short bago mapagpasyahang lumabas na at hanapin ang tatlo.
Naabutan ko silang nag uusap sa sala kaya lumapit ako sa kanila at nakisali sa usapan. Masamang tingin agad ang sumalubong sakin ng makita nila akong naka upo a tabi ni Haisley saka siniksik ang sarili sa kanya.
What?! I mouthed at them pero sabay sabay lang sila umiling na para bang problemado sakin.
"How are you feeling Kae? " naramdaman ko ang dahang dahan paghagod ni Haisley sa likod na para bang kinocomfort ako sa lahat ng iniisip ko.
"I'm fine medyo okay na compare kanina na sobrang bigat ng pakiramdam ko"sagot ko habang nakasiksik pa din sa kanya.
"Ano bang pinag uusapan niyo? " tanong ko sa kanila.
"About the upcoming foundation day ng charity program natin nagtatanong na kasi sila Mother Superior kung ano daw ang plano natin para sa araw na yun" sagot ni Sapphire na abala sa laptop na nasa harap niya.
"Ano bang plano? " I asked
"Tutugtog tayo sa mismong foundation day may mga dadating din kasing bigatin na business partner ng mga magulang natin para maging benefactor ng charity program natin kaya dapat may party at konting entertainment " ani Haisley
"Dapat makakuha tayo ng donations sa mismong araw na yun need na daw nila sister ng extra budget dahil sa mga school needs ng mga bata"dagdag pa ni Brielle na tanging sinagot ko lang ng tango.
I suggested some things like kung ano ang magiging flow ng party for that event and I'll be the one who will send invitation emails to our soon to be benefactors pambawi na din to sa mga araw na lagi akong wala at puro sila na lang ang gumagawa para sa charity program na sabay sabay naming binuo 5 years ago.
Ilang oras pa naming nafinalize ang plano namin bago napagdesisyonan na mag take out na lang ng dinner dahil walang may balak samin ang magluto. Haisley called and order for our dinner pero hati hati kami sa bills ayaw kasi magpalamang ng mga to dapat daw fair kasi lahat naman kami lalamon.
"By the way Kae naka leave ka pala ng one week sabi ko kasi kay Brion grabe ang pag araro niya sayo kaya ka nilagnat at 40 degrees Celsius ang temperature ah! " halos takpan ko na ang buong mukha ko dahil sa biglaang pag init ng pisngi ko sa sinabi niya.
"BRIELLE! " sigaw ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa magkabilaan kong pisngi.
The hell?! Di ba siya naiilang sa lumalabas sa bibig niya?
"What? Totoo naman sinabi ko ah? Sinong matinong tao ang lalagnatin at 40 pa ang temperature after nilang magchukchakan ha?! " mas lalo lang nag init ang pisngi ko sa sagot niya kaya di ko na siya pinansin at sumiksik na lang kay Haisley para maitago ang namumula kong pisngi.
Damn you Bri!!!
"Are you blushing Kae? " nang aasar niya pang tanong kaya natawa din ang dalawa sakin.
"I'm not! " tanggi ko sa kanya while throwing daggers at her.
"Then why is it your cheek looks so red na? " painosente niya pang tanong kaya mas lalo akong nainis.
"Natural yan bobo! " sigaw ko sa kanya.
"Natural your face! " balik sigaw niya sakin
Bakit ba kasi naging bestfriend ko ang isang to? Lahat ng mga bagay bagay sakin alam na alam niya minsan nga feel ko mas kilala niya ako kesa sa sarili ko like bakit parang mas memorize niya ang bawat detalye sakin?
Hanggang sa matapos kaming kumain ay inaasar niya pa din ako about sa katangahan ko kagabi like tuwang tuwa pa siya na nakagawa ako ng katangahan. Very unusual.