CHAPTER I

2042 Words
Chapter I: Napatayo ako kaagad ng makita kong lumabas si Mrs. Sloan mula sa elevator. Kahit ang ibang employee ay napatingin din sa ginang madalas lang ito pumunta sa company depende na lang kung mahalaga talaga ang sadya nito sa anak niya. “Good morning Mrs. Sloan” bati ko ng tumapat siya sa table ko. Nakangiti siyang bumaling sakin “ Good Morning hija nasa loob ba ng office ang anak ko? “ I nodded “Yes Ma’am “ “Thank You hija” anito at pumasok na sa loob ng opisina. Pinagpatuloy ko na ulit ang paggawa ng mga reports na naemail sakin kanina ni boss kailangan ito mamaya para sa board meeting. Ilang minuto na ang lumipas hindi pa din lumalabas ang ginang mamaya ko na lang siguro ipapasa kay boss ang mga reports. Binalik ko na lang ulit ang mga napirmahan na ni boss sa mga department para naman mabawasan ang mga kalat sa table ko. Natuwa naman ang mga head ng mga department ng ibalik ko sa kanila ang mga papeles mula kay boss. Bumalik ulit ako sa table ko at kinuha ang reports para ipasa kay boss. Kumatok muna ako bago dahan dahang binuksan ang pinto, narinig ko ang boses ng Ginang kaya hindi ako agad pumasok baka maka istorbo ako sa kanila. “The deal is closed Brion so if you really want this company better accomplish our deal” ani ng ginang “If you don’t have anything to say Mom better leave my office now because my Secretary is waiting at the door with a bunch of reports for the meeting later” Muntik ko pang mabitawan ang mga reports ng marinig ang sinabi ni boss, alangan naman akong ngumiti sa Mommy niya ng bumaling ito sakin. Dahan dahan akong pumasok at lumapit kay boss saka inabot ang mga reports na hawak ko. “Is the room ready for the meeting?” tanong niya sakin Tumango ako sa kanya. “I’ll be going now son and please don’t forget about our deal I need your answer as soon as possible “Ani ng Ginang saka tumayo at tumingin sakin at ngumiti. Napahilot na ng sintido si boss dahil sa mga sinasabi ng kanyang Mommy. “Mom please I have many things to do” “I’m giving you one month for our deal and if you fail then the company will be in anothers hand”pagsabi nun ay lumabas na ang Ginang. “Damn that deal! “ inis sa sabi ni boss habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Tumikhim ako kaya napalingon sakin si Boss na nakataas pa ang isang kilay. “Do you need anything boss kung wala naman lalabas na po ako” “You can go now and please finalize everything for the company’s anniversary on Sunday and inform all the head of each department that they should submit all the reports that needed to be signed” Tumango lang ako at lumabas na sa opisina nang makabalik sa sariling working table ay kaagad kong tinawagan ang mga head at sinabi ang pinapagawa ni boss. Half day lang kasi ang pasok ng mga empleyado sa Friday dahil bibisitahin pa ni boss ang Yacht na gagamitin para sa Anniversary ng company syempre hindi ako pinayagan ni boss na mag half day din dahil isasama niya ako sa pag check ng mga gagamitin para sa Sunday. Ang dami kung kailangang gawin wala na akong time para sa charity program namin buti na lang hands on si Brielle sa mga kailangan ng mga bata sa charity. Minsan na lang kami kumukuha ng schedule sa pagtugtog sa bar na pag mamay ari ng tito ni Brielle na si Manager Ree naiintindihan naman ni Manager dahil masyado na kaming busy sa kanya kanya naming trabaho. Nang matapos ang office hours ay kaagad akong dumalaw sa boutique ni Sapphire para masukat nsg gown na pinagawa ko para sa Anniversary. Receptionist ni Sapphire si Haisley na isa sa mga kaibigan ko at kasama sa Charity Program namin. “Sapp honey andito na ang VIP customer mo! “ sigaw ni Haisley ng makita akong pumasok sa boutique. “Hey honey “bati ko sa kanya. Nakita kong lumabas si Sapphy mula sa isang room at dala ang isang pulang gown na pinagawa ko. Inilapag niya yun sa table sa harap ko. Th gown looks so good may hiwa ito sa bandang left leg backless din ang gow na ito. “This will look good on you Honey” ani Haisley habang tinitingnan ang gown ko. “I know I trust Sapphy’s work “ Madami pang tinanong sakin ng dalawa tungkol sa party at sa mga schedule ko for next week dahil sa gaganaping charity ball para sa mga bata, we invited some business tycoon at ang mga parents namin but my parents won’t be able to come dahil nasa London ang mga ito. Minsan lang sila dumalaw sa bansa pag sobrang miss na nila sakin but they will stay here for only a week dahil kailangan din sila sa London para sa Clothing Company namin dun. “My parents won’t come marami silang work sa London” imporma ko sa kanila “ But they send some money for the charity” dagdag ko. “It’s okay alam naman natin na busy masyado ang mga magulang mo “ ani Sapphire. “My Dad is still sending someone to look for me and thank God wala pa naman napunta sa harap ng bungalow natin” sabi ni Haisley na mukhang nag aalala na baka mahanap siya ng tauhan ng ama niya. “Ayaw mo ba talaga bumalik sa Amsterdam? Siguro naman di na itutuloy ang naudlot mong kasal kay Prince ng Denmark “ sabi ko “We don’t know kung anong plano ni Dad but one thing I know for sure na kapag nakuha nila ako I won’t have my freedom anymore “ Dumaan sa magandang mukha ni Haisley ang takot na baka makuha ulit siya ng Ama niya. Mahirap pala maging Prinsesa akala ko kasi dati puro pasarap lang sa buhay ang mga Royal family but I’m mistaken at si Haisley ang living proof. “Umuwi na tayo nakapagluto na daw si Brielle kanina pa ata yun naka uwi” sabi ko at kinuha na ang gown ko na nasa paper bag na. Isang designer si Sapphire at si Brielle naman ay photographer at sumusulat din ng article about sa daily trend samantalang hindi na namin pinagtrabaho si Haisley dahil baka bigla na lang itong damputin ng mga naghahanap sa kanya mas naging disegido ata ang tatay ni Haisley na mahanap ang anak dahil mas dumarami daw sumusunod kay Haisley. Nakahanda na ang pagkain ng makauwi kami hindi pala pumasok ang bruha kaya nakapaglinis at luto may bago daw kasi itong project na binigay ng manager nila na napakahirap gawin. Panay ang reklamo ni Brielle habang kumakain kami kesyo unfair daw masyado ng manager niya dahil pinapahirapan siya lagi at ayaw ibigay sa kanya ang topic na gusto niya para sa journals niya. Matapos kumain ay kaagad akong naligo para makatulog ng maaga ang tatlo naman ay nanood pa sa living room gusto ko sanang sumama aa movie marathon nila kaso ang dami ko pang gagawin bukas at ayaw kong mapuyat it will affect my work tomorrow. Maaga ulit akong pumasok kinabukasan hindi ko na ginising ang mga kasama ko ako na din sng Nagluto ng almusal namin iniwan ko na lang iyon sa table at pumasok na sa work. Mamaya pa naman dadating si boss kaya matatapos ko pa ang mga reports na pinapagawa niya sakin iniwan na din ng Ibang head ang mga gusto nilang pirmahan ni boss sa dami kong ginagawa dapat may dagdag na sahod ko ei! Magreklamo nga ako sa kapatid ni boss mamaya para naman madagdagan ang sweldo ko. “Good morning Kae! ” bati sakin ni Duncan na isa sa mga katrabaho ko. I smiled at him “Good Morning din ” “Coffee? ” ani niya at nilapag ang coffee na galing sa Starbucks “Naku nag abala ka pa!” “It’s fine with me Kae sige na I’ll go ahead baka hanapin ako ng head namin “ “Okay and thank you for the coffee ” Tumango lang siya sakin at naglakad na palayo. Kinuha ko ang kape na binigay niya at binasa ang nakasulat dun. Have a great day ahead beautiful  . Uminom ako at pinagpatuloy ang mga gawain sa lamesa. Ilang minuto ang lumipas ng may biglang pumasok sa office ni boss Brion kaya napalingon ako. Magkasalubong ang kilay ay magulo ang buhok na pumasok sa company si Brion mukhang masama ang timpla nito ah! Kawawa ang masisigawan nito mamaya for sure buong araw bad mood ang isang to daig pa naman niya ang taong pinaglihi sa sama ng loob pag galit si Brion basta na lang ito maninigaw sa mga empleyado kaya todo ingat kami pag bad mood si boss baka mawalan kami ng trabaho ng wala sa oras. “Good Morning Mr. Sloan” bati ko sa kanya ng makapasok ako sa loob ng opisina. Kumunot ang noo nito ng makita ako “ What do you need? ” Inilapag ko ang mga kailangan niyang pirmahan “ Here are the papers you need to sign they will be needing it today Sir and” inilapag ko ulit ang mga reports na pinasa niya sakin kagabi “ Here are the reports you send me last night “ Inisa isa niya ang mga papel na nasa harap saka tumingin sakin “How about my schedule for the whole day ” “Lunch meeting with our new investors, Visiting the Yacht, Meeting with the whole architecture and Engineering department, Board meeting and checking the new delivered product that you personally ordered Sir” imporma ko sa lahat ng gagawin niya buong araw. He sighed heavily “Anything else ?” Umiling ako sa kanya saka nagpaalam na lalabas na madami pang nag aantay na gawain sakin sa mesa ko. Inintay kong lumabas si boss para sa pupuntahan naming Yacht mukhang wala atang balak ang isang to ah! Akmang aayusin ko na ang mga gamit ko ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni boss. “Let’s go” aniya ng tumapat sa table ko. Sumunod lang ako sa kanya hanggang marating namin sa sasakyan niya sa basement at yung sasakyan niya ang ginamit namin binuksan ko na ang pinto sa passenger seat ng biglang humarap sakin si Brion. Ano nanaman problema nito ang sama kung makatingin. “Bakit po boss? ” “Do you want me to look like your driver?!” masungit niyang sabi. Nagtatanong lang naman kailangan masungit?! Umalis agad ako sa passenger seat at lumapit sa shotgun seat dun lang siya nakuntento bago mag simulang magmaneho. Mabilis naman kaming nakarating sa Yacht boss inspect all the rooms para sa celebration and nagpadagdag na din siya ng alak baka daw kasi maubusan ng wine madami pa siyang binilin sa tagapamahala bago mag ayang umuwi na. Tahimik ulit ang naging biyahe namin pabalik sa condo unit namin. Agad akong nagpasalamat at nagpaalam kay boss saka pumasok sa building ng condo namin. Dahil nasa bar ngayon sina Brielle nagluto na lang ako ng sariling makakain saka hinanda ang mga gagamitin ko para sa party bukas. Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko na nasa side table. Ms. Kaelie May final schedule na po para sa charity program next week. Shit. Di ko pa pala nachecheck ang mga schedule ng Charity program namin sa sobrang dami ng trabaho sa office di ko na maasikaso ang Charity Program namin. Kahit sina Mommy di ko na din sila makausap they even wish to have grand daughter para daw malibang naman sila para kahit wala daw akong oras sa kanila may mapaglilibangan sila. Duh as if naman madali lang magka anak wala nga akong boyfriend panu ako magkaka anak? Isa pa gusto ko maganda ang lahi ng anak ko. Humiga na ulit ako matapos mag reply sa Superior ng Charity Program. Bukas ko na iisipin ang charity program na yun ipapa asikaso ko na muna yun kila Brielle para makapag focus ako sa party bukas. Goodnight. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD