Choosing the Husband

1683 Words
JAIME “Alright. Thank you for informing me.” Jaime ended the call. He watched BGC’s darkening skyline. Isang staff ng RnJ Services ang tumawag sa kanya. The phone call was to inform him that tomorrow, the husband he has chosen for Luc would be in active duty. Napapikit si Jaime. Hindi niya alam kung tama ba itong ginagawa niya. Pero desperado na talaga siya. Unti-unti, bumalik sa alaala niya ang unang beses na pagtapak niya sa branch ng RnJ sa BGC. Hindi niya akalain na ang pamosong Hermes Hotel ay front lamang ng RnJ. If they can afford to create such a screen for their underground business, then RnJ must be something more than a normal business group. Jaime was walking along a long corridor. Wala naman siyang choice dahil isang mahabang pasilyo lang ang bumungad sa kanya paglabas niya ng elevator. Sinunod niya ang sinabi ni Antonio at pumunta ng Hermes Hotel. Sa reception, ipinakita niya ang ibinigay na card ng kaibigan. The male receptionist glanced at the gold card and called someone. Right after, a petite woman dressed in a black and white suit showed up. Sabi sa kanya ng receptionist ay ang babae ang maghahatid sa kanya sa office ng RnJ. Iginiya siya ng bagong dating palayo sa lobby. Tuloy-tuloy sila sa isang private elevator sa likod lang ng pader ng reception. Nang makasakay si Jaime sa elevator ay doon niya natuklasang hindi paakyat ang tinatahak ng elevator. Bagkus, pababa sila. He assumed RnJ is literally underground. Well, at this particular branch that is. Hindi rin naman nagtagal si Jaime at ang babae sa loob ng elevator. Nang tumigil sila ay may pinidot ang babae sa panel at itinapat ang gold card na kanina lang ay ipinakita ni Jaime. Agad din namang ibinalik ng babae kay Jaime ang card. Pagkabukas ng pinto ay naunang lumabas ang babae. Tumigil din naman ito sa tapat ng elevator at hinintay na makasunod si Jaime. “Nandito na po tayo, sir.” “Thanks.” “Diretso lang po kayo doon, sir. May mag-aasikaso po sa inyo pagdating n’yo sa pinakadulo.” “Okay.” Pagkatapos noon ay pumasok uli ang babae sa elevator. “Hindi mo ako sasamahan?” nabiglang tanong ni Jaime. The woman gave Jaime an understanding smile. Umiling ito. “Hanggang dito lang po ang access ko sir. ‘Wag po kayong mag-alala, may sasalubong sa inyo.” Iyon lang at sumara na ang pinto ng elevator. Naiwan si Jaime na nakatanga, mag-isa sa tahimik na pasilyo. Noon lang niya napansin ang paligid nang tuluyan siyang mapag-isa. The walls were painted deep orange. Nang mag-umpisa siyang maglakad ay nakita niyang sari-saring laki ng mga paintings ang nakasabit sa dingding sa magkabilang bahagi ng mahabang dingding. Iba-iba rin ang tema ng bawat isa. The paintings hanging on the walls boasts of landscapes, seascapes, still life, portraits of people of various ages, animals, almost every subject was present. Above his head, cylindrical overhead lamps in white hangs, evenly spaced from each other. Mas mukhang art gallery ang pasilyo. Tuloy ay hindi na rin niya napansin na sinapit na niya ang dulo ng pasilyo. There, Jaime found the receptionist’s area was unattended. On Jaime’s right is a closed door made of black panel. A small golden bell sat in the middle of the black granite counter top, nestled on a red chamois cloth. Dinampot niya iyon at iginalaw nang bahagya. The bell’s pealing sound filled the air. Hindi nagtagal ay bumukas ang nakasarang pinto. Iniluwa noon ang dalawang tao; isang babae at isang lalaki. The woman was garbed in faded distressed jeans, white long-sleeved polo with her sleeves rolled up to her elbows. Nakalugay ang mahabang buhok nito. She was talking animatedly to the man she was with. Pilit na inaagaw sa kanya ng lalaki ang bitbit nitong malaking bag. “Hay naku, ako na. Kaya ko na ‘to, ano ka ba?” “Mas malaki ang muscles ko kaysa sa’yo, darling.” “May muscles din naman ako, Mamita. Saka exercise na rin, alam mo na. Kailangan nasa top condition tayo palagi. Sige na, bumalik ka na doon. Mukhang maraming pipirmahan ‘yang lucky pen mo.” The man rolled his eyes. Kung hindi narinig ni Jaime ang pananalita nito ay hindi siya magkakaideya na katulad din ito ni Antonio—he’s gay. Kapansin-pansin ang pagpitik ng daliri nito sa isang kamay na may bitbit pang fuschia pink feather pen. The guys has taste. “Napadaan lang ako dito, ‘no. May kinailangan lang kunin at pirmahan. Okay, if you insist, babalik na ‘ko sa loob. Mag-iingat ka.” Jaime cleared his throat to catch their attention. Sabay na lumingon sa kanya ang dalawa. “Uh, hi. I’m here for this?” Ipinakita niya ang hawak na card. Kumunot ang noo ng babae samantalang hinagod naman siya ng tingin ng lalaking may hawak na fuschia pink feather pen. Jaime felt a little uncomfortable because the man’s eyes seemed to penetrate to his bone marrows. “You are?” tanong ng lalaki. “A client,” maikling sagot ni Jaime. Nagkatinginan ang dalawang tao sa harap ng binata, mata lang nila ang nag-uusap. “Sino’ng naghatid sa ‘yo dito?” tanong ng babae. “Wala. Dapat ba meron?” ganting tanong ni Jaime. “Who gave you that card?” “My friend, Antonio Rivas.” Sabay na natawa ang dalawa. “Kaya pala. Paano, Mamita. Mauna na ‘ko. Ikaw na ang bahala d’yan. Babush!” “Take care, darling.” Nilapitan si Jaime ng lalaking tinawag ng babaeng Mamita. Inikutan siya nito, para bang sinisipat ang bawat anggulo ng pagkatao niya. Jaime stayed calm. Tingin lang naman, hindi iyon kabawasan sa p*********i niya. “Do you swing both ways perhaps, baby?” Nagsalubong ang kilay ni Jaime. Kliyente siya, bakit may pa-interview? And it’s a sensitive topic to add. Jaime believes one’s s****l orientation is their own business. “Is my s****l orientation a problem?” Ngumiti ang lalaki. Iwinasiwas nito ang hawak. “No, no. Our services caters mostly to women kasi. Although may mga clients din naman noon na hindi babae ang inentertain at inaccommodate namin. Pasensya ka na kung nag-assume ako. Hindi mo rin naman ako masisisi, kasi nga ‘di ba? Husband for hire ang inaalok namin. Unless nangangailangan ka rin ng asawa?” “It’s not for me, but for my niece,” pagtatama ni Jaime. “Oh. Kaya pala. Halika, sumunod ka sa akin, ako na ang bahalang magpaliwanag sa ‘yo. Kahit kailan talaga ‘yang si Antonio, pasulpot-sulpot na nga lang ng Pilipinas hindi pa pinaninindigan nang maayos ang responsibilidad sa trabaho. Naku! By the way, I am Fac. How should I address you, baby?” “I’m Jaime.” Inabot ni Jaime ang kamay kay Fac. Tinanggap naman iyon ng lalaki. “Alright, Jaime baby. Supposedly, si Antonio ang magpapaliwanag sa ‘yo ng mga detalye. He should have explained to you the basic details bago ka niya pinapunta dito. Kaso mo, si Antonio ang pinakatamad na agent namin. In fairness naman sa kanya, marami siyang ambag sa negosyong ‘to. ‘Yon lang, di mo maasahan sa ganitong bagay,” patuloy na litanya ni Fac. Natawa si Jaime. Sumunod siya sa likod ni Fac. “That indeed sounds like him.” “Right,” ani Fac sabay bukas sa nilabasan nitong pinto kanina. “Welcome to RnJ Services, Jaime. Fac brought Jaime to a well-lit conference room. Iniwan siya ng lalaki doon at nangakong babalik din bitbit ang ilang dokumento. True enough, Fac came back with two blue folders in hand. Ibinigay ni Fac kay Jaime ang isang folder na hindi kasing-kapal ng isa nitong kasama. “This is a non-disclosure agreement that you have to sign. Basahin mo at pagkatapos ay magdesisyon ka kung pipirmahan mo o hindi. ‘Pag pinirmahan mo ito, doon ko pa lang puwedeng ipaalam sa ‘yo ang mga nilalaman ng kontrata at lahat ng mga bagay na may kinalaman sa serbisyong mapipili mo. Our contracts are classified into three. Pero siyempre, malalaman mo na lang ‘yon kung okay sa ‘yo ang non-disclosure agreement.” Jaime nodded his head. Walang halong pagmamadaling binasa niya ang maiksing nilalaman ng folder na inabot ni Fac. Wala naman iyong gaanong sinabi, naniniguro lang ang RnJ para mapanatiling lihim sa karamihan ang tungkol sa operasyon nila. As a businessman, Jaime understands. RnJ operates on exclusivity and a non-disclosure agreement is just a basic part of their standard operations procedure. He picked up the pen that Fac provided and signed at the bottom, over his printed name. Pagkatapos ay ibinalik niya kay Fac ang folder. Fac smiled and clapped his hands like a child. Jaime leaned on the chair and regarded Fac with his deep set eyes. “Hit me with your best shot.” And Fac did. Walang detalyeng iniwan si Fac na malabo ang dating sa pagkakaintindi ni Jaime. The man is a good speaker and never minces words. Jaime like that. Kahit ano’ng dami ng mga tanong niya ay maayos na nasagot iyon ni Fac. “So there’s three choices?” paniniyak ni Jaime. “Yes. According to the specifications you gave me, the system has picked three eligible husbands for your niece. Siya na ang bahalang pumili ng pinakagusto niya o pinakamalapit sa pangangailangan niya.” “I’ll decide for her. ‘Wag kang mag-alala, hindi magrereklamo ‘yon. Mas matutuwa pa nga ako ‘kung magreklamo siya.” ”Pero siya ang pipirma sa kontrata, hindi ikaw,” paalala ni Fac. “Yes, yes. Pipirma siya.” Pumitik sa hangin si Jaime at itinuro ang picture ng isang lalaki sa tablet na ipinakita ni Fac. “I want this guy.” “Hmm? That fast?” ani Fac. “Oh, it’s Jiro. Good choice. Hindi na magbabago ang isip mo?” Umiling si Jaime. “That’s final.” “Well then. Jiro it is.” Tumayo si Fac at kinamayan si Jaime. “I’ll have the contract prepared.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD