First Meet

1599 Words
CARL Jaime led Carl to Luc's house in Tagaytay. Bago pa si Carl pumunta sa condo ni Jaime ay nabuo na niya ang mga plano niya para kay Miss Santocildes. Hindi siya ng tipo ng taong sasabak na lang sa giyera na walang bala. Aba, retirement niya ang nakasalalay dito. Gustong-gusto na niyang magpahinga tutal nakaipon na rin naman siya ng sariling pera kahit paano. Verka Crop Science was barely afloat when Carl took over. Ang balak talaga niya noong una ay magtatayo siya ng sariling start up. Kaya lang ay pinakiusapan siya ng mga magulang na mag-take over sa Verka. At twenty six and fresh from graduate school, Carl took the reigns of Verka. Tatlong taon mula noon, nakabangon at namayagpag ang Verka Crop Science. At ang pinakahuling assignment niyang ito sa ilalim ng RnJ ay magdadagdag ng malaking halaga sa ipon niya. Once and for all, he wanted something he can call his own. Kahit noon pa man ay iyon na talaga ang pinapangarap niya. Malapit na niyang makamit ‘yon sa tulong ng tagapagmana ng Ethos Mining and Steel Corporation. He brought his five year old white Range Rover Sport SUV with him, trailing behind Jaime’s luxurious black Chevrolet Camaro. Pagkalipas ng ilang oras ay bahagyang bumagal ang takbo ng kotse ni Jaime, hanggang sa tumigil ito sa harap ng malaking gate ng isang subdivision. Hindi rin naman sila nagtagal dahil agad silang nakapasok matapos i-scan ni Jaime ang isang access card sa tapat ng scanner na naroon. They stopped in front of a Swiss chalet house in sleet gray and white, two stories high. May kasambahay na nagbukas ng gate para sa kanila. Following Jaime’s lead, Carl parked the car beside Jaime’s in a big garage that houses four more cars; two sedans, one SUV and a sports car. Pagbaba ni Carl ng sasakyan ay pinagmasdan niya ang malaking bahay. Malapad ang porch na nakapalibot sa harap at tagiliran ng bahay na gawa sa pinaghalong bato, kahoy at salamin. Parallel beds of roses borders the path walk that leads to the stairs, a riot of green and red tangling with each other. Kahit saan tumingin si Carl ay nakakakita siya ng mga punong kahoy. Pakiramdam niya ay wala sila sa Pilipinas, idagdag pang sadyang malamig sa Tagaytay. Hindi pahuhuli ang hitsura ng lugar sa mga bahay na nakita niya sa ibang bansa sa panahon ng taglamig. Ang kaibahan lang ay walang puting niyebeng naipon sa lupa. But the ambiance is close, though. “Follow me,” sabi ni Jaime. Walang imik na sumunod si Carl. His shoes made a dull sound against the wooden steps as he climbed the stairs after Jaime. Pagpasok nila sa loob ay agad na binalot si Carl ng komportableng init na nanggagaling sa naka-install na heater sa loob ng bahay. May isang babaeng nakasuot ng uniporme ng nurse ang sumalubong kay Jaime. “Sir! Mabuti at nandito na kayo.” The nurse twisted her hands. Agad na kumunot ang noo ni Jaime. “Bakit, Maita? Ano’ng problema?” “Si Ma’am po kasi, may sumpong na naman. K-Kanina po, nalingat lang ako saglit muntik na niyang…” napalunok si Maita, “naipuslit n’ya po kasi ‘yong ginamit kong cutter na pinangbukas namin ng dumating na package.” Kahit hindi buo ang salaysay ni Maita ay alam na ni Jaime ang nangyari. Nagtangka na naman ang pamangkin niya. Napahawak si Jaime sa batok. Tumingala ang binata sa kisame, para bang doon ito makakaamot ng karagdagang pasensya. He waved Maita off. “Sige na, ako na ang bahala. Nasaan si Luc?” “Nasa study po, kasama si Boyet.” Si Boyet ang anak ng kusinera nilang si Agnes. The child is just twelve years old at nag-iisang nilalang sa buong bahay na hindi pa nakatikim ng sigaw at pagsusungit kay Luc. Bago ang aksidente ay malapit na sa bata ang pamangkin ni Jaime. And even after she got partially blind and developed a temper, Luc remained gentle to the child. “Siyanga pala, simula ngayon ay sasamahan mo si Luc sa pupuntahan niya. Mag-empake ka na ngayon din. Sabihin mo kay Karen na ipag-empake din si Luc, ‘yong sakto lang sa dalawa o tatlong araw. Ipapahatid ko na lang ang iba pa niyang damit. Dalawang buwan kayong titira sa bahay ng asawa ni Luc. Okay lang ba na ‘wag ka munang mag-day off sa loob ng dalawang buwan? Dadagdagan ko ang sahod mo.” Namilog ang mga mata ni Maita. “P-Po? May asawa si Ma’am Luc?” Namilog ang mga mata ng babae, lumipat ang tingin nito kay Carl. Tumango si Jaime at bumaling sa binata. “This is Maita, Luc’s nurse. Do you have a spare room in your house for her?” “Oo naman. Mag-isa lang si Emilia sa kuwarto niya, puwede silang maghati doon.” “Who’s Emilia?” “Ah, isa sa kasambahay ko. Anak ng isang kapwa tricycle driver na pinag-aaral ko. Dalawa ang kasama ko sa bahay, sina Emilia at si Teroy.” Muling bumaling si Jaime kay Maita. “This is Jiro Amar, Luc’s husband. You should start calling him sir.” “Naku, ‘wag na ‘yong sir, nakakailang. Kuya Jiro na lang, mukhang hindi naman yata naglalayo ang edad natin,” nakangiting tanggi ni Jiro. “E-Eh, s-sige po Kuya Jiro. Mauna na po ako para makapag-empake na.” Pagkaalis ni Maita ay nilingon ni Jaime si Carl. “Follow me, let’s find your trouble-making wife. Sana lang umubra ang diskarte mo kay Luc.” “Walang mawawala kung susubukan,” sabi ni Carl. Pagbukas na pagbukas ni Jaime ng pinto sa study ay naabutan nilang nakaupo si Luc sa divan sa tabi ng bintana. Malayo ang tingin ng babaeng bughaw ang buhok, lagpas-lagpasan sa tanawing nakahain sa labas ng salaming bintana. Ni hindi ito tuminag kahit na may bagong dating. “Sir,” bati ng batang si Boyet at umahon sa pagkakadapa sa carpeted na sahig. Naroon at nakakalat sa sahig ang mga art materials. Jaime recognized some of those. Siya ang bumili ng ilan doon at iniregalo niya kay Luc bago ang aksidente. Of course, they’re all premium materials na sa ibang bansa pa niya nabili. Luc is a little picky with her materials, especially the pigments on her paints and water colors. Walang imik na ginulo ni Jaime ang buhok ng bata. Saka sumenyas ang binata kay Boyet na ‘wag itong maingay. Tumango si Boyet, isa-isang pinulot ang mga gamit sa sahig. Ilang sandali pa ay nakalabas na ang bata nang walang ingay. Jaime padded to his niece. Luc had her knees folded, her arms wrapped around them as her chin rested on her kneecaps. “Luc,” tawag ni Jaime sa atensyon ng dalaga. “Hello, uncle.” Lihim na nailing si Carl. Kahit boses ni Luc ay walang buhay. She sounds monotone. Ngayon niya naiintindihan ang pagkabahala ni Jaime Santocildes. Hindi masisisi ni Carl ang lalaki kung nasa bingit na ito ng desperasyon, sapat para kunin ang serbisyo ng RnJ. “Your husband is here,” maikling deklara ni Jaime. “Hmm. I see.” Pero hindi man lang lumilingon si Luc, nanatili itong nakatitig sa kawalan. Para bang kusa lang gumagalaw ang mga labi nito. Tinalo pa ng dalaga ang robot sa kawalang buhay. “Luc,” muling pagtawag ni Jaime sa pamangkin. “Your husband is here to take you home.” That did it. Dahan-dahang lumingon si Luc sa dalawang lalaki, magkasalubong ang dalawang kilay. Her eyes found the blurry image of Carl dressed in black pants and blue pullover, her eyes staying with him for a couple of seconds before her blurry vision transferred to Jaime. “Pakiulit? Hindi ko yata narinig ang sinabi n'yo.” “Ang sabi ko, nandito ang asawa mo para iuwi ka sa bahay niya.” “You got to be kidding me.” Doon na sumingit si Carl. “Bumaba ka na diyan, misis. Ipinagpaalam na kita sa tiyuhin mo, iuuwi na kita sa bahay natin.” “Sino ka?” Ngumiti si Carl. Dramatikong yumukod ang binata at itiniklop ang isang tuhod bilang pagbibigay galang. He swept his arm in the air with flourish, the other arm folded behind his back. “Jiro Amar, mahal kong asawa.” Sinabayan ‘yon ni Jiro ng isang matamis na ngiti. “Nandito ako para sunduin ka.” Kaya nang lalong lumalim ang mga gatla sa noo ni Luc ay natuwa siya. Hindi naman pala buhay na robot itong bagong asawa niya. Kaya naman pala nitong magpakita ng reaksyon maliban sa blangkong mukha. Luc in person is breath taking, even with her blue hair and half-shaved head. Lagpas lang ng halos kalahating dangkal ang buhok nito sa panga. “Where did you get this clown, uncle?” sita ni Luc sa tiyuhin. Pero imbes na mainis ay lumiwanag pa ang mukha ni Jaime. May pakulo yata ang tiyuhin niya at ang payasong kasama nitong sumulpot sa bahay niya. “You signed the contract, my dear niece. Ngayon, kailangan mong nang umalis. Dalawang buwan mong pakikisamahan si Jiro. I can’t leave you here by yourself now that I’m getting ready for a series of site acquisition for the next twelve months.” “So he’s the jailer you handpicked, huh. He sounds pretty. Is he?” “Naku misis, ang suwerte mo kaya sa akin. Basta driver, sweet lover. At hindi lang ako tunog pretty. Ako ang literal na larawan ng pretty na semi-kalbo.” To Jaime’s amazement, Luke rolled her unseeing eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD