LUC The plastic wrapping of the bouquet of yellow tulips crinkled as Luc put it down on the grave marker. Siyempre pa, hindi niya kinalimutan ang katabing puntod nito. Inilapag ng dalaga ang hawak na bouquet ng rosas doon. Masuyong tinunton ng mahahabang daliri ng dalaga ang nakaukit na pangalan sa bawat puntod kasabay ng pagsilay ng isang malungkot na ngiti sa mukha niya. “Mom, Dad, I’m back.” Bulong lang sa hangin ang pagkakasambit ni Luc sa pagbati pero pakiramdam niya ay ang lakas-lakas na ng boses niya. Her eyes focused on the left grave. “Happy birthday, Dad.” Umunat siya nang tayo at ipinikit ang mga mata. With both of her hands clasped in front of her, Luc uttered a short prayer in silence, wishing her parents eternal rest. Kapagkuwa’y dumilat ang bilugang mga mata ng dalaga, pa

