Elishianna Celeste Levi "Tagal buksan ng pinto grabe ah." Reklamo ni Ciela habang si Jace naman ay napanganga. "Tangina, ang aga ah." Sambit niya nang makabawi sa pagkakagulat. "What?" Nakangising sambit ni Silas. "OMG!" Sigaw ni Ciela nang mapansin din kaya napangiti ako. "Sa sasakyan na niya aayusin yan, let's go." Natatawang sambit ko at hinitak na sila. Convoy ang ginawa namin, dalawang sasakyan para walang sagabal at makauwi kapag gusto ng umuwi. Nang makarating kami ay agad na lumabas si Ciela. "Ngayon ko lang napansin, you look stunning kaya pala hindi nakapagpigil, pinapak ka kaagad." Natatawang sambit ni Ciela habang pinapasadahan ako ng tingin. Si Silas at Jace ay magkasama nanaman kaya nauna na kami ni Ciela. Pag pasok namin sa bar ay bumungad agad malakas na tugtog, a

