SIMULA

1532 Words
Elishianna Celeste Levi "Senyora..." Rinig kong sambit ng aming kasambahay. "Yes?" Tanong ni Mommy habang busy sa pag aayos ng kaniyang mga nails. "Nandito na po sila Donya Estella." Mahinang sambit ng katulong. "Papasukin niyo at mag handa na kayo." Sambit ni Mommy kaya napangiti ako. Yes! I can finally see Silas, I miss him!! Excited akong tumakbo sa aking room upang mag ayos. Silas is my one and only bestfriend, we are also schoolmate pero dahil bakasyon ay madadalang kaming magkita. Silas is grade 6 while me is grade 4. Habang pababa ako ng hagdan ay sinisilip ko na kung nasaan si Silas. “EC!” Sigaw ni Silas na halatang nang aasar kaya napairap ako. “You know I hate calling EC diba?!” Medyo napipikon kong sambit na agad ikinatawa ni Silas. “Chill, I'm just joking Elishianna. I miss you.” Diretsong sambit ni Silas habang nakatingin sa'kin habang ako naman ay napapaiwas nalang at hindi napansing namumula. “Tomato girl.” Dagdag pa ni Silas sabay gulo sa buhok ko. “O-oy?!” Nauutal kong sambit at saka siya sinundan palabas ng bahay. “Bakit lumabas ka?” Tanong ko ng makita siyang nakaupo sa may batuhan. “Kase alam kong susundan mo ako. Hindi mo ba ako namimiss?” Kunwaring pang aasar niyang tanong kaya napaiwas naman ako ng tingin. Malamang miss na miss, kainis naman ito e. “Hindi, lagi nga kita nakikita at nakakausap.” Kunwaring sambit ko sakanya. “Sus, totoo ba?” Pangungulit ni Silas kaya napatawa ako. “Aba'y syempre namiss kita, tagal din kaya ng bakasyon mag grade 6 ka na tapos ako grade 4 palang.” Sambit ko habang naglalaro ng buhangin. Andito kami sa may tabing dagat, masarap kasi tumambay dito at maupo sa mga batuhan dahil malamig at sariwa ang hangin. Bukod pa ron ay eto rin ang favorite naming pag tambayang dalawa. “Hmm, graduating na pala ako. Paano ka na niyan?” Natatawang sambit niya. “Syempre ihehelp at dadalawin mo pa rin dapat ako ah.” Pabirong sambit ko habang siya ay tumatango na aking ikinagulat. “Seryoso?” Natatawang sambit ko. “Hmm, bakit naman hindi? Mamaya may manligaw sa'yo don e. Dapat bantayan kita.” Hirit niya kaya napairap ako. “Kainis ka! Baka sa'yo pa magkagusto mga kaklase ko e.” Sambit ko. “Hindi yan.” Sambit niya habang nakatitig sa dagat. “Saan ka mag ha-high school?” Tanong ako at umasog sa kaniyang tabi. “Bakit? Susundan mo ba ako?” Pang aasar niya sa'kin na tinanguan ko naman. Ngumiti ako, “Oo, wala ka namang choice e.” Sambit ko. “Pag sa'yo palagi naman e.” Natatawang sambit niya at ginulo nanaman ang buhok ko. “Papalapit na yaya mo, mukhang hinahanap na tayo. Halika na.” Sambit niya saka siya tumayo at inalalayan ako. “Tara.” Sambit ko at naglakad na kami palayo habang magkahawak ang aming mga kamay. Ganito kami palagi, bata palang... Kaya siguro sanay na rin lahat ng mga nakakakita sa amin. “Mukhang enjoy na enjoy ka Alpheus a?” Sambit ni Tita Estella sa kaniyang anak pagkapasok namin sa loob ng bahay. “Hmm.” Ang tanging sagot ni Silas at hinigit na ako papunta sa taas. “Tita manonood lang po kami movie ni Elishianna sa room niya.” Sambit ni Silas at tinanguan naman siya ni Mommy. “Bakit sa room ko? Pwede naman sa movie room, papadala tayo kila yaya ng mga foods.” Sambit ko sakanya nang makarating na kami sa aking kwarto. “Pass, mas gusto ko sa kwarto mo para makakatulog ako.” Sambit niya. “Kaya mo lang gusto sa kwarto ko para makatulog ka e, iiwan mo akong nanonood.” Sambit ko na ikinatawa niya. I knew it! Bwiset talaga ‘tong Silas na ‘to. “Hindi na ako magpapadala ng food, mamili ka na ng papanoorin natin at alam kong tutulugan mo lang yan.” Sambit ko saka humiga sa kama mo. Pinanood ko lang siyang mag set up ng tv at mamili sa papanoorin namin. Sanay naman na siya since mas matanda siya sa'kin. “Tagal mo naman, wala ka ba mapili?” Natatawang sambit ko at nilingon naman niya ako. “Halos napanood na natin mga ito e, ayoko mag rewatch mas lalo ako aantukin. Mag hintay ka lang diyan at inaayon ko sa gusto mo ang papanoorin natin.” Masungit na sambit niya kaya hindi na ako kumibo. Maya maya lang ay nakapili na siya, finally! “Ano yan? Pag yan horror hindi ka matutulog ha.” Babala ko sakanya dahil alam naman niyang takot ako sa horror. “No, romance yan alam kong hilig mo yan.” Sambit niya at tinabihan ako sa aking kama. “Okay.” Sambit ko at sumandal sa mga unan, habang siya ay nakahiga. “Ready na matulong ah.” Biro sakanya. “Just watch, I'm tired ang layo ng byahe namin.” Sambit niya at tuluyan ng pumikit. “Sus, restwell.” Sambit ko. Nanood lang ako nang nanood dahil wala rin naman akong kadaldalan. Silaw knew what type of genre ang pinaka favorite ko, galing talaga nito hays. Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto kaya dahan dahan akong umalis sa kama upang icheck kung sino yon. “Iha, sabi ni Donya ay dalhan ko nalang kayo ng food diyan.” Sambit ng aming yaya kaya tumango nalang ako. Mukhang wala sila Mommy at Tita kaya pinadalhan nalang kami ng food. “Oh, okay po.. Pwede po ba later nalang po? Silas is sleeping po e. Hintayin ko nalang po siya magising before kumain, magpapadala nalang po ako kapag nagising na siya. Salamat po.” Nakangiting sambit ko at umalis na ang aming katulong. Bumalik ako sa panonood hanggang sa nakayari ako. Nag phone nalang ako habang naghihintay kay Silas na magising. Saglit lang ako nakapag phone dahil nakaramdam na rin ako ng antok, humiga ako sa tabi ni Silas at ipinikit ang aking mga mata. AFTER A FEW MINUTES “Elishianna...” “Elishianna, wake up.” Iminulat ko ang mata ko nakita ko si Silas sa harap ko. “Hmm?” “It's already three o'clock in the afternoon. Sabi nila yaya ay hindi ka raw nag lunch dahil hinihintay mo ako.” Sambit niya at tumango ako. “I'm still sleepy.” Sambit ko at muling ipinikit ang mga mata. “We need to eat, we're going out.” Seryosong sambit niya. Napabalikwas naman ako dahil sa tono ng bones niya, “Okay okay, chill.” Sambit ko habang kinukusot ang mata ko. “Saan punta?” Tanong ko. “Hidden place.” Sambit niya kaya tumango ako. We have a secret or hidden place here in our property, mayroon sa loob ng bahay at mayroon sa labas. Bumaba na kami ni Silas at kumain, hindi rin nagtagal ay umalis na kami sa bahay. Hindi naman kami hinahanap dahil alam naman nilang hindi kami lumalabas sa property namin. “Bakit bigla mong gusto pumunta sa hidden place natin?” Takang tanong ko sakanya. Ngayon nalang kasi kami pupunta doon simula nung pabalik balik sila dito before. “Wala lang, namiss ko lang.” Sambit niya at tumango nalang ako. “Haaaaay! Ngayon nalang din ako ulit nakabalik dito.” Sambit ko habang iginagala ang mga mata ko sa loob. Mayroon kaming mga damit dito, pagkain, sala, at kwarto. Malapit lang kasi ito sa dagat kaya nagustuhan namin, pero hindi alam ng mga asa bahay na mayroong ganito dito dahil hindi namna sila umaabot sa dulo ng property namin. This is the place we go every time we want to spend some time alone, pero dapat magkasama kami. “Why?” Tanong ni Silas. “I don't usually go here kapag wala ka, bukod sa hindi ako papayagan nila Mommy ay baka mamiss lang kita.” Pabirong sambit ko. “Ah Elishianna..” Sambit ni Silas at mukhang kinakabahan. “Yes? Bakit mukha kang kinakabahan, wag mo nga ako pakabahin Silas.” Medyo naiinis kong sambit dahil nahahawa na rin ako sa kaniya. “Huwag kang sisigaw once na sinabi ko ah.” Sambit niya kaya mas lalo akong kinabahan. “Silas, you're not funny, tinatakot mo ako.” Sambit ko. “Kasi ano...” Mahinang sambit niya kaya napairap nalang ako. “Kung hindi mo sasabihin ay lalayasan na kita.” Inis na sambit ko na ikinatawa niya. “Dito ako mag aaral ng high school, napilit ko sila Mama na dito nalang ako mag stay at kinausap na niya si Tita na sainyo ako tumira habang nag aaral ng high school.” Sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko. “O.M.G.!!" Tili ko kaya agad na lumapit si Silas sa'kin para awatin ako. “I told you, huwag kang sisigaw. Someone might hear us.” Natatawang sambit niya. Tumango naman ako at nagtatalon sa tuwa. Yes! Kaya pala ang lakas ng loob niyang sabihin na babantayan ako. “Buti pumayag ang Tita at Tito.” Masayang sambit ko. “Ikaw ang keyword para mapapayag sila e." Natatawang sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD