Elishianna Celeste Levi Last day na namin ni Silas dito sa hidden place namin, mas nauna akong nagising sakanya kaya ginawa ko na ang mga gawaing bahay. Habang nagluluto ako ay natatanaw ko ang aming bakuran, medyo makalat na pala at hindi na nadidiligan ang mga halaman. Mamaya ayain ko si Silas. Nagpatuloy ako sa pagluluto hanggang sa may maramdaman akonh sumisiksik sa leeg ko. Naamoy ko nanaman ang kanyang manly scent, "Morning." Natatawang sambit ko. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo, "Good morning." Sambit niya. "Malapit na ako mayari dito, after this linis tayo sa paligid." Sambit ko habang nag hahain. Tinanguan naman ako, "Okay madame." Biro niya. Nang matapos kami sa pagkain ay lumabas na ako para simulan. Sa loob ng one week namin dito ay ngayon lang kami lalabas

